You are on page 1of 22

PAGSULAT

Pagsulat
Ang pagsulat ay gawa ng isang manunulat o
anumang pagpapahayag na gamit ang mga
letra ng alpabeto.

Ang pagsulat ay may letra o mga simbolo na


nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng papel
para katawanin ang mga tunog at ang mga
salita ng isang wika.

Ang pagsulat ay isang proseso ng pagtatala


ng mga karakter sa isang midyum na may
layuning makabuo ng mga salita.
Sosyo-Kognitibong
Pananaw sa PAGSUSULAT
Ayon kay R.T. Kellogg (1994), ang pag-iisip
ay kasama ng set ng mga kasanayang
pampag-iisip na lumikha, magmanipula at
makipagtalastasan sa iba ng personal na
simbolo ng isip.

Ayon naman kay Gilhooly (1982), sa pag-iisip


bilang set ng mga proseso, ang mga tao ay
bumubuo, gumagamit at nagbabago ng
panloob na simbolikong modelo.
Ilang Argumento sa pag-aaral ng
pagsulat ayon kay Kellogg
Una, ang kalidad ng pagsulat ay hindi
matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.

Ikalawa, ang pagsulat ay isang instrumento


para mag-isip.

Ikatlo, kasama sa pagsulat ang apat na


Kognitibong opersayon na gumaganap ng
tungkulin sa lahat ng gawaing pampag-iisip.

Ikaapat, ang tatak ng pag-iisip ay ang


pagsisikap o pagpupunyagi na mag-isip.
Modelong Kognitibo sa pagsusulat
nina Bereiter at Scardamalia (1987)

Una, ito’y nakatuon sa baguhang


manunulat na isinusulat lamang ang
nalalaman gaya ng simpleng
pagsasalaysay.

Ikalawa, ito’y nakatuon sa


bihasang manunulat na ang
layunin ay mailipat ang nalalaman
gaya ng ekspositoring pagsulat.
Paggawa
ng
burador

Paggawa Pagpopo-
ng
Muling kus
estruktura
Pagtingin

Pagtataya
Paglabas
o
ng mga
Ebalwasy
Ideya
on

Dayagram sa proseso ng Pagsulat nina White at Arndt (1991)


 Paglabas ng mga Ideya

Ano ang masasabi ko sa paksang ito?

 Paggawa ng Estruktura

Paano ko mailalahad ang aking ideya sa


paraang katanggap-tanggap sa aking
mga mambabasa?
 Paggawa ng Burador

Anumang isinulat na aayusin at lilinisin


pa.

 Pagpopokus

Ano ang kabuuang layunin ko sa


pagsulat ng paksang ito?
 Pagtataya o Ebalwasyon

Ang pagbuo ng talatanungan na


magagamit sa pagkuha ng reaksyon o
puna ay isang paraan ng pagtataya o
ebalwasyon.

 Muling Pagtingin

Muling pagbabasa ng teksto at pagtingin


kung tama ang ginawa.
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
EKSPRESIV TRANSAKSYUNAL

 Isa itong impormal na  Ito ay isang pormal na


paraan ng paraan ng pagsulat na
Pagsulat. may tiyak na target na
mambabasa, tiyak na
layunin at tiyak na
paksa.
 Gumagamit ito ng Karaniwang ginagamit
unang panauhan na ako, dito ang ikatong
ko,akin, at iba pa sa panauhan na siya, sila,
pagsasalaysay. niya, at iba pa sa
paglalahad ng teksto.
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
EKSPRESIV TRANSAKSYUNAL

 Sarili ng manunulat  Ibang tao ang target


ang target nitong nitong mambabasa.
mambabasa.

 Naglalarawan ito ng  Hindi ito masining o


personal na malikhaing pagsulat
damdamin,saloobin, bagkus ito’y naglalahad
ideya at paniniwala. ng katotohanan na
sumusuporta sa
pangunahing ideya.
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

EKSPRESIV TRANSAKSYUNAL

 Nakapaloob din dito  Nagbibigay ito ng


ang sariling karanasan interpretasyon sa
ng manunulat at pala- panitikan, nagsusuri,
palagay sa mga bagay- nagbibigay ng
bagay na nangyayari sa impormasyon,
paligid nanghihikayat,
nangangatuwiran,
nagtuturo o kaya’y
nagbibigay ng mensahe.
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

EKSPRESIV TRANSAKSYUNAL

 Malaya ang paraan ng  Kontrolado ang


pagsulat dito at walang paraan ng pagsulat dahil
sensura. Hindi gaanong may pormat o isitilo ng
mahalaga rito ang pagsulat na kailangang
gramatika at sundin.
pagbabaybay ng mga
salita bagkus mahalaga
rito na mailabas kung
ano ang talagang nasa
isip at nararamdaman
ng isang tao.
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

EKSPRESIV TRANSAKSYUNAL
 Halimbawa nito ay  Halimbawa nito ay
dyornal, talaarawan, balita, artikulo,
personal na liham at talambuhay, patalastas,
pagtugon sa ilang isyu. liham sa pangangalakal,
papel sa pananaliksik,
ulat, rebyu, sanaysay na
Layunin nito na pampanitikan,
maipahayag ang sariling nanghihikayat,
pananaw, kaisipan at nangangatuwiran,
damdamin sa interbyu, editoryal,
pangyayari. dokumentaryo at iba pa.
MGA URI NG PAGSULAT
1. TEKNIKAL NA PAGSULAT
 Teknikal na manunulat- lumilikha ng
dokumentasyon para sa teknolohiya.

 Praktikal na komunikasyong ginagamit


sa pangangalakal at ng mga propesyonal
na tao upang maihatid ang teknikal na
impormasyon sa iba’t ibang uri ng
mambabasa.

 Paksang Panteknikal- halimbawa,


manwal sa pag-aayos ng kompyuter o
anumang bagay na may kalikasang
teknikal.
MGA URI NG PAGSULAT
1. TEKNIKAL NA PAGSULAT

 Tekstong ekspositori na nagbibigay ng


impormasyon para sa teknikal o komersyal
na layunin.

 Magbahagi ng impormasyon tungkol sa


isang paksa sa paggawa ng isang bagay
tulad ng ulat panlaboratoryo, proposal at
iba pang uri ng propesyonal na dokumento.
MGA URI NG PAGSULAT
2. REFERENSYAL NA PAGSULAT

 Pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay


ng impormasyon o nagsususuri.

 Ang layunin nito ay maiharap ang


impormasyong batay sa katotohanan o
kaya’y makabuo ng kongklusyon batay
sa katotohanang ito.

 Ang anyo ng impormasyon ay kailangang


totoo o tunay, tamang-tama, obhetibo at
komprehensibo.
Sa pagsulat ng tekstong referensyal, isinasalang-alang
ang sumusunod:
1. Sumulat ng tesis na nagpapahayag ng
kabuuang impormasyon na nais iharap
sa mambabasa.

2. Iharap ang wasto at komprehensibong


katibayan na susuporta sa tesis.

3. Upang maging komprehensibo, ang


impormasyon ay kailangang sumasagot
sa tanong na sino, ano, kailan, saan at
paano. Sa pagbibigay ng interpretasyon,
ang kongklusyon ay kailangang
sumasagot sa tanong na bakit.
Sa pagsulat ng tekstong referensyal, isinasalang-alang
ang sumusunod:
4. Huwag magbigay ng haka-haka o pala-
palagay.

5. Sikaping maging obhetibo at walang


kinikilingan.

6. Huwag gumamit ng panghalip sa una at


ikalawang panauhan sa paglalahad ng
impormasyon.

7. Maaaring gumamit ng pormal at di-


pormal na wika.
MGA URI NG PAGSULAT
3. JORNALISTIK NA PAGSULAT

 Pagsulat ng balita- tuwiran at hindi


paligoy-ligoy.

 Ang pangunahing punto ay inilalagay sa


unahan at ang ibang impormasyon ay
isinisiwalat mula sa pinakamahlaga
patungo sa di-gaanong mahalaga.

 Pinipili nang maingat ang mga salita at


pinananatiling simple at tuwiran ang
isitilo ng pagsusulat.
Sa jornalistik na pagsulat, isinasalang-alang ang
sumusunod na mungkahi ni Jami Cameron:

1. Kunin agad ang punto ng istorya.

2. Huminga- Iwasan ang mahahabang


pangungusap.

3. Sumulat nang malinaw- maliwanag, tama


ang impormasyon at maikli ngunit
malaman.
MGA URI NG PAGSULAT
4. AKADEMIKONG PAGSULAT

 Maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o


pananaliksik na ginawa.

KATANGIAN:
1. Pormal
2. Obhetibo
3. Maliwanag
4. May Paninindigan
5. May Pananagutan

You might also like