You are on page 1of 20

PAGSULAT

MARIA JOYCE I. BASI


Kahulugan at Kalikasan

■ Pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang


maaaring magamit na pagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa layuning maipahayag ang
kanyang/kanilang kaisipan. ( Bernales, et.al)
■ Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na
ginagawa para sa iba’t ibang layunin.

■ Pisikal – ginagamit dito ang kamay at mata

■ Mental – aktibiti rin ito sapagkat hindi maaaring


hindi gamitin ang utak sa pagsusulat.
■ Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang
komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at
iba pang mga elemento.
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
♠ Inuri nina Bernales, et al. (2001) ang mga layunin
sa pagsulat sa tatlo:

a. Impormatib na pagsulat (expository writing)


- naghahangad na makapagbigay
impormasyon at mga paliwanag.
- pokus: ang mismong paksang tinatalakay
sa teksto.
b. Mapanghikayat na pagsulat (persuasive writing)
- naglalayong makumbinsi ang mga
mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o
paniniwala

- pangunahing pokus: ang mambabasa na nais


maimpluwensyahan ng isang awtor.
c. Malikhaing Pagsulat
- ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang
pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula,
dula at iba pang malikhain o masining na akda.

- pangunahing layunin ng awtor: pagpapahayag


lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya,
damdamin o kumbinasyon ng mga ito.
- pokus: ang manunulat mismo
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
■ Bago sumulat

Nagaganap ang paghahanda sa pagsulat.


Pagpili ng paksang isusulat.
Pangangalap ng datos o impormasyong
kailangan sa pagsulat.
Pagpili ng tono at perspektibong gagamitin.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
■ Habang sumusulat
 Isinasagawa ang aktwal na pagsulat.
 Pagsulat ng burador o draft.
 Pagtatala para sa akdang tuluyan o prosa.
 Pagsasaayos ng panimula, katawan at pangwakas na
talata.
 Pagsasaayos ng taludturan o saknong sa akdang
patula.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
■Pagrerebisa at Pinal na Pagsulat

Nagaganap ang pag-edit at pagrebisa ng draft


batay sa wastong gramar, bokabulari, at
pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.
Hindi kumpleto ang sulatin kung hindi ito dadaan
sa editing at rebisyon.
MGA URI NG PAGSULAT
1.AKADEMIK
- maaring maging kritikal na sanaysay, lab report,
eksperimento, term paper o pamanahong
papel, tisis o disertasyon

- Itinuturing itong isang intelektwal na pagsulat


dahil layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga estudyante.
2. TEKNIKAL
- isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa
mga kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga
mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo.

- Karaniwang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal


na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng
science o technology.
3. DYORNALISTIK
■ pamamahayag ang uring ito ng pagsulat na
kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o
journalist.
■ saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal,
kolum, lathalain at iba pang akdang karaniwang
makikita sa mga pahayagan o magasin.
4. REPERENSYAL
■ Naglalayong magrekomenda ng iba pang reperensya o sanggunian hinggil sa
isang paksa.

■ Madalas, binubuod o pinaikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang


manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang
parentetikal, talababa o endnotes para sa sinumang mambabasa na
nagnanais na mag-refer sa reperensya na tinukoy.

■ reperensyal ang pangunahing layunin nito, samakatuwid, ang paggawa ng


bibliograpiya, indeks, at maging ang pagtatala ng mga impormasyon sa note
cards ay sa ilalim ng uring ito.
5. PROPESYONAL
■ Nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyonal

■ Itinuturo rin sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang


tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral.

■ Police report, investigatory report, legalforms, briefs, at


pleadings at legal researchers, medical report at patient’s
journal ng doctor at nurses.
6. MALIKHAIN
■ masining ang uring ito ng pagsulat
■ pokus: imahinasyon ng manunulat
■ layunin: paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa
pukawin ang damdamin ng mga mambabasa
■ karaniwang mayaman sa mga idyoma, tayutay,
simbolismo, pahiwatig, at iba pang creative devices ang
mga akda.
MGA SALIK NA DAPAT
ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT
 pagtingin sa mga bagay na may kaugnayan sa
gagawin mong paksa
 pagkukumpara sa gagawin mong paksa
 pagsusulat na hindi gumagamit o nanghihiram ng
ibang lenggwahe o dayalekto
 ikumpara sa mga nabasa mo ang sulat o blog
upang hindi ito magkapareho
magsulat ng mga napapanahon na isyu
Isaalang-alang at alamin ang gusto ng mga
mambabasa
kailangang panindigan mo ang iyong isinusulat.
 Ang manunulat at ang kanyang layunin

■ Manunulat - May kakayahang bumuo ng mga ideya


Layunin: magpahayag at mag-ulat , mag-analisa at
magbuo ng malinaw na pananaw.
■ Suliranin ng manunulat : Ano ang paksang kanyang
isusulat?
■ Paano sisimulan?
■ Paano ipapahayag?
■ Paano tatapusin?
Ang mambabasa at ang paksa

■ Mambabasa: Isaalang-alang ang kakayahan ng


babasa at kakayahang bumuo ng mga konsepto.

■ Layunin: Magbigay alam o kumuha ng


impormasyong gagamitin sa pagsulat ng research
paper

You might also like