You are on page 1of 3

Ang Mabuting Samaritano (Lucas 10:25-37).

Isang araw ay may lumapit kay Jesus na isang eskriba na dalubhasa sa kautusan
upang siya ay subukin. Tinanong niya si Jesus ng, “Guro, ano ang dapat kong gawin
upang magkamit ng buhay na walang hanggan?”
Sumagot si Jesus at itinanong sa lalaki, “Ano ba ang nakasulat sa kautusan? Ano ba
ang nababasa mo roon?”
Anang eskriba ay ibigin ang Panginoong Diyos ng buong puso, kaluluwa at lakas. At
ibigin ang kapwa gaya ng sarili.
Tama umano ang sagot ng lalaki ayon kay Jesus. Gawin daw iyon at magkakamit
siya ng buhay na walang hanggan.
Ngunit upang hindi lumabas na kahiya-hiya ang lalaking dalubhasa sa kautusan ay
nagtanong pa ulit ito kay Jesus.
“Guro, sino po ang aking kapwa?”
Kaya naman inihayag ni Jesus ang talinghaga tungkol sa mabuting samaritano.
Isang araw ay may taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico.
Hinarang siya ng mga tulisan. Hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na.
May isang pari na napadaan sa lugar ngunit sa halip na tulungan ay lumihis siya ng
daan at nagpatuloy lamang sa paglalakad na parang walang nakita.
Ganun din ang ginawa ng isang Levita na nakakita sa bugbog saradong katawan ng
lalaki.
Nagkataon namang napadaan ang isang lalaking Samaritano na naglalakbay at
nang makita ang lalaki ay agad niya itong tinulungan. Siya’y naawa dito, binuhusan
at nilinis ang sugat saka binendahan.
Pagkaraan ay isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-
panuluyan upang maalagaan siya doon.
Bago umalis kinabukasan ay nag-iwan pa siya ng dalawang salaping pilak ang
namamahala ng bahay-panuluyan at nagbilin na alagaan niya muna ang lalaki at
kung sakaling may magastos pa siya na higit sa iniwan niyang pera ay babayaran na
lamang niya ito sa kanyang muling pagbabalik.
Pagkatapos mailahad ni Jesus ang talinghaga ay nagtanong ito, “Sa palagay mo,
sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”
“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng eskriba.
Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka’t gayon din ang gawin
mo.”
Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin (Mateo 25:14-30)
May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang
pamahalaan ng kanyang ari-arian.
Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan.
Ang unang alagad ay binigyan niya ng limanlibong salaping ginto, dalawang libong
salaping ginto naman sa ikalawang alipin, at isang libong salaping ginto sa ikatlo.
Pagkatapos nito ay umalis na ang kanilang panginoon.
Agad na kumilos ang binigyan ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal ang
salapi. Siya ay kumita ng limanlibong salaping ginto.
Gayundin ang ginawa ng ikalawang alipin kaya tumubo din ang kanyang salapi ng
dalawang libong salaping ginto.
Samantala, ang tumanggap ng isang libong salaping ginto ay humukay sa lupa at
itinago ang salaping ginto ng kanyang panginoon.
Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik na ang kanilang panginoon at pinag-
ulat ang bawat isa.
Lumapit ang unang alipin at sinabing, “Panginoon, tumubo po ng limang libo ang
salaping ipinagkatiwa ninyo sa akin.”
Natuwa ang panginoon at sinabi sa alipin, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod!
Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga.
Samahan mo ako sa aking kagalakan!”
Sunod na lumapit ang ikalawang alipin at sinabi sa kanyang panginoon, “Panginoon,
ito po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang
dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.”
Sumagot ang panginoon at sinabing, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging
tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga.
Samahan mo ako sa aking kagalakan!”
Huling lumapit ang ikatlong alagad na tumanggap ng isang libong ginto at sinabing,
“Alam ko pong kayo’y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim
at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa
ang inyong salaping ginto. Heto na po ang inyong salapi.”
Nagalit sa kanya ang kanilang panginoon at sinabing, “Masama at tamad na lingkod!
Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko itinanim at inaani ko ang hindi ko
inihasik, bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit
paano’y may tinubo sana ito! Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping ginto at
ibigay sa may sampung libong salaping ginto. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan
pa, at magkakaroon ng sagana; ngunit ang wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay
kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo’y
mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.”
Ang Alibughang Anak (Lukas 15:11-32)
May isang mayamang ama na may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng
bunsong anak na ang manang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na
sa kanya. Nang makuha na ng bunso ang kanyang mana ay ipinagbili niya agad ito
makalipas lamang ang ilang araw. Matapos ito ay umalis siya at nagtungo sa
malayong bayan. Dito niya walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob
ng ama.
Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang taggutom
sa bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang tagapag-alaga ng
mga baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang kainin pati pagkain ng mga baboy na
alaga niya. Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa kanya ng kanyang amo.
Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa nito
ay kumakain nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain. Agad
siyang nagpasyang bumalik sa dating tahanan.
Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang
nagbalik na anak. "Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako karapat-
dapat na maging anak mo. Ituring mo na lang akong isa sa iyong mga alila," sabi ng
anak sa ama.
Ngunit inutusan ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng
pinakamagarang kasuotan. Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling singsing, at
binigyan ng sapatos para sa kanyang mga paa. Ipinagpatay din siya ng isang
matabang baka at sa ngalan niya ay nagkaroon ng isang pagdiriwang.
"Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang natin ang kanyang
pagbabalik," ang sabi ng nagagalak na ama.
Namangha ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan.
Itinanong niya sa isang katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang. Nang
malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay gayon na lamang ang kanyang galit
kaya't di napigilan ang kanyang sarili at sinumbatan ang ama.
"Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi
ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibugha
ninyong anak na lumustay ng inyong kayamanan ay gugugol kayo nang malaki at
magdiriwang!"
Sumagot nang marahan ang ama, "Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang lahat ng
akin ay iyo. Tayo'y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay
muling nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita."

You might also like