You are on page 1of 20

NAGAGAMIT SA USAPAN

AT IBA’T – IBANG
SITWASYON ANG MGA
URI NG PANGUNGUSAP
PAGBASA NG MGA SALITA:
 Kaibigan Makapangyarihan
 Magsasaka Masunurin
 Nagsisisi Kapatagan
 Magkasundo Sinusundan
 Napapagod Kalungkutan
PAGGANYAK
PAGGANYAK
1.May nakita akong tatlong bibe.

2.Nakita mo ba ang tatlong bibe?

3.Dalhin mo sa kubo ang tatlong bibe.

4.Kwak! Kwak! Kwak! Ang huni ng bibe.


Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng
Panuto:
mga matatalinghagang salita na nasa Hanay
A.

A. B.
1.Pagsusunog ng kilay A. Malawak
2. Di – maliparang uwak B. Mabagal kumilos
3. Lakad pagong C. Pag-aaral nang mabuti
4. Tupang itim D. Magkatotoo ang sinabi
5. Nagdilang Anghel E. Masama ang ugali
SI KABAYO AT SI KALABAW
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan
kaya isang araw ay ipinapahanda niya ang kanyang
mga gamit at inilulan sa kanyang mga alagang kabayo
at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang
mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay
nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang
kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
“Saan kaya tayo pupunta? Ang layo-layo na ng
nilakad natin. Napapagod na ako” Sinabi ni
Kabayo.”Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat
ang pasan kong gamit kaysa sa iyo. Maaari bang
tulungan mo ako at pasanin mo yong iba?” pakiusap
ng kalabaw.
“Aba! Iyan ipinataw sa iyong balikat ng ating
amo kaya pagtiisan mo,” anang kabayo na lalo
pang binilisan ang paglalakad.
“Tulungan mo ako .Di ko na kakayanin ang bigat
ng dala ko.Nanghihina ako.Alam mo namang
kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito
katindi ang sikat ng araw dahil madaling mag –init
ang katawan ko” Pakiusap pa rin ni kalabaw.
“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng
kabayo.Makaraan pa ang isang oras at lalong tumindi ang init ng
araw.Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng
kanyang dala at siya ay pumanaw.Nang makita ng magsasaka
ang nangyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ni
kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya naming makalakad
dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin. “Kung
tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon,” may pagsisising bulong ng
kabayo sa kanyang sarili.
PAGTATALAKAY
:
1.Ano ang pamagat ng pabulang
inyong narinig?
2. Ano ang dahilan at inilulan ng
magsasaka ang mga gamit niya sa
kanyang mga alaga?
3. Ano ang nararamdaman ni kalabaw
habang sila ay naglalakbay?
4. Tinulungan ba siya ni Kabayo?
5. Ano ang ginagawa ni Kalabaw
kapag matindi ang sikat ng araw?
6. Natagalan ba ni Kalabaw ang panghihina at
ang matinding sikat ng araw? Ano ang
nangyari sa kanya?
7. Naging mabuti bang kaibigan si Kabayo
kay Kalabaw? Patunayan.
8.Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Kabayo,
tutulungan mo ba si Kalabaw? Bakit?
9.Anong aral ang natutuhan ninyo sa
kuwento?
PAGSUSURI SA MGA PANGUNGUSAP
A. Si kalabaw at si Kabayo ay mga
katulong ng magsasaka sa bukid.
B. Tulungan mo ako.
C. Maaari bang tulungan mo ako at
pasanin mo yong iba.
D. Saan kaya tayo pupunta?
E. Aba! Iyan ang ipinataw sa iyong
balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo!
 A. Tukuyin ang uri ng sumusunod na mga
pangungusap. Isulat ang PS kung pasalaysay, PT
kung patanong, PK kung pautos o pakiusap at PD
kung padamdam.
 1.Woww! ang sarap ng taro chips na gawa
sa San Remigio.
 2.Napanood mo ba ang Mardigra noong
Hambaru Festival?
 3.Samahan mo ako papuntang Igbaclag
Cave.
 4.Rafflesia ang tawag sa isang malaking
bulaklak.
 5.Pwede ba maglaro tayo ng tumbang
preso?
 
B. LARO – PASA DE KAHON
MEKANIKS:

Magpapatunog ang guro ng isang


tugtugin habang ipinapasa ang kahon
na may lamang istrip ng kartolina na
nakasulat ang mga uri na
pangungusap. Ipapasa ang kahon sa
klase. Paghuminto ang tugtugin, ang
batang may hawak na kahon ay
bubunot ng istrip ng kartolina at
gagawa ng pangugusap ayon sa
nabunot niya.
 
C. Isulat ang angkop na bantas sa bawat
pangungusap at isulat rin kung anong uri ng
pangungusap ang bawat isa.
1.Nakapasyal ka na ba sa Bato kuweba______
2. Malinaw ang tubig sa dagat______
3. Kumuha ka ng kahoy sa ilalim ng bahy_____
4. Bakit kaya pinagalitan ng guro si
Edna_______
5. Wow___ ikaw na ang panalo _________
 Anu – ano ang mga uri ng
Pangungusap ayon sa
gamit? Kailan ginagamit
ang mga ito?
URI NG PANGUNGUSAP

 PASALAYSAY – Nagsalaysay o nagkwekwento.


Nagtatapos ito sa tuldok (.).
 PATANONG – Nagtatanong ang pangungusap na
ito. Ginagamitan ito ng tandang pananong (?) sa
hulihan.
 PAUTOS O PAKIUSAP – Nag-uutos o nakikiusap
ang nagsasalita. Nagtatapos ito sa tuldok(.).
 PADAMDAM – Nagpapakita ng matinding
damdamin gaya ng tuwa, galit, gulat at takot.
Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!).
BUMUO NG ISANG USAPAN NA GUMAGAMIT NG
IBA’T – IBANG URI NG PANGUNGUSAP TUNGKOL SA
IBIBIGAY NA SITWASYON.

1.Dumating ang ninang mo. May


dala siyang regalo para sa iyo.
2. Sumali ka sa paligsahan ng
Awit at ikaw ang nanalo
3. Nag – aaway ang dalawa
mong kapatid ng dahil sa tablet.
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap.
Isulat kung ito ay pasalaysay, pautos, patanong o
padamdam.
1.Ang prutas at gulay ay kailangan ng ating katawan
upang maging malusog at malakas.
2. Kailan kaya masusugpo ang mga iligal na gawain
sa bansa?
3. Sumunod ka sa mga batas upang maging mabuting
kabataan .
4. Ay naku! Kung hindi ka nakikinig sa mga payo ko
mapapahamak ka!
5. Ano ang mangyayari sa iyo kung hindi ka
magbabago?
TAKDANG ARALIN:

 Sumulatng 5 uri ng
pangungusap ayon
sa gamit.
PREPARED BY:
Mrs. Jennifer G. Tabaque

You might also like