You are on page 1of 4

GAWAIN

SA
FILIPINO
Ipinasa ni : Zacharey C. Bazer
Baitang at Pangkat : 9 STE-A
Guro : Mrs. Shiela Mae A. Obatay
Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

(Mateo 25 : 14-30)

May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang
pamahalaan ng kanyang ari-arian.

Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan.

Ang unang alagad ay binigyan niya ng limanlibong salaping ginto, dalawang


libong salaping ginto naman sa ikalawang alipin, at isang libong salaping ginto
sa ikatlo.

Pagkatapos nito ay umalis na ang kanilang panginoon.

Agad na kumilos ang binigyan ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal


ang salapi. Siya ay kumita ng limanlibong salaping ginto.

Gayundin ang ginawa ng ikalawang alipin kaya tumubo din ang kanyang salapi
ng dalawang libong salaping ginto.

Samantala, ang tumanggap ng isang libong salaping ginto ay humukay sa lupa


at itinago ang salaping ginto ng kanyang panginoon.

Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik na ang kanilang panginoon at


pinag-ulat ang bawat isa.

Lumapit ang unang alipin at sinabing, “Panginoon, tumubo po ng limang libo ang
salaping ipinagkatiwa ninyo sa akin.”

Natuwa ang panginoon at sinabi sa alipin,

“Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga,


kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga.Samahan mo ako sa aking
kagalakan!”

Sunod na lumapit ang ikalawang alipin at sinabi sa kanyang panginoon,


“Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong

salaping ginto. Heto naman po ang dalawang libong salaping ginto na tinubo
nito.”

Sumagot ang panginoon at sinabing, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod!


Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking
halaga.

Samahan mo ako sa aking kagalakan!”


Huling lumapit ang ikatlong alagad na tumanggap ng isang libong ginto at
sinabing, “Alam ko pong kayo’y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi
ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. Natakot po ako, kaya’t
ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto.

Heto na po ang inyong salapi.”

Nagalit sa kanya ang kanilang panginoon at sinabing, “Masama at tamad na


lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko itinanim at inaani ko
ang hindi ko inihasik, bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking
salapi! Kahit paano’y may tinubo sana ito! Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong
salaping ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto.

Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana; ngunit ang


wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman
sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo’y mananangis siya at magngangalit
ang kanyang mga ngipin.”
Repleksyon sa Talinghaga

Napagtanto ko na ang Diyos ay binigyan tayo ng kaniya-kaniya nating mga talento at


kakayahan sa buhay, maaaring tayo ay may kayang gawin na hindi rin kaya ng iba,
at maaaring tayo ay may hindi kayang gawin na kaya rin ng iba. Dapat natin itong
gamitin sa tamang paraan at ihasa ito upang makatulong ito sa ating sarili at sa ating
kapuwa.

Dahil sa pinakahuli, kapag ginawa natin ang tama at mabuti, ang mga “blessings” na
matatanggap natin mula sa Diyos ay pantay lamang at wala siyang pinapaboran,
walang mas mataas at walang mas mababa, dahil higit sa lahat, tayo ay tao.

You might also like