You are on page 1of 6

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o saanumang kasangkapang maaaring magamit


namapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo atilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuningmaipahayag ang kanyang/ kanilang kaisipan(Bernales, et al., 2001).

Ito ay kapwa isang pisikal at menta l na aktibiti naginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito
ay pisikalna aktibiti sapagkat ginagamit ito ang kamay at mata. Mental na aktibiti rin ito
sapagkat hinimaaaring hini gamitin ang utak sa pagsusulat ( Bernales, et al., 2002).

Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuongsa gawaing ito ay nangangailangan ng
puspusangmental at konsierableng antas ng kaalamangteknikal at pagkamalikhain
(Bernales, et al., 2002).

Ang PAGSULAT ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ngisang tao mula sa kanyang
pakikinig, pagsasalitaat pagbabasa

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT


1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al.,
2001)
2. Ito ay kapwa pisikal at mental na aktiviti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.(Bernales, et
al., 2002)
3. Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman
ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
4. Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.
5. Ito ay isang proseso ng imbensyon. 6. Isang Prosesong Panlipunan na maaaring bunga ng mga
sumusunod:
a. Bilang reaksyon ng isang tao sa kanyang nabasa, naranasan o namasdan upang maipaabot ang
kanyang pananaw at panuntunan sa buhay;
b. Sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t ito ay malikhaing sulatin na nagpapasigla
ng imahinasyon at tumutugon sa damdamin.
7. Isang pansariling pagtuklas.
8. Isang proseso sa intelektwal “inquiry”.
9. Isang paghuhunos ng damdaming bumubukal at nagpapahinog sa diwa’t kaisipan.
10. Isang malikhaing gawaing binubuo sa papel.
11. Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.
12. Isang pakikipag-usap sa kapwa
13. Ayon kay White at Strunk ito ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at
koneksyon ng pag-iisip.
SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT
*SOSYO - Isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.
*KOGNITIB - Anumang tumutukoy sa pag-iisip, nauugnay rin ito sa empirikal o paktwal na
kaalaman.
✓ Ang SOSYO-KOGNITIB na pananaw sa pagsulat, kung gayon ay isang paraan ng pagtingin
sa proseso ng pagsulat.
✓ Ayon sa pananaw na ito ang pagsulat ay kapwa isang mental o sosyal na aktibiti.
*MENTAL NA AKTIBITI - nakapaloob ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong
pagsulat.
*SOSYAL NA AKTIBITI - nakapaloob ang pagsa-saalang-alang sa mga mambabasa at sa
kanilang magiging reaksyon o tugon sa teksto.
✓Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong Intrapersonal at interpersonal.
* INTRAPERSONAL - sariling damdamin.
*INTERPERSONAL - makapagpahayag sa iba.
APAT NA PANGUNAHING PUNTO SA PROSESO NG PAGSULAT
1. Ang karanasan ang humuhubog sa pagsulat.
2. Hindi sumusunod sa iisang daan.
3. Ang anumang gawain ay naghahatid ng naiibang hamon.
4. Nagkakaiba-iba ang paraan ng bawat manunulat.
Mga Layunin sa Pagsullat

1. Personal ( Expresibo ) – ginagamit para sa layuning pagpapahayag ng iniisip o nadarama.

Halimbawa: Paggawa ng Tula

Hindi laging naaaplay sa lahat ng uri ng pagsulat.

2. Sosyal ( Transaksyonal ) – ginagamit para sa layuning panlipunan o pakikipag-ugnay sa iba pang


tao sa lipunan.

Halimbawa: Liham-pangangalakal
3. Impormatibong Pagsulat (Expository Writing) – naghahangad na makapagbigay ng impormasyon
at mga paliwanag.

- Pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay.

Halimbawa: pagsulat ng report

Balita at Teknikal o Bisnes Report

4. Mapanghikayat na Pagsulat (Persuasive Writing) – naglalayong makumbinsi ang mga


mambabasa tungkol sa isang katuwiran, opinyon o paniniwala. Ang pokus ay ang mambabasa na nais
maimpluwensiyahan.

Halimbawa : Editoryal, Sanaysay at Talumpati

5. Malikhaing Pagsulat – ginagawa ng manunulat ng mga akdang pampanitikan katulad ng maikling


katha, nobela, tula, dula atbp.

- And Layunin ng awtor ay pagpapahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin


o kombinasyon ng mga ito.

6. Pormularing Pagsulat – isang mataas at estandardisadong pagsulat.

Halimbawa: Kasulatan, kasunduan sa negosyo, bisnes atbp transaksyong legal.

Uri ng Pagsulat

1. Akademik – ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas
at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan - Kritikal na sanaysay - Lab report -
Eksperimento - Term paper o pamanahong papel

2. Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa


teknikal o komersyal na layunin. - Ulat panlaboratoryo - Kompyuter

3. Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang
akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

4. Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian


hinggil sa isang paksa. - Bibliography, index, note cards

5. Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon. - Police


report - Investigative repoort - Legal forms - Medical report

6. Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng
manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat. - Pagsulat ng
tula - Nobela - Maikling katha
Pagsasaayos ng Datos

• Sa pagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol sa isang paksa, gumamit, kumukuha, at


nagsasaayos ng mga datos ang mananaliksik.

• Gumagamit siya ng iba’t ibang sanggunian upang makapangalap ng mga impormasyong


susuporta sa ideya o argumento.

1. Pangunahing Datos – nagmumula ang mga impormasyon samga indibidwal na tao, mga
akdang pampanitikan, mga pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento at iba
pang orihinal na talaan.

2. Sekondaryang Datos – kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito, ensaayklopidya,
tesis, disertasyon, magazin, pahayagan, at iba pang aklat na naisulat ng mga awtor.

PROSESO NG PAGSULAT-
Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa ibat ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay ang
mga sumusunod.

Prewriting
Drafting
Rebaysing
Editing

PROSESO NG PAGSULAT
Ang mga yugtong ito ay sunod sunod ayon sa pagkakalahad, ngunit importanteng mabatid
na ang mga propesyunal na manunulat ay hindi nagtatarabaho nang hakbang-bawat-
hakbang.
Makakabuti kung gayon, na ipalagay na, ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at
ispayraling, kayat ang mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong ito ng paulit-ulit
sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang teksto.

Halimbawa, matapos ang ikalawang yugto o paglikha ng burador, ang isang manunulat ay
maaring bumalik sa unang yugto, ang prewriting ay masasagawa ng karagdagang
pananaliksik. Matapos ang editing, ang ikaapat na yugto, ang manunulat ay maaaring
bumalik sa yugto ng rebisyon at reorganays ng ang materyal.

PRE WRTING- (ANG PAGPAPLANONG GAWIN) SA YUGTONG ITO MAAARING ISAGAWA


ANG MGA SUMUSUNOD
• Pangangalap ng impormasyon

• Pagiisip ng mga ideya

• Pagtukoy sa istratehiya ng pagsulat

• Pag-oorganisa ng mga materyales

• Pagbuo ng balangkas

DRAFTING (Ang pagbuo ng unang burador) Ito ang pagsulat ng preliminari bersyon ng
dokumento na maaring baguhin ng paulit-ulit. Maari na nating sulatin ang burador na maari
ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan.

Rebaysing (Ang pagpapabuti at paghuhubog ng sulatin). Dito isinasagawa ang pag asang
muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng
dokumento. Ang pagsusuri sa istratura ng mga pangugusap at pagkasunod-sunod nito
(LOHIKANG PRESENTASYON) ay mahalaga upang maging maayos ang daloy ng pagsulat.
Maaring isagawa ang mga sumusunod: pagbabawas at pagdaragdag ng ideya at pagpapalit
ng pahayag na makapagpapabuti ng dukomento.

EDITING (Ang pagwawasto ng mga pagkakamili sa sulatin) Pinakahuling yugto sa proseso


ng pagsulat bago maprodyus ang pinal na dokumento.

PAGWAWSTO ng mga posibleng PAGKAKAMALI: Pagpili ng mga salita at gamit ng mga


salita, Ispeling, Gramar, Pagbabantas.

Ang mga Paraan sa Paglalabas ng Ideya:

1. Pagtatala- Paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagdadaglat, pagguhit at


pagsipi. Masusundan dito ang pagkasunod-sunod at pagkaugnay-ugnay ng mga detalye
tungkol sa paksa kapag magsusulat.

2. Palitang-kuro - grupo ang karaniwang gumagawa rito. Malawak nilang titingnan ang
paksa sa iba't-ibang anggulo at kaligiran ng usapin. Ang mga potensyal na opinyon ang
bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga hakbangin para marating ang
mapagkakasunduang layunin. Paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng
pagdadaglat, pagguhit at pagsipi. Masusundan dito ang pagkakasunud-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga detalye tungkol sa paksa kapag magsusulat.

3. Malayang Pagsulat- Pamamaraan ito kung anong lumabas na ideya ay isinusulat. Huwag
munang maging mapaghatol sa isinusulat. Huwag magwawasto. Pabayaang malayang
dumaloy ang isipan nang walang anumang pagkontrol, sa gayon maging ang mga di
inaasahang nakabaong ideya at lumitaw.
4. Pamaraang tanong-sagot Tinatanong ang sarili tungkol sa paksa at tiyak makakaipon ng
laksang impormasyon. pinaplano ang mga katanungan at ang mga ito'y pinagsunud-sunod
at pinag-ugnay-ugnay. napapailalim nito ang pag unawa sa paksa at nakapagbibigay ng
mga kawili-wiling kaisipang maisusulat.

You might also like