You are on page 1of 7

Gawain 1

Pumili ng paksa sa nagdaang aralin (Panahon ng Katutubo) at gawan ito ng banghay


aralin. Gamitin ang balangkas ng banghay aralin sa ibaba. 

Asignatura:Filipino Petsa: Ika-30 ng Marso, 2021


I. Mga Layunin
A. Nakababasa at nakauunawa ang mga mag-aaral ng isang kwentong bayan.
B. Nahahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagsulat at kritikal na
pag-iisip sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan at pagbabahagi ng mga
ideya, damdamin at natutunan na may kaugnayan sa paksang aralin.
C. Nakabubuo at nakasusulat ang mga mag-aaral ng isang original na islogan na may
kaugnayan sa paksa at/o sa aral nito.
D. Napahahalagahan ng mga mag-aaral ang aral buhat sa kwentong bayan.
II. Paksang Aralin
1. Paksa: Si Mariang Mapangarapin
2. Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends
and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 84-85.
3. Mga Kagamitang Pampagtuturo: Powerpoint Presentation, kopyang sipi, bola,
pentel pen at papel.
4. Saloobin o Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga pangarap at proseso sa pagkamit
ng pangarap.
III. Istratehiya
Mga Gawain Bago ang Talakayan
1. Pamukaw- sigla
a) Panalangin
b) Pagpupulot ng Kalat
c) Pagtala ng Liban
2. Pagsasanay
Panuto: Paano mo mailalarawan ang Kwentong Bayan bilang akdang pampanitikan sa
panahon ng Katutubo? Isulat ang sagot sa papel gamit ang fun fact analyzer. Gayahin ang

Kwentong
Bayan

pormat.

3. Balik- aral
• Noong nakaraan ay tinalakay natin ang isa pang uri ng panitikan sa Panahon ng Katutubo, ito ay
ang Karunungang-bayan, ang Salawikain, Sawikain, at Kasabihan.

• Bago tayo magtungo sa pormal na aralin para sa Kwentong Bayan, magkaroon muna tayo ng
maikling pagbabalik-aral.

 SALAWIKAIN – Karaniwang patalinhaga ang salawikain na may kahulugang nakatago.


Ito ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag
binibigkas.

Mga Halimbawa:

‘Pag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw’

‘Ang sakit ng kalingkingan, ramdam ng buong katawan’

‘Ang taong matiyaga, natutupad ang ninanasa’

 SAWIKAIN – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi


gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Samakatuwid,
ito ay masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang
maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.

Mga Halimbawa:

‘Parang natuka ng ahas’ – natulala

‘Malayo sa bituka’ – hindi malubha

‘Itaga mo sa bato’ – pakatandaan

 KASABIHAN – Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito ay hindi gumagamit


ng mga talinhaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay
masasalamin sa mga kasabihan.

Mga Halimbawa:

‘Tulak ng bibig, kabig ng dibdib’

‘Kasama sa gayak, ‘di kasama sa lakad’

‘Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga’

4. Pagganyak
Dahil naunawaan nyong mabuti ang ating nag-daang aralin ay dumako tayo sa isang aktibidad
na may kaugyan sa ating panibagong aralin.
Panuto: Pumili sa mga larawan at ipaliwang kung bakit ito ang iyong napili?
Guro
Engineer
Doctor
Abogado

Pulis Flight Attendant


Sa inyong palagay ano ang kaugnayan ng mga larawan sa ating magiging leksyon sa araw na ito?
Atin itong tatalakayin sa susunod na ating gagawin.
Mga Gawain Habang Nagtatalakay.
1. Unang Gawain
Mayroon akong inihandang isang salita na nais kong inyong bigyan ng sariling
pagpapakahulugan. Pangarap
 Lahat ba kayo ay may pangarap sa buhay? Dito papasok ang ating ginawang aktibidad.
Pwede mo bang ibahagi sa amin ang iyong napili sa mga litrato?
Ngayon ay bibigyan ko kayo ng kopyang sipi ng kwentong bayan na ating babasahin na
pinamagatang, “Si Mariang Mapangarapin.”
2. Ikalawang Gawain
Ngayon ay bibigyan ko kayo ng kopyang sipi ng kwentong bayan na ating babasahin na
pinamagatang, “Si Mariang Mapangarapin.”
Si Mariang Mapangarapin
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano
pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.
Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang
nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala
siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkus pa ngang
ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.


Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng nag-
iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga
manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at
pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng
pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na
magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog ang lahat na
inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing
manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang
saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa
limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong
niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.
Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang
tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-
kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka
siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng
limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
3. Ikatlong Gawain
Mayroon akong bola na siyang gagamitin natin sa aktibiti natin. Ang bolang ito ay ibabato
ko sa unang mag-aaral na sasagot sa una nating gabay na katanungan. Pagkatapos niyang
masagot ay ibabato niya ito sa napili niyang kamag-aral upang sumagot sa susunod
namang katanungan. Gagawin lamang natin ito sa isang maayos at disiplinadong
pamamaraan. Bawal gumawa ng ingay na hindi kaugnay ng ating aktibi. Maliwanag ba?

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


Si Maria.
2. Ano – ano ang mga katangian ni Maria? Magbigay ng isa.
Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa’t masasabing isa na
siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man
ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising.
3. Ano ang naging bansag o pagkilala kay Maria?
Si Mariang Mapangarapin
4. Ano ang iniregalo ng isang binata kay Maria?
Isang dosenang dumalagang manok.
5. Ano-ano ang ginawa ni Maria sa regalong kanyang natanggap?
Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang manliligaw
niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit
sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga
ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot
at pataba.
6. Ano ang pinangarap ni Maria sa kanyang mga dumalagang manok?
Pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing
manok na magbibigay ng maraming itlog.
7. Ilang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok kay Maria araw-araw?
 Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw.
8. Ilang dosenang itlog ang naipon ni Maria?
Nabuo ito sa limang dosenang itlog.
9. Ano ang pinapangarap ni Maria habang nasa daan at sunong ang mga itlog?
Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng
magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida.
10. Ano ang naging katapusan ng kwento?
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.
Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng
pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
Magaling mga bata. Lahat kayo ay nagbasa ng mabuti at nakasagot ng tama.

Mga Gawain Pagkatapos Magtalakay


a) Paglalapat (Indibidwal)
Makinig ng mabuti. Bilang isang mag-aaral paano o ano ang iyong gagawin upang
makamit at matupad mo ang iyong mga pangarap? Mag-bigay ng limang hakbang
sa pagtupad ng iyong pangarap.
b) Pagtataya (by Group)
Bumuo ng isang orihinal na islogan na may kaugnayan sa paksang aralin at sa aral
nito.

Grado 10 7 4 1

Ang mensahe ay Di gaanong Walang


Bahagyang magulo
Nilalaman mabisang naipakita ang mensaheng
ang mensahe.
naipakita. mensahe. naipakita.

May malaking Wala gaanong Kaunti lamang ang Walang kaugnyan


Kaugnayan kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan ng sa paksa ang
paksa ang islogan. paksa ang islogan. islogan sa paksa. islogan.

Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit di Di maganda at


napakalinaw ng malinaw ang gaanong malinaw malabo ang
Pagkamalikhain
pagkakasulat ng pagkakasulat ng ang pagkakasulat pagkakasulat ng
mga titik. mga titik. ng mga titik. mga titik.
Iskor        

IV. Takdang Aralin


Basahin at unawain ang maikling kwentong pinamagatang, “Yumayapos ang Takipsilim” na akda
ni Genoveva Edroza Matute.

You might also like