You are on page 1of 1

Ang Alibughang Anak

Ang parabulang “Ang Alibughang Anak” ay hango sa Bibliya na matatagpuan


sa aklat ng Lucas kabanata 15 talata 11 hanggang 32 (Lucas 15:11-32).

May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki.


Ang bunso ay hiningi na sa kanyang ama ang parte ng kanyang kayamanan.
Kaya naman hinati ng ama sa dalawa ang lahat ng kanyang yaman. Pagkalipas ng
ilang araw ay umalis na ang bunso at nagtungo sa malayong lupain dala ang lahat ng
kanyang mana.
Nilustay niya ang lahat ng kanyang ari-arian. Nang magugol na niya ang lahat ng
kanyang yaman ay saka naman nagkaroon ng matinding taggutom sa lugar na
kanyang pinuntahan.
Nakahanap siya ng trabaho bilang tagapag-pakain ng baboy. Sa sobrang gutom ay
pati ang kaning-baboy ay kanya na ring kinakain.
Nang makapag-isip-isip ang bunsong anak ay naalala niya na sa lugar ng kanyang
ama ay maraming upahang mga utusan. Ang mga iyon ay sagana sa tinapay
samantalang siya ay mamamatay na dahil sa gutom.
Naisip niyang bumalik sa kanyang ama kahit bilang utusan na lamang at siya’y
hihingi umano ng tawad.
Tumayo siya sa kinauupuan at naglakbay pabalik sa kanyang ama.
Malayo pa’y natanawan na siya nito at naawa sa sinapit ng anak. Niyakap niya ang
anak at hinagkan.
Sinabi ng bunsong anak, “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin.
Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.”
Gayunpaman ay tinawag ng ama ang kanyang mga utusan at sinabing, “Madali!
Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo
ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. Magdala
kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. Ito ay sapagkat
ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.”
Pag-uwi galing sa bukirin ay narinig ng panganay na anak ang kasiyahan sa kanilang
bahay. Itinanong niya sa isa nilang alipin kung anong mayroon doon.
Anang alipin ay dumating na umano ang bunso niyang kapatid. Nagpapatay ng guya
ang kanyang ama dahil umuwing malusog at walang sakit ang kapatid niya.
Nang marinig ito ay nagalit ang panganay at ayaw pumasok ng sa kanilang bahay.
Dahil dito’y lumabas ang kaniyang ama at inamu-amo siya.
Anang panganay, “Naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi
ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na
kambing upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. Nang dumating
itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-
aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga masasamang babae.”
Tumugon ang ama at sinabing, “Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo.
Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at
muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.”

You might also like