You are on page 1of 7

"Parabula ng

Alibughang Anak"
(Parabulang Israel)
Ni: Rafael Julian

Ipinasa nina:
 Alyssa Quiambao
 May Anne Quizon
 Carmelli Morales
 Lianne Dimarucut
 Marianne Posadas
 Marck Herris Valerio
 Aldrin Daryl Casupanan
Ipinasa
kay:
 Gng. Lucila Carminada
Ang Talinghaga ng Alibughang Anak

11 
Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na
lalaki. 12 Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama: Ama,
ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin.
Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang kabuhayan.
13 
Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang
nakakabatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang
malayong lupain at doon nilustay ang kaniyang ari-arian. Siya ay
namuhay ng magulong pamumuhay. 14 Ngunit nang magugol na
niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing
iyon at nagsimula siyang mangailangan. 15 Humayo siya at sumama
sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya ay sinugo niya sa mga
bukirin upang magpakain ng mga baboy. 16 Mahigpit niyang
hinangad na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy[a] na
ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa
kaniya.
17 
Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama
ay maraming upahang utusan. Sagana sila sa tinapay samantalang
ako ay namamatay dahil sa gutom. 18 Tatayo ako at pupunta ako sa
aking ama. Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa
langit at sa iyong paningin. 19 Hindi na ako karapat-dapat na
tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang
utusan. 20 Sa pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit
malayo pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag
sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya.
21 
Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at
sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak
mo.
22 
Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo
ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay
kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa
kaniyang mga paa. 23 Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin
ito. Tayo ay kakain at magsaya. 24 Ito ay sapagkat ang anak kong ito
ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila
ay nagsimulang magsaya.
25 
At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay
dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig siya ng tugtugin at
sayawan. 26 Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga lingkod.
Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na
ito. 27 Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating ang kapatid mo.
Nagpakatay ng pinatabang guya ang iyong ama sapagkat ang
kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog.
28 
Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas ang
kaniyang ama at namanhik sa kaniya. 29 Sumagot siya sa kaniyang
ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming taon.
Kahit minsan ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit
minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang
makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. 30 Nang
dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng
pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama
ng mga patutot.
31 
Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng
akin ay sa iyo. 32 Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat
ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay
nawala at natagpuan.
ANG ARAL NG ALIBUGHANG ANAK
Naniniwala ako na ang alibugha ay umuwi dahilan sa nakalipas
niyang kasaysayan sa ama. Kilala ng nakababatang lalaking ito ang
katauhan ng kanyang ama—hayagan na nakatanggap siya ng
dakilang pagmamahal mula sa kanya. Maaring alam niya na kung
babalik siya, hindi siya kagagalitan o kokondenahin sa kanyang
mga kasalanan. Masdan kung paano siya tinanggap ng ama sa
kanyang nakaaawang kalagayan. Ang nakababatang lalaki ay
nagtangkang mag-alay ng buong pusong pangungumpisal sa
kanyang ama. Gayunman ng humarap siya sa ama, hindi siya
nagkaroon ng pagkakataon na makapangumpisal. Pinigilan siya ng
ama na makapagsalita sa pagtakbong palapit sa kanya at siya ay
niyakap. Ang nakababatang lalaki ay naumpisahan lamang
makapagslita, sinabing, “Ama nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo.
Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak” (t.21).
Ngunit hindi na hinintay ng ama na siya ay makatapos magsalita.
Para sa kanya, ang kasalanan ng anak ay napatawad na. Ang
tanging sagot lamang ng ama ay mag-utos sa kanyang mga alila:
“Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya,
suutan siya ng singsing at panyapak. Maghanda ng mga pagkain at
tayo ay magsasaya. Ang lahat ay nagalak---ang anak ko ay nandito
na.” Alam ng ama ang puso ng anak alam niya siya ay ganap ng
nagsisi. Ang kasalanan ay hindi usapin sa amang ito. Ang tanging
usapin sa kanyang isipan ay pag-ibig. Nais niyang malaman ng anak
niya na siya ay tinanggap na bago pa man siya makapangumpisal.
At iyan ang bagay na nais gawin Diyos sa ating lahat: ang kanyang
pag-ibig ay mas mahalaga kaysa sa lahat ng ating mga kasalanan.

Mensahe ng Alibughang Anak


Muli, ipinahihiwatig ng Panginoong Hesus sa parabulang ito
ang mayaman niyang biyaya sa mga nagkasala. Kung paano
Niya pinapahalagahan ang bawat nilalang na tumatalikod sa
kanya sa pamamagitan ng pagawa ng kasalanan na siya
namang nagbabalik loob sa kanya at hindi natin nalalaman
kung gaano kaligaya ang Diyos sa bawat nilalang na muling
nagbabalik at natatagpuan. Tulad na lamang ng sitwasyon ng
Ama at ng kanyang anak sa parabula. Para naman sa
karagdagan, walang magulang ang makakatiis sa kanyang
anak. Ang mga magulang, anuman ang maging kasalanan ng
anak, tatangapin at tatanggapin parin niya ito ng buong
pagmamahal.

You might also like