You are on page 1of 4

MPATI

pananalita sa harapan ng maraming tao nang tuluyan

talumpat

speech, oraton, address

talumpatng panghikayat

persuasive speech

magtalumpat

to give a speech

mananalumpat

one who gives a speech

mananalumpat

speaker

Ang Alibughang Anak

Ang parabulang “Ang Alibughang Anak” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas
kabanata 15 talata 11 hanggang 32 (Lucas 15:11-32).

May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki.

Ang bunso ay hiningi na sa kanyang ama ang parte ng kanyang kayamanan.

Kaya naman hinat ng ama sa dalawa ang lahat ng kanyang yaman. Pagkalipas ng ilang araw ay
umalis na ang bunso at nagtungo sa malayong lupain dala ang lahat ng kanyang mana.

Nilustay niya ang lahat ng kanyang ari-arian. Nang magugol na niya ang lahat ng kanyang yaman
ay saka naman nagkaroon ng matnding taggutom sa lugar na kanyang pinuntahan.

Nakahanap siya ng trabaho bilang tagapag-pakain ng baboy. Sa sobrang gutom ay pat ang
kaning-baboy ay kanya na ring kinakain.

Nang makapag-isip-isip ang bunsong anak ay naalala niya na sa lugar ng kanyang ama ay
maraming upahang mga utusan. Ang mga iyon ay sagana sa tnapay samantalang siya ay
mamamatay na dahil sa gutom.

Naisip niyang bumalik sa kanyang ama kahit bilang utusan na lamang at siya’y hihingi umano ng
tawad.

Tumayo siya sa kinauupuan at naglakbay pabalik sa kanyang ama.

Malayo pa’y natanawan na siya nito at naawa sa sinapit ng anak. Niyakap niya ang anak at
hinagkan.

Sinabi ng bunsong anak, “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako
karapat-dapat na tawaging anak mo.”
Gayunpaman ay tnawag ng ama ang kanyang mga utusan at sinabing, “Madali! Dalhin ninyo ang
pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang
kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito.
Tayo ay kakain at magsaya. Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya
ay nawala at natagpuan.”

Pag-uwi galing sa bukirin ay narinig ng panganay na anak ang kasiyahan sa kanilang bahay.
Itnanong niya sa isa nilang alipin kung anong mayroon doon.

Anang alipin ay dumatng na umano ang bunso niyang kapatd. Nagpapatay ng guya ang kanyang
ama dahil umuwing malusog at walang sakit ang kapatd niya.

Nang marinig ito ay nagalit ang panganay at ayaw pumasok ng sa kanilang bahay.

Dahil dito’y lumabas ang kaniyang ama at inamu-amo siya.

Anang panganay, “Naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako
sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang
makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. Nang dumatng itong anak mo, nagpakatay ka
para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga
masasamang babae.”

Tumugon ang ama at sinabing, “Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. Ang magsaya
at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatd mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay
nawala at natagpuan.”

Aral:
Nagagalak ang Diyos sa tuwing nagbabalik-loob ang mga anak Niya sa kanya. Maging
mapagpakumbaba, aminin ang mga kasalanan, at magbalik-loob sa Diyos.

Iwasan ang pagiging mainggitn. Ang nais ng Diyos ay matuwa ka sa tuwing may magandang
nagyayari ito man ay sa iyong kapwa o sa sariling kapatd dahil ang disenyo ng Diyos sa tao ay
ang magmahalan at hindi ang magsakitan.

Tunay nga na walang magulang na makattis sa anak. Gayundin naman, hindi kayang ttisin ng
Diyos ang mga anak niya.

You might also like