You are on page 1of 7

PORTFOLIO SA FILIPINO

UNANG MARKAHAN

Ipinasa ni : Zacharey C. Bazer

Pangkat & Baitang : Grade 8 STE-A


Ano ang Alamat?

Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng


panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga
katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay kadalasang mga
kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.

Halimbawa ng mga alamat sa Pilipinas :


1. Alamat ng Pinya
2. Alamat ng Saging
3. Alamat ng Ampalaya
4. Alamat ng Butiki
5. Alamat ng Rosas
Bahagi ng Alamat : Elemento ng
Alamat :

1. Tauhan
1. Simula 2. Tagpuan
3. Kasiglaan
2. Gitna 4. Tunggalian
3. Wakas 5. Kasukdulan
6. Kakalasan
7. Katapusan
Alamat ng mga Numero at Letra

Sa mundong naglalaban ang mga numero at letra kung sino ang


maghahari, tila pinaghandaang matindi ng mga numero sa pamamgitan
ng pag-implementa ng mga batas para magawang matiwasay ang
pamumuhay nila, Subalit hindi pumayag ang mga letra at nangarap
silang mamuno sa kanilang mundo at hindi ang mga numero, dahil
ayaw nilang maging alipin ng mga ito. Samakatuwid, pinatay ng mga
letra ang pinuno ng mga numero na si Haring Wan sa pamamagitan
ng pag “assassinate” nito. Pero ilang araw ang nakalipas ay nalaman ng
mga numero na mayroong isang traydor sa kanila na tinulungan ang
mga letra para mapatay ang pinuno nito. Dahil dito, nagsimula ang
digmaang pandaigdig na sinimulan ng mga letra upang maligtas ang
numero na tumulong sa kanila na nasa kamay ng mga kataas-taasang
numero. Nagtagal ang digmaan ng dalawang araw at sa huli, wala sa
mga numero at letra ang nagwagi o nabuhay sa digmaang naganap.
Dahil ditto, napagdesiyonan ni Haring Fritz, hari ng lahat ng mundo na
idala ang kanilang mga kaluluwa sa mundo ng mga tao at gawin itong
bagay na “keyboard” upang parusahan sa kanilang “mortal” na
kasalanang nagawa.
Ano ang “Makatotohanan”?
Ito ay nagsasabi ng totoo. Ito ay ang mga pahayag na nangyari
o nangyayari sa totoong buhay na may dahilan o basehan. Ito
din ay suportado ng mga ebidensya o katwiran.

Halimbawa ng makatotohanan :
1. Naglalakad ang bata.
2. Gumagamit ng gitara si John.
3. Nag-aaral si Jeriel sa kaniyang mga aralin.

Ano ang “Di-makatotohanan?”


Ito ay hindi nagsasabi ng katotohanan. Ito ay ang mga pahayag
na hindi nangyari o nangyayari sa reyalided o totong buhay at
wala itong basehan. Ito ay hindi suportado ng mga ebidensya
o katwiran.

Halimbawa ng di-makatotohanan :
1. Kumakanta ang aso sa paligid.
2. Binuhay ni Jane ang kaniyang kaibigan.
3. Lumipad sa ere ang aking pamangkin.
“Software” na ginamit sa pagbuo ng poster-slogan :
Ibis Paint X
MODYUL 4 : ARALIN 4.3 (ISAGAWA)
Pilipino laban sa COVID-19

Sa panahon ngayon, COVID-19 ang isang uri ng sakit na hanggang ngayon


ay patuloy na hinahanapan ng mabisang lunas ng mga iba’t ibang doktor sa
Pilipinas. Dahil sa kawalan ng lunas, patuloy na tumataas ang bilang ng mga
taong nagkakasakit ng COVID-19 sa mga lugar na napapabilang sa ating bansa.
Sa pagtaas ng mga bilang ng nagkakasakit, naaapektuhan nito ang edukasyon,
transportasyon at pati na din ang ekonomiya ng Pilipinas. Samakatuwid,
nagpapatunay ito na ibang klase ang pagsubok na dala ng COVID-19 sa ating
mga kababayang Pilipino.

Ngayong panahon ng pandemya, lubos na naaapektuhan ang mga


estudyante dahil hindi sila nakakapunta sa mga paaralan at ito ay nagpapabagal
sa pagkuha ng mga kaalaman. Bukod dito, humihina din ang kita ng mga
Pilipinong umaasa sa kanilang mga negosyo dahil sa mga “lockdown” na
nangyayari sa mga iba’t ibang lugar sa bansa. Isa pang bagay, nakakaapekto din
ito sa ekonomiya ng bansa. Halimbawa nito ay ang pagsara ng mga opisina,
storefronts at mga paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Higit sa lahat, ang pagiging disiplinado at ang pagsunod sa mga “health


protocols” pa din ang isa sa pinakamabisang paraan na ating maitutulong upang
masugpo ang coronavirus sa ating bayan. Kinakailangang magtulung-tulungan
tayong lahat sa panahong ito. Dahil kahit kailanman, ang pagtutulungan ay
walang masamang idudulot sa atin, ngunit kabutihan. At sa huli, iisa lamang ang
ating kalaban sa panahong ito, at ito ay ang COVID-19.

You might also like