Professional Documents
Culture Documents
Datos Mula
sa Binasang
Teksto
Ang pagbasa ay isang kasangkapan sa
pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan
ng buhay. Gumaganap ito ng isang
mahalagang tungkulin sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay na siyang nagdudulot ng
kasiyahan at pag-unlad ng ating kaisipan.
Kailangang linangin ang ating kakayahan sa
pang-unawa sa mga teksto na ating binabasa
upang maging mabisa o epektibo at lubos
nating maintindihan ang ipinapahayag nito.
Araw ng Sabado, nagising nang maaga si Yanna.
Inayos niya ang kaniyang sarili at naghanda sa
pagdating ng mga kaibigan sa kanilang tahanan. Sabik
siyang makita ang mga barkada na kaytagal na niyang
hindi nakikita dahil sa tagal ng “lockdown” dulot ng
pandemiko.
Magkakasunod na dumating ang magbabarkada sa
bahay nila Yanna. Nagyakapan nang mahigpit at
nagkuwentuhan ang mga ito maghapon. Nagkaroon
din ng munting handaan ang magkakaibigan.
Isang napakasaya at hindi malilimutang araw ito
para sa kanila.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa
kuwento:
1. Sino ang maagang nagising?
2. Bakit maagang nagising si Yanna?
3. Saan magkikita ang mga
magkakaibigan?
4. Ano-ano ang ginawa ng
magbabarkada?
Mayroong pitong (7) elemento ng maikling kwento. Ang mga ito
ay ang tauhan, tagpuan, banghay, kaisipan, suliranin,
tunggalian, at paksang diwa.