You are on page 1of 67

Ilarawan

mo ako!
Ang paglalarawan ay
maihahalintulad sa
pagpipinta.
Panuto: Basahing mabuti ang
pahayag at sagutin ang mga
tanong pagkatapos.
Namumutla, nangangatog ang buong
katawan, at nanginginig ang boses, si Pak
Idjo ay walang iniwan sa taong inaataki ng
malaria. Ang totoo’y may sakit siyang talaga.
Parang nakasabit na lang ang tagpi-tagpi at
maruming damit sa napakanipis niyang
katawan, at nakalubog sa humpak niyang
mga pisngi ang kaniyang namumutla at
nagluluhang mata.
TEKSTONG
NAGLALARAWA
N
Tekstong Naglalarawan

onagtataglay ng mga impormasyong may


kinalaman sa pisikal na katangiang taglay
ng isang tao, bagay, lugar, at pangyayari.
oIto ay tumutugon sa tanong na “ANO”.
Tekstong Naglalarawan
oMaihahalintulad sa isang larawang ipininta
o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng
iba ay parang nakita narin ang orihinal na
pinagmulan ng larawan.

oKaraniwang gumagamit ng pang-uri at


pang-abay
o Pangunahing layunin ng tekstong naglalarawan
ay ang makabuo ng isang malinaw na biswal ,
larawan at imahen sa isipan ng mambabasa sa
pamamagitan ng madetalyeng paglalarawan.
oIto ay nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa limang pandama:

oPaningin
oPandinig
oPanlasa
oPang-amoy
oPandama
PANINGIN
Matangkad na lalaki
Maganda ang mga mata
Kulay berde ang halaman
Kay tangkad mo, para kang poste.
PANDINIG
Maingay sa plaza
Mahina ang iyong boses
Malakas ang kaniyang sigaw
PANLASA
Maasim ang sinampalukan
Maanghang ang Bikol Express

Halos mapaso ang dila ko sa anghang ng


Bikol Express na ulam namin kanina.
PANG-AMOY
Mabango ang nilabhan
Mabaho ang basurahan
Masusuka ako sa baho ng kanal sa labas.
PANDAMA
Mahapdi ang sugat
Malamig ngayong gabi
Nasunog na ang balat ko sa tindi ng init
ng araw
COHESIVE
DEVICES
Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at
cohesive device upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga
bahagi ng teksto.

Ito
ay ginagamit upang malinaw at mas
maayos ang daloy ng mga kaisipan sa teksto.
REPERENSYA
Higit na magiging mabisa ang diwang ipinahiwatig ng isang
talata kung hindi mag-uulit ng mga pangalan.
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumutukoy o
maging reperensya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap. Ito ay ginagamitan ng panghalip.
A. ANAPORA
Kung kailangang bumalik sa teksto upang
malaman kung ano o sino ang tinutukoy.

Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang


pananda sa pinalitang pangalan sa uanhan ng
pangungusap.
Ang aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi
ay maaaring maging mabuting kaibigan.
Marami ang naitulong ng Pangulo sa
bansang Pilipinas at umaasang marami pa
siyang matutulungang nangangailangan.
Ang mga kabataang Pilipino ay masisipag
kaya lahat sila’y pinararangalan.
A. KATAPORA

Kung nauna ang panghalip at malalaman


lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa ng teksto.
Siya ang nagbibigay sa akin ng
inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang
umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at
mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat na
para makapawi sa kapaguran hindi lang ang
aking katawan kundi ang aking puso at isipan.
Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-
iisang taon pa laman.
Sila ay naglilinis ng kanilang bakuran at labis
na umaasa ang mga bata na makakatanggap ng
suhol pagkatapos.
PAGSASANAY
1. Binili lamang niya ang pangunahing pangangailangan sa
pamilya kaya nakauwi na agad si nanay.

2. Maituturing sila na mga bayani ng bagong henerasyon kaya


dapat lamang mabigyang parangal ang mga OFW.

3.  Si Jasmine ay mabait na bata dahil ginagawa niya kahit na


ang mabibigat na mga gawain.
PAGSASANAY
4. Ang mga taga-Leyte ay nakatanggap na ng ayuda mula sa
pamahalaan kaya sila’y naging kampante na sa kasalukuyan.

5. Sa Jardin Botaniko ipinapakita nila ang kanilang mga likha


kaya sila’y nagkatipon-tipon dito.

6. Dahil sa galing niya sa Math kaya pinalayawang “henyo” si


Rudy sa bagong henerasyon.
SUBSTITUSYON
Ang Substituion ay nangangahulugan at
tumutukoy sa pagpapalit o pagbabago at
paglalagay ng pamalit sa isang nawalang bagay

Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na


muling ulitin ang salita.
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili nalang
kita ng bago.
Ito ay ginamit para pamalit sa
salitang aklat sa unang pangungusap.
Ang wikang Filipino ay ang daan upang
tayo ay magkaunawaan, kailangan lang
nating pagyamanin ang ating wikang
pambansa.
Inaayos ni Tatay ang mesa at kinukumpuni
naman ni kuya ang silya.
ELLIPSIS
May binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw pa rin
sa mambabasa ang pangungusap.
A: Pumunta si Erick sa tindahan at bumili si
Erick ng tinapay.

B: Pumunta si Erick sa tindahan at bumili ng


tinapay.
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina
nama’y tatlo.

Ano ba ang salitang kinaltas?


KOHESYON LEKSIKAL
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto
upang magkaroon ng kohesyon.

Pag-uulit pag-iisa-isa

Pagbibigay-kahulugan
A. PAG-UULIT O REPETISYON

Maraming bata ang hindi makapasok sa


paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho
na sa murang gulang pa lang.
B. PAG-IISA-ISA

Nagtatanim sila ng gulay sa bakuran. Ang


gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at
ampalaya.
C.PAGBIBIGAY -KAHULUGAN
Marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa pamilyang dukha. Mahirap sila
kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng
ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-
kainan.
Mga Pangunahing
Paksa
MGA TAO/ TAUHAN
o Hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at
mga detalye patungkol sa tauhan kundi
kailangang maging makatotohanan din.
“Ang aking kaibigan ay maliit, maikli at unat ang
buhok, at mahilig magsuot ng pantalong maong
at putting kamiseta. “
MGA TAO/ TAUHAN
o Ang pinakamahusay na tauhan ay yaong
nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda ngunit
pati sa puso ng mga mambabasa.
Mapipintog ang kaniyang mga muscle.
Usbong ang kaniyang kalamnan. Buo ang
dibdib, bakat ang mga ugat. Samakatuwid,
matipuno ang kaniyang katawan. Nag-
iimbita sa isang pagtanggap na maganda
ang templo ng kaniyang pagkatao.
Manipestasyon na buo ang kaniyang

1
pagkalalaki, ang kaniyang pagkatao.
Namumutla, nangangatog ang buong
katawan, at nanginginig ang boses, si Pak Idjo ay
walang iniwan sa taong inaataki ng malaria. Ang
totoo’y may sakit siyang talaga. Parang nakasabit
na lang ang tagpi-tagpi at maruming damit sa
napakanipis niyang katawan, at nakalubog sa
humpak niyang mga pisngi ang kaniyang
namumutla at nagluluhang mata.

2
MGA BAGAY
o Sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga
pangyayari sa akda at ito rin ang magbibigay
nang mas malalim na kahulugan dito.
MGA BAGAY
o Maaaring ilahad ang kwento sa likod ng bagay
kung paano ito nagging makabuluhan sa
tauhan o manunulat at sa kabuoan ng akda.
Makislap na animo’y hinugot sa pusod ng dagat na
nabudburan ng lahat na uri ng mga perlas. Makintab
ang panlabas na anyo nito. Solido naman ang panloob
na akala mong isang kongkretong pundasyon.
Nagagamit ang bagay na bilang pantulong upang

1
mahubad ang lisya at dumi ng katawang tao.
Sa tuwing itatayo ko ang krismatri kapag nalalapit na ang
kapaskuhan ay parang laging may kulang, pilit kong
dinadagdagan ng mga mga palamuti. At hindi basta-basta
palamuti, yung mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling
bola, nang sumunod na taon ay magagandang bulaklak
naman ang binili ko. Maraming pulang poinsettia na
nakapaligid sa krismastri. “ Ang ganda!” Ang may
pagkamanghang sabi ng bawat nakakakita. Malalaki at
makikintab na polang bola, malalaki at magagandang
pulang poinsettia… Ah! Pero bakit ba tila may kulang pa
rin?
2
MGA LUGAR/ TAGPUAN
o Ano ang hitsura ng tagpuan at ng kapaligiran nito?

Marumi, luma, kinakalawang, gumigiray, nakaririmarim


na basura, naglipanang langaw, mga mangangalakal ng
basurang nakasuot ng tagpi-tagping halos basahan,
nakapanlulumong kahirapan at kapangitan.
o Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid?

Sigaw ng mga inang hindi magkamayaw sa mga gawain,


iyakan ng mga batang gutom at di pa nakapag-almusal,
ingay ng mga trak na nagdadala ng basura, hugos ng
basurang ibinabagsak sa tambakan, busina ng mga
sasakyan sa di kalayuang kalsada.
o Anong amoy ang namamayani?

Masangsang na amoy ng nabubulok na basura, amoy ng


usok na angmula sa bunton ng mga basura, amoy pawis ng
usok na na nagmula sa mga basurerong bilad sa araw,
maaasim na na amoy ng mga batang hindi pa napapaliguan
ng ilang araw, amoy ng tuyong iniihaw sa kalan.
o Ano ang pakiramdam sa lugar na ito?

Maiinit o maalinsangan, gutom, nakapanlalagkit na pawis


at alikabok, hindi komportable, nakaririmarim o
nakadidiring bagay sa paligid, kawalan ng pag-asa.
o Ano ang lasa ng mga pagkain dito?

Medyo may katigasan na laman na manok na nagsisimula


nang mapanis kaya’t maasim na , masebo at matabang na
karne mula sa karnderyang nilalangaw.
MGA PANGYAYARI
Ang Mal a Aldo o Mahal na Araw ang
pinakamahalagang araw ng taon para sa mga
Capampangan. Ayon sa iba, ang pagpipinetensiya ay
isang marahas na ritwal sapagkat isinasagawa ng
ilang Pilipino, lalo na ng mga Capampangan, ang tila
madugong tradisyong palabas sa daan.
IDEYA O KONSEPTO
Hindi mo malalaman kung ano ang dapat isipin o
gawing desisyon. Ito ang bumabagabag sa aking diwa.
Ito ang sumusulyak sa aking damdamin. Ito ang
nagpapagulo sa aking ulirat. Sa tuwing naiisip ko ito,
halos pinupunit nito ang aking pagkatao. Sa tuwing
nararamdaman ko ito, hinihiwalay nito ang aking
katawan at kaluluwa. Bumabagabag ito sa aking
kabuuan. Sa aking kamalayan.
DAMDAMIN O EMOSYON
o Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa
rin ng paglalarawan sa tauhan ngunit ito ay
nakapokus sa kaniyang damdamin o
emosyong taglay.
o Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan. Maaninag
ng mambabasa mula sa aktuwal na nararanasan ng tauhan ang
damdamin o emosyong taglay nito.

Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo.


Nagdidilim na ang kaniyang paningin at nanlalambot
na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama.
Dalawang araw na pala nang huling masayaran ng
pagkain ang naunuyo niyang mga labi.
o Paggamit ng diyalogo o iniisip. Maipakikita sa sinasabi o
iniisip ng tauhan ang emosyon o damdaming taglay niya.

“Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming


nakapila rito kaya’t dapat lang na sa hulihan kayo
pumila!”
o Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng
pagsasaad sa ginawa ng tauhan minsa’y higit pang
nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong
naghahari sa kaniyang puso at isipan.

“Umalis kana!” ang mariing sabi ni Aling Lena sa


asawa habang tiim bagang na nakatingin sa malayo
upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit
bumalong mula sa kaniyang mga mata.
o Paggamit ng tayutay o matatalinhagang pananalita.

Ito na marahil ang pinakamadilim na sandal sa


kaniyang buhay. Maging ang langit ay lumuha sa
kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal
niyang si Berta.

You might also like