You are on page 1of 6

Talakayin Natin

Kasarian at Kailanan ng Pangngalan

A. Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki – ito ay tumutukoy sa ngalan ng lalaki
Halimbawa: lolo, ama, tiyo, hari, prinsipe kuya, pari

2. Pambabae – ito naman ay tumutukoy sa ngalan ng babae


Halimbawa: lola, nanay, tiya, reyna, prinsesa, ate, madre

3. Di-Tiyak – ito ay tumutukoyn sa ngalan na maaaring lalaki o babae


Halimbawa: mang-aawit, bata, mag-aaral, artista, magsasaka

4. Walang Kasarian – ito ay tumutukoy sa mga bagay na walang kasarian


Halimbawa: upuan, pagkain, damit, aklat, mesa, lapis

B. Kailanan ng Pangngalan

Isahan Dalawahan Maramihan

Pananda si, ang sina, ang mga, ng


mga, kina

Panlarawan mabuting pinuno mabubuting pinuno


maayos na buhay maaayos na buhay

Pamilang isang kaibigan dalawang kaibigan maraming kaibigan

Panlapi kapatid magkapatid

5.
Sa sariling pamilya ay dalhin sana

Kagandahang-asal na itinuro nila

‘Wag kalimutang magdasal sa tuwina,

Magpasalamat sa biyayang bigay Niya.

At kung sa dapit-hapon ay bawian ng buhay,

Itong isang inang lagging nakaagapay.

Ating alalahanin kahit na nakaratay

Alam ng Diyosm buong buhay nila ay inalay.

Yaman ng Panitikan
Pagsulat ng Tula

Tula –ay maaaring may sukat o tugma o malayang taludturan.

Sukat – ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ito ay maaaring:


wawaluhin (8), lalabindalawahin (12), lalabing-animin (16), at labingwalong
pantig (18).

Malayang Taludturan –ay isang tulang walang tiyak na sukat sa bawat taludtod o
saknong.

Halimbawa:

Sa/ sa/ri/ling/ pa/mil/ya/ ay/ dal/hin/ sa/na 12

Ka/gan/da/hang/ a/sal/ na/ ti/nu/ro/ ni/la 12

‘Wag/ ka/li/mu/tang/ mag/da/sal/ sa/ tu/wi/na,/ 12

Mag/pa/sa/la/mat/ sa/ bi/ya/yang/ bi/gay/ Niya. 12


Uri ng Pangngalan Ayon sa Konsepto

1. Basal – ito ang pangngalang tumutukoy sa kaisipan. Ito ay di-materyal.


Halimbawa: kapayapaan, pagmamahal, kagandahan

2. Tahas – ito ang pangngalang tumutukoy sa material na bagay. Ito ay nahahawakan.


Halimbawa: silya, tao, halaman, pagkain

3. Palansak – ito ang pangngalang tumutukoy sa pangkat ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari.
Halimbawa: buwig, kumpol, barangay

Aralin 2: Mabuting Ina, May Pag-aalaga at Pagkalinga


Basahin Natin:

Para Kay Ina


Julie Ann Dizon

Madaling-araw pa lamang ay gising na,

Naghahanda ng baon at pagkain sa umaga.

Di alintana pagod, puyat, at problema

Basta’t makauwi sa bahay at mayakap ka.

Ano mang trabaho ay papasukin,

Magkaroon lamang sa hapag ng pagkain.

At kung si bunso ay magiging sakitin

Perang itinabi’y tiyak na gagastusin.

Hiling niya’y mag-aral nang mabuti

Upang kinabukasan nami’y bumuti

Ito ang tunay niyang ipagmamalaki

Mawawala ng pagod at pighati.


Yaman ng Panitikan:

Pagsulat ng Balita
Balita – ay isang mahalaga at makatotohanang ulat tungkol sa isang pangyayaring
kagaganap lamang. Ito ay naiiba sa karaniwang paglalahad at dapat ay walang kinikilingan.
Ito ay maaring makuha sa telebisyon, radyo o pahayagan.

Sa pagsulat ng balita nararapat lamang na makuha ang mahahalagang impormasyon


sa pagsagot sa mga sumusunod:

1. Ano ang nangyari?


2. Sino ang mga tao o ano ang bagay na kasangkot sa pangyayari?
3. Saan ito naganap?
4. Kailan ito nangyari?
5. Bakit at paano ito nangyari?

Ang sagot sa mga tanong na ito ay makikita sa unang talata ng balita. Ang ikalawang
talata naman ay naglalaman ng iba pang detalye na susuporta sa balita. Gumamit
lamang ng simple, at naiintindihang salita. Iwasan din ang magpaligoy-ligoy sa
pagbabalita dahil kadalasan sa nagbabasa ng balita ay abala sa trabaho.

Talakayin Natin:
Pangngalan at Uri Nito

Pangngalan - bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o


pangyayari.

Dalawang Uri ng Pangngalan Ayon sa Katangian

1. Pantangi – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.


Halimbawa: Pasig, Roel, Megamall, San Paulo

2. Pambalana – tumutukoy sa di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o


pangyayari.
Halimbawa: kaibigan, lugar, ina, parke
FILIPINO 5
Aralin 1: Ang Mabuting Pakikitungo sa Kapwa, Dulot ay Biyaya
Basahin Natin:
Mabubuting Janitor at Kutsero
(The Philippine Star) │ September 17, 2012

Gabi ng Parangal
Ang ipinakitang kabutihan at katapatan ni Ronald Gadayan, isang janitor sa Ninoy Aquino In-
ternational Airport (NAIA) na nakapulot ng isang bag na may ₱ 600,000 noong Setyembre 3 ay tin-
ularan na. Ginaya si Ronald ng kutserong si Jaime Mayor na pinarangalan noong Biyernes ng Na-
tional Parks Development Committee (NPDC) dahil sa ipinakitang katapatan sa pagsasauli ng wallet
na may 4,000 euros o katumbas na ₱200,000. Ang may –ari ng wallet ay isang babaing French.

Ayon kay Mayor, 48, kutsero ng Castillan Carriage and Tour Services, sumakay sa kaniyang
kalesa dakong alas-diyes ng umaga noong Setyembre 12 ang apat na babaing French malapit sa
monument ni Dr. Jose Rizal at hinihiling na ipasyal sila sa paligid ng Luneta. Pagkaraan umano ng
15 minutong pag-ikot sa Luneta, bumalik muli sila sa may monument ni Rizal.

Masayang nagbabaan ang apat na turista makaraan siyang bayaran ng ₱200. Nagtungo na
ang mga ito sa bus na naghihintay sa kanila. Hanggang sa mapansin ni Mayor ang makapal na wal-
let na naiwan sa upuan ng kalesa. Hindi na umano siya nag-isip ng kung ano pa at mabilis na hin-
abol ang apat na turista. Pasakay na umano ang mga ito sa bus. Ibinigay niya ang wallet. Sa tuwa
ng may-ari, niyakap umano siya nito. Kahit na umano nakasakay na sa bus ang apat ay ki-
nakawayan pa rin siya ng mga ito bilang pagkilala sa ipinamalas na kabutihan at katapatan ng kut-
sero.

Hindi naman nalingid sa namumuno ng National Parks Development Committee ang ginawa
ni Mayor. Noong Biyernes ay ginawaran siya ng Dangal ng Rizal Park Award. Pinagkalooban siya ng
bust ni Jose Rizal bilang trophy, isang Makabayan watch at ₱20,000.

Nang interbyuhin si Mayor sa isang radyo program, sinabi niya na hindi dapat angkinin nino-
man ang hindi kaniya. Naniniwala umano siya na kung ano ang ginawa niyang kabutihan sa kapwa
ay babalik din sa kanya. Si Mayor ay kumikita umano ng ₱200 isang araw.

Si Ronald Gadayon at Jamie Mayor ay nararapat na tularan. Sa hirap ng buhay ngayon, maaari ni-
lang angkinin ang natagpuang pera pero hindi nila ginawa. Sana, tularan sila ng ilang opisyal ng
gobyerno na wala nang iniisip kundi ang kumulimbat sa salapi ng bayan at wala nang panahon para
maglingkod.

Handumanan Integrated Christian Academy


Firs
t
Gra
ding
Mo
Name of Student: _______________________________________
Date: September 6-8, 2022

dul
Note: Do not lost/misplaced this printed notes because all items and topics here will come out in the
exam. Please answer the worksheet and passed it on the said deadline. Parents please assist your children
in answering the activities. The lesson/topics are already been discussed prior to the designation of this
copy. Thank you and God bless!

You might also like