You are on page 1of 6

Mga Gawain Interaktib o Pang Indibidwal 2-1:

1. Narito ang mga obserbasyon ko sa isang brodkaster na aking napanuuod kagabi sa balita:
Positibo
1. Malinaw niya naipadadaloy ang pagpapakilala sa mga ilang balita.
2. Mahusay siyang magbigay ng “feedback” sa mga ulat lalo kapag naka “live” ang ulat ng
reporter.
3. Naisasabuhay niya ang karakter na nilalaman ng balita batay sa emosyong ipinahihiwatig
nito.
Negatibo
1. Nabubulol siya sa mga ibang salita pahayag kaya minsan nagiging katawa-tawa ang
reaksyon ng mga manunuod at tagapakinig.
2. Halo-halo ang nagiging adlib niya kaya minsan hindi maunawaan ang pagpapakilala sa
balita.
3. Minsan kinakapos siya ng hangin sa pagpapalabas ng mga salita.

2. Ang Laban ng mga Mamamahayag bilang “Frontliners”

Ang pagiging isang mamamahayag ay hindi madaling trabaho. Hindi ito naging isang walang-
hirap at walang problemang propesyon. Nakakarating ang mga mamamahayag kahit saan
upang maiulat ang sensitibo at kontrobersiyal na mga isyu sa interes ng publiko.

Nakikita nila minsan ang mga sarili nila na personal na nauugnay sa mga istoryang
sinusubaybayan at trinatrabaho nila at sukdulang manganib ang kanilang sarili na maapektuhan
sa tindi ng pagod at pagkabalisa.

Ang papel ng isang reporter ng isang pahayagan, radio at sa telebisyon ay ika-anim na


pinakanakaka-stress na trabaho sa mundo.

Mga bomba at bala, mga palakol at itak – kung ikaw ay isang reporter at nasa “frontline” ang
tsansa na makaharap ang isang taong may hawak ng isang sandata na nakamamatay ay
mataas.

Mula sa pagkamatay sa ligaw na bala hanggang sa puntirya ng mga atake at pagpatay, ang
pagiging isang mamamahayag sa isang lugar ng digmaan o bansang ayaw sa media ay
nagsasapanganib sa buhay.

Habang ang takot ay sumasabay sa pag-alon ng alikabok sa pagsabog, buong tapang nilang
hinaharap hindi lamang ang posibilidad na malumpo sila kundi ang hindi na kailanman makikita
muli ang kanilang mga pamilya.

Ito ay dahil kailangang malaman ng mundo ang katotohanan. Ito ay dahil kailangan gawin ng
isang tao ang madugong trabaho. Ito ay dahil minsan walang pagpipilian kundi harapin ang
iyong mga takot at sa paggawa nito ay binabatak ang mga hibla ng pag-asa, manawagan sa
mga kakampi, at magbigay kapanatagan sa mga taong hindi maihayag at maipaliwanag ang
kanilang kaligaligan.

Sa kasalukuyan ay may panibagong hamon sa mga mamamahayag – kailangang maibigay ang


tamang ulat hinggil sa banta ng COVID-19, dahil kung walang pamamahayag, hindi makakaya
ng sangkatauhan na tugunan ang malalaking pandaigdigang mga hamon.

Ang coronavirus ay isang walang kahalintulad na banta, at ang mga mamamahayag ay naroon
at isinaalang-alang ang kanilang kaligtasan upang maibigay sa atin ang mga impormasyon at
tumulong na makipagbuno sa mabilis na paglala ng pandemya.

Nakalulungkot na may mga pagkakataon na ginagamit ng mga otoridad ang krisis bilang rason
upang sikilin ang mga kritikong pamamahayag. Bawat mamamahayag ay isang coronavirus na
peryodista at kailangang siguruhin ng gobyerno na pahintulutan ang mga mamamahayag na
gawin ang kanilang mga trabaho ng ligtas at walang takot na mabalikan sa panahon ng krisis sa
pampublikong kalusugan.

Dahil bilang mga tunay na mamamahayag, sila rin ay mga “frontliner”, mga taong tinatablan din
– nangangailangan ng proteksiyon, respeto, pag-intindi at ayuda lalo na ang maliliit na
mamamahayg sa mga probinsiya.

Mga Gawain Interaktib o Pang Indibidwal 2-2:


1. Pinakamahalagang kasanayang pangwika ang pagsasalita. Ito ang unang natutuhan ng
tao simula nang isilang siya sa pamamagitan ng kanyang pag-uha. Unti-unting natutuhan ng
bata ang pagsasalita dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya at nakakausap araw-araw, lalo
na ang kanyang ina. Sa pamamagitan ng pakikinig sa mga tunog, pagmamasid sa mga
katumbas, panggagagad sa mga kilos at at galaw, higit na umuunlad ang pagsasalita ng isang
bata.

Sa maayos at mabisang pagsasalita upang makuha ang atensyon ng mga tagapakinig


sa harap ng publiko o maraming tao ay nararapat lamang na alam natin kung paano ang tama
at wastong pamamaraan nito, Mahalaga ang magkaroon ng sapat na kaalaman para sa
mabisang pagsasalita upang maabuo ang diwa ng isang paksa sa pamamagitan ng pagbabasa,
pag-oobserba at pagsasaliksik. Ang tiwala sa sarili ay mahalaga rin sapagkat makikilala tayo ng
mga makikinig o manonood sa ating kung gaano tayo kahusay at kung alam natin kung ano ang
ating mga sinasabi batay sa ating kinikilos at kaalaman.

Nararapat na may maayos na kaanyuan- may wastong pananamit, magandang tindig at


kagalang-galang, at higit sa lahat may personalidad. May kasanayan sa wika, grammar, at
retorika. Kawili-wili ang tinig, wasto ang intonasyon at napakalinaw ang pagbigkas ng mga
salita. At nararapat din ay magalang, mahinahon at marunong makitungo sa tao.
2. Mga Itlog ni Maria

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano
pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.


Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang
manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit
sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa
umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At
pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog ang lahat na
inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok
araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang
manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang
pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa
limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang
limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili
niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi
niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda
ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka
siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang
dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
Mga Gawain Interaktib o Pang Indibidwal 2-3:
A. Salawikain at Sawikain

Salawikain

I. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.

Kahit na tahimik at walang imik ang isang tao ay malalaman padin ang gawi nito. May mga
taong kung titingnan mo sa panglabas na anyo ay mabait,at mapagkakatiwalaan,ngunit hindi
mo nalalaman na sa panglabas pala niyang kaanyuan ay may nakatagong hindi magandang
asal.

II. Ang bayaning nasugatan, Nag-iibayo ang tapang.

Nais sabihin nito na kapag ang isang sundalo ay nasusugatan ay mas lalong tumatapang. Gaya
sa buhay nating mga tao, habang tayo ay nahihirapan ay mas lalo nating pinag-iigihan dahil sa
kagustuhan nating maka-ahon sa buhay.

III. Ang tunay na kaibigan, Nakikilala sa kagipitan.

Ang ibig sabihin nito ay ang tunay na kaibigan ay kilala ka pa rin at hindi ka iiwan kahit ikaw ay
nasa matinding pangangailangan. Handa pa rin siyang magbigay ng tulong at magmalasakit sa
iyo.

IV. Kung may tiyaga, may nilaga.

Ang ibig sabihin nito ay kapag ang isang tao ay may paninindigan at pagsasakripisyo para sa
sarili at at pamilya ay makakatanggap ng maraming biyaya at magandang kinabukasan.

Sawikain

I. Hampas-lupa- Lagalag, busabos, mahirap

II. Hawak sa leeg- Sunud-sunuran

III.Hinahabol ng karayom- May sira ang damit

IV. Hindi madapuan ng langaw- Sobrang pinoprotektahan

B. Pakikipanayam

 “Diba ba kapag kumakain, ang buong pamilya ay dapat sabay-sabay nagdadasal?


Ngayon napapansin ko na di na magkakasama ang buong pamilya sa hapag kainan at kung
minsan ay nalilimutan magpasalamat sa Panginoon. Imbes na nakatuon sa pagkain, ang ka
harap ay mga cellphone o gadgets.

   Ito ba ang paggalang sa matatanda? .Syempre alam natin yan. Pero kailangan ba
talagang kalimutan natin ang asal na ito? Dahil ba busy sa eskwelahan o kaya naman nahihiya,
nakakalimutan,o baka naman wala talagang galang magsalita! Gusto ninyo bang bastusin din
kayo ng anak ninyo, apo nyo, apo sa tuhod, apo sa talampakan (kung buhay pa naman kayo sa
panahong iyon).”

Nawawala na ang kinagisnang kultura ng mga Pilipino dahil sa makabagong henerasyon


at pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao. Naisasantabi na ang turo ng mga matatanda sa
pamilya o sa lipunan. Nagbabago na rin ang pakikitungo ng mga kabataan sa mga matatanda.
Ang paggalang at respeto na minana rin nila noon sa kanilang mga ninuo na pilit na ngayon na
isinasalin sa mga kabataan ng bagong henerasyon ngunit iilan na lamang ang nagpapahalaga
sa mga ito,

Wala maaaring magandang maidudulot ang ganitong kalagayan o sitwasyon sa mga


kabataan sa ngayon at sa susunod na henerasyon.. Oo, puro tayo pang materyal na bagay ang
mga kagustuhan, maganda lang ang panlabas na nakikita sa atin, pero na saan ang kabutihang
asal na itinuro at itinuturo sa atin ng mga nakatatanda sa atin. Dahil sa impluwensya ng ‘social
media” at mga teknolohiya, Nag-iiba na rin ang ating pagkatao, pag-uugali at pananaw sa
buhay. Nawala na ang Kulturang Pilipino na yaman ng ating bayan na kinikilala ng ibang lahi sa
daigdig na minana, pinagyaman at pinahalagahan ng ating mga ninuno. Paano na ang susunod
na mga henerasyon ng lahing Pilipino?

You might also like