You are on page 1of 9

Masusing Banghay-aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Baitang 7

I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari sa nabasang teksto gamit ang spider


web, sequence chain organizer at mapa ng pangyayari;
b.Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa
(F7PB-IV-C-D22);
c. Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda (F7PB-IV-C-D21);
d. Nakabubuo ng tula, tableau at akrostik tungkol sa kasipagan at pangangalaga sa
kalikasan.

II. PAKSANG ARALIN: Ibong Adarna Aralin 13 “Ang Bundok ng Armenya


Sanggunian: Ibong Adarna Pahina 101-111, Modyul 5-7 Quarter 4
Materyales: Tsart, projector, laptop atbp.
III. YUGTO NG PAGKATUTO
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Pamantayang Pangklase
5. Balik-Aral (aralin 12 ng Ibong Adarna)

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Noong nakaraang mga tagpo ay tinalakay natin ang


tungkol sa muling paglisan ni Don Juan sa kahariang
Berbanya. Upang malaman ko ang lalim ng inyong
pag-unawa sa paksang yaon ay magkakaroon tayo
ng gawain.

Gawain 1: Pagsusunod-sunod
Panuto: May mga bahagi ng aralin 12 na ipapakita Sagot ng mag-aaral:
ang guro, isaayos ito batay sa tamang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Unang nangyari:
Mga Pangyayari:
Bago sumikat ang araw ay lumisan na si
Ipinatawag ng hari ang tatlong prinsipe ngunit Don Juan sa kahariang Berbanya.
dalawa lamang ang humarap, sina Don Pedro
Pangalawang nangyari:
at Don Diego.
Ipinatawag ng hari ang tatlong prinsipe
ngunit dalawa lamang ang humarap,
Bago sumikat ang araw ay lumisan na si Don sina Don Pedro at Don Diego.
Juan sa kahariang Berbanya.
Pangatlong nangyari:

Hinanap nina Don Pedro at Don Diego si


Hinanap nina Don Pedro at Don Diego si Don
Don Juan sa labas ng palasyo, sa huli’y
Juan sa labas ng palasyo, sa huli’y natagpuan
natagpuan nila si Don Juan sa Bundok
nila si Don Juan sa Bundok Armenya.
Armenya.
Mahusay!
Lubos n’yo ngang naunawaan ang nakaraang aralin.
Klas nakaranas na ba kayong maglakbay? Opo sir!
Saan naman iyon? Sa Leyte po sir.
Anong partikular na lugar ang pinuntahan ninyo?
Okay. Bundok po!

(Integrasyon sa asignaturang
Environmental Science)

Ano ang inyong ginawa nang pumunta kayo roon? Naghiking po kami at nanguha ng
mga bunga ng prutas.
Ano ba ang karaniwang nakikita natin sa bundok
klas? Mga ilog po.
Ano pa? Mga punongkahoy, prutas at mga
hayop po.
Tama!

Masasabi niyo ba klas na ang bundok ay isa sa mga


magagandang lugar na maaaring tirhan ng mga tao? Opo sir.
Bakit? Dahil doon po ay tahimik, malayo sa
polusyon at maraming gulay na hindi
na kailangang bilhin.
Tama! Dahil ang bundok ay malayo sa iba’t ibang
polusyon gaya ng Noise Pollution, Air Pollution,
Water Pollution na napag-aaralan ninyo sa aling
asignatura kaya? Napag-aralan po naming iyan sa
Asignaturang Science.

Magaling!

A. Tuklasin:
1. Pagganyak

B. Linangin:
1. Paghahawan ng balakid
Gawain 2: Maramihang pagpipili

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa bawat bilang sa


mga salitang makikita sa kahon.

mapipitas mapapatay takot ibaba tinik

1. Maraming prutas na mapupupol sa aming bakuran.


2. Nakaramdam ako ng ligamgam sa aking nakita.
3. Ihugos mo ako upang makita ko kung ano ang nasa ilalim.
4. Sabi niya, masisila ang sino mang papasok sa kwebang iyan.
5. Kumain ako ng saging upang mawala ang subyang sa aking lalamunan.
2. Paglalahad

Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang patungkol sa


aralin 13 ng Ibong Adarna na pinamagatang “Ang
Bundok ng Armenya” at matapos natin itong mapag-
aralan inaasahan ko na matatamo ninyo ang mga
sumusunod na layunin:

a. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari sa


nabasang teksto gamit ang spider web,
sequence chain organizer at mapa ng
pangyayari;
b.Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga
karanasang nabanggit sa binasa
(F7PB-IV-C-D22);
c. Nagagamit ang dating kaalaman at
karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan
sa mga kaisipan sa akda (F7PB-IV-C-D21);
d. Nakabubuo ng tula, tableau at akrostik
tungkol sa kasipagan at pangangalaga sa
kalikasan.

3. Pagpapabasa at pagbibigay ng gawain


Panuto: Papangkatin ang klase sa tatlong pangkat,
ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng aralin na
kanilang babasahin na kalakip ang gawain. Bibigyan
ang bawat pangkat ng sampung minuto upang gawin
ang gawain.

Rubriks para sa pagmamarka ng mga gawain:

Katumpakan ng sagot -15


Pagpapaliwanag/ pag-uulat -10
Kalinisan - 5

Kabuuan =30

Unang Bahagi: Saknong 441-451

Panuto: Sagutan ang grapikong pantulong na Spider Web sa loob ng sampung minuto.
Isulat sa gitna ang “bundok Armenya” at sa mga box na nakakabit ay isulat ang mga salita o
pangungusap na naglalarawan dito.

Napakalinaw ng mga tubi sa


Napakaganda ng paligid at batis at napakaraming suso na
napakasariwa ng hangin. nakakapit sa mga batuhan.

Bundok
Armenya

Napakarami ibon dito gaya ng maya,


pugo at kalaw may mga pandanggo Maraming hayop at mga pananim
at kumintang, may mga limbas, dito gaya ng mga puno at bungang
uwak at lawin. kahoy na malayang pitasin.

Ikalawang Bahagi: Saknong 454-478.

Panuto: Punan ang mga box na nakakabit sa pamamagitan ng pagsagot sa mga


katanungang nakalagay dito. Gawin ito sa loob ng sampung (10) minuto.

Sa bundok ng Armenya. Nakita ng tatlong prinsipe ang


balon.

Mapa ng
pangyayari Tanghaling tapat.
Si Don Juan, Don Diego at
Don Pedro.

Naglakad ang tatlo at inakyat ang


Nabagot ang tatlo at gusto kabatuhan.
nilang puntahan ang
bahagi ng bundok na hindi
Ikatlong Bahagi: Saknong 479-510
pa nila napupuntahan.
Panuto: Isalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
paglagay nito sa mga bilog ng Sequence Chain Organizer. Gawin ito sa loob ng sampung
(10) minuto.

Naunang bumaba si Don Pedro at


Nang makita nila ang balon ay
nagbiling ayusin ang
pinuntahan agad nila ito sa pagkakahawak sa lubid ngunit
kasabikan. Namangha ang tatlo
tatlumpung dipa lamang ang
dahil ito’y gawa sa marmol at nalusong nito dahil hindi nito
may gintong nakaukit.
kayang tagalan ang labis na
kadiliman sa loob ng balon, ito rin
ay labis na namutla.

Huling lumusong si Don


Juan,nilakasan nito ang kanyang
Sumunod naman na lumusong loob. Dahil sa kanyang tapang ay
si Don Diego ngunit hindi rin narating niya ang ilalim ng balon.
nito natagalan ang lalim at dilim Namangha siya sa loob pagkat
ng balon at sinabing kung ito’y isang pook na maganda na
magtatagal pa siya roon ay ang lupa ay puro Kristal na
ikakamatay niya. kumikinang at maraming halaman
at bulaklak na mabango.

4. Pag-uulat

Panuto: Pumili ng representante na mag-uulat ng nagawang gawain. Ipaliwanag ang sagot


sa loob ng limang (5) minuto.

C. Pagnilayan
Klas, base sa inyong nabasa, ano-anong
paglalarawan ang maiuugnay sa bundok Armenya? Payapa, sagana sa bungang-kahoy at
mga hayop po sir.

Tama!
Sa tingin ninyo, may bundok pa ba sa Pilipinas na
kagaya ng bundok Armenya? Opo sir, Bundok Magdiwata po.

Magaling!
Ano kaya ang inyong mararamdaman kapag ang mga
bundok na iyan ay nasira? Malulungkot po ako sir
Bakit? Dahil maaaring hindi na po masilayan ng
mga susunod na henerasyon ang mga
kabundukan na iyan.
Tama!
Bilang mga mag-aaral o kabataan klas, paano ninyo
mapangangalagaan at mapananatili ang kagandahan
ng ating kabundukan? Sa pamamagitan po ng pagtatanim ng
mga puno sa kabundukan at hindi po
pagtatapon ng basura dito.
Tama!
Sa bahaging nagkita ang tatlong prinsipe sa Armenya
ay muling pinatawad ni Don Juan ang dalawang taksil
niyang kapatid at pumayag na doon na manirahan
kasama niya.
Kung kayo si Don Juan klas, ganoon din ba ang
inyong gagawin? Opo sir!
Bakit? Upang mabigyan po sila ng
pagkakataong magbago.
Okay, naging positibo naman ang epekto ng
pagpayag na iyon ni Don Juan dahil makikitang
masaya sila sa Armenya at nagmamahalan.

Sa bahagi naman kung saan natagpuan ng


magkakapatid ang mahiwagang balon, ano-anong
mga katangian o ugali ng tao ang masasalamin? Pagiging mapanuklas po sir.
Paano mo nasabi iyan? Dahil po sa kanilang kuryusidad kahit
hindi nila alam kung ano ang na sa loob
ng balon ay ninais pa rin nila itong
puntahan.
Tama!
Masasabi niyo ba klas na mayroong mabuting epekto
ang pagiging mapanuklas o curious? Opo sir.
Paano mo nasabi iyan? Dahil po minsan sa pagiging curious natin
sa isang bagay ay nakakatuklas tayo ng
bagong kaalaman.
Tama!
Sa panahon kaya ngayon ng pandemyang COVID
19, ano kaya ang malaking halimbawa na kung saan
may mabuting maidudulot ang pagiging mapanuklas? Isa po sa mabuting halimbawa nito ay
dahil sa pagiging mapanuklas ng tao ay
nakabuo at nakatuklas na ng lunas sa
sakit na COVID 19.
Mahusay, Iyan ay dapat nating ipagpasalamat!
Ano pang katangian ng tao ang masasalamin sa
bahaging nilusong na ni Don Juan ang balon? Pagiging masipag po!
Paano niyo nasabing masasalamin sa akda ang
kasipagan? Dahil po pinatunayan ni Don Juan noong
pinagsikapan niyang marating ang
pinakailalim ng balon kahit nahihirapan
siya at kahit sumuko na ang kanyang
dalawang nakatatandang kapatid.
Tama!
Sa tingin n’yo klas, gaano kahalaga sa inyo bilang
mga mag-aaral ang maging masipag? Napakahalaga po, dahil sa pagiging
masipag po naming nagagawa namin ang
mga gawain at maaaring maging sandata
po ang kasipagan sa pagtamo ng aming
mga pangarap sa buhay.
Magaling!
Ano namang katangian ni Don Juan na
ipinamalas ang nangingibabaw kaysa sa kanyang
dalawang kapatid klas? Pagiging matapang po sir!
Magbigay ka nga ng patunay. Dahil sa kanilang tatlo po ay si Don Juan
lamang ang naglakas ng loob at may
tapang ng loob na lusungin ang malalim
at madilim na balon.
Tama!
Kung kayo ang na sa sitwasyon ni Don Juan, ano
kaya ang mararamdaman ninyo klas habang na sa
loob kayo ng balon? Matatakot po ako sir at hindi ko po
kakayanin na ipagpatuloy ang paglusong
sa balon
Salamat!
Ano ang aral na inyong natutunan klas matapos
mabasa ang aralin? Dapat po ay maging matapang sa
anumang hamon ng buhay dahil ang
kabiguan po ay bunga ng karuwagan.

Ano pa? Dapat po ay maging masipag sa


paggawa ng mga gawaing nasimulan na
dahil sabi nga po sa saknong na aking
nabasa na sa gawaing pabimbin-bimbin
walang mararating.

Magaling!

D. Ilipat:
Panuto: Gawin ang mga sumusunod na gawain at ipresenta sa harap ng klase:
Unang pangkat: Isang Tula
Panuto: Gumawa ng tula na may dalawang saknong na may apat na taludtod sa bawat
saknong (malaya) tungkol sa kasipagan, isulat sa cartolina at basahin sa harap ng klase.
Pangalawang pangkat: Akrostik
Panuto: Gumawa ng akrostik ng salitang BUNDOK patungkol sa pangangalaga sa kalikasan
at ipresenta sa harap ng klase.
Pangatlong pangkat: Tableau
Panuto: Gumawa ng tableau na nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan. Ipresenta sa harap
ng klase.
Goal Makagawa at makapresenta ng isang tula, akrostik at pagsasadula.
Role Aktor, director at manunulat.
Audience Guro
Situation Bilang bahagi Buwan ng Wika, kayo ay gagawa at magprepresenta
ng isang tula, akrostik at tableau.
Product/Performance Tula, akrostik at tableau.
Standard Mamarkahan kayo batay sa pamantayan:
Para sa paggawa ng tula
Mensahe/ nilalaman -10
Kariktan -10
Presentasyon -5
Impak sa madla -5
_____________________
Kabuuan -30
Para sa akrostik
Mensahe/nilalaman -15
Presentasyon -10
Impak sa madla -5
_____________________
Kabuuan -30
Para sa tableau
Kaangkupan ng nilalaman -10
Pagganap/ presentasyon -10
Props -5
Impak sa madla -5
___________________________
Kabuuan -30

IV. Kasunduan
Panuto: Magdala ng mga gamit pangguhit bukas, bawat gamit ay katumbas ng limang puntos
(Gunting, Bond Paper, Color, Ruler, at lapis).

Republic of the Philippines


Province of Agusan del Sur
Municipality of Veruela
SINOBONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinobong, Veruela, Agusan del Sur

Masusing Banghay Aralin


Sa FILIPINO 7
Ikaapat na Markahan
Taong-Aralan 2020-2021

Tagapakitangturo:

JOHN MARK Q. MERINO

Guro sa Filipino

Tagamasid:

SARAH C. TORRALBA

School Head

You might also like