You are on page 1of 3

I.

LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-IIIa-e-14)

Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda.

II. PAKSA

Wika: Mga Pahayag sa Panimula, Gitna at Wakas ng isang Akda

Kagamitan: Pantulong na visuals

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.


https://www.google.com.ph/search?q=diwata&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjV
y_vwfjPAhWDiRoKHfwyCJgQ_AUIBygC#tbm=isch&q=illegal+logging+clipart&imgdii=KuvJf5saVbIsPM%3A%3BKuv Jf5saVbIsPM%3A%3B1kcJ4cO8jMCR2M%3A&imgrc=KuvJf5saVbIsPM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=diwata&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjVy_vwfjPAhWDiRoKHfwyCJgQ_AUIBygC#tbm=isch&q=illegal+logging+anim
ated&imgrc=lzIPh4sWh7SVFM%3A https://www.google.com.ph/search?q=diwata&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjVy_vwf
jPAhWDiRoKHfwyCJgQ_AUIBygC#tbm=isch&q=pagpaparusa+ng+diwata+sa+kagubatan&imgdii=3zGiI4osolBUbM%3A %3B3zGiI4osolBUbM%3A%3B-
bkPpBeHZvOGaM%3A&imgrc=3zGiI4osolBUbM%3A

http://www.gintongaral.com/mga-alamat/alamat-ni-maria-makiling/

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Pagtatala ng Liban

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (PICTURE STORY) Mula sa mga larawang ipakikita ay gagawa ang mga mag-
aaral ng isang kuwento na may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Gabay na Tanong:

a. Naging madali ba sa inyo ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?

b. Bakit mahalaga ang kaalaman dito?

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain. Pagbibigay ng guro ng
pokus na tanong para sa aralin.

Bakit mahalagang gamitin sa isang akda ang mga pahayag sa panimula, gitna at wakas?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S NEXT) Tutukuyin ng mga mag-aaral ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang mitolohiya. Lalagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga kahon.
SI MARIANG MAKILING

Ang sumunod na pangyayari sa buhay ni Maria ay lubhang masaya. Sa gayong pagkakasabay ay


nagkabunggo sila ni Gat Dula at nagkatama ang kanilang mga mata. Subali't sa taglay na kayumian ni
Maria'y nagyuko ng ulo ang makisig na Gat tanda ng paggalang. Buhat noo'y naging matalik na silang
magkakilala hanggang sa nakaraan ang ilang pagbibilog ng buwan ay nahiwatigan nilang sa ubod ng
puso'y may tinitimpi silang pagmamahal.

Noong unang panahon ay may engkantadang naninirahan sa Makiling. Si Maria na kaisang-isang


anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon. Si Maria'y hindi taga-lupa, bagama't siya'y nakiki-ulayaw sa
madlang kinapal.

Ang pagsusuyuan, sa nilakadlakad ng mga araw ay hindi nalihim sa kaalaman ng ama ni Maria.
Binawi sa kanya ng nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng pagiging tunay na kinapal. Sa wakas
ay nagsimula ang pagkakahiwalay ng mga bathala at madlang tao.

ANALISIS

1. Naging madali ba sa inyo ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari? Bakit?


2. May pananda bang ginamit upang matukoy ang simula ng pangyayari? Ano-ano ito?
3. Ano naman ang panandang ginamit na nagpapakita ng gitnang pangyayari?
4. Paano ipinakita ang wakas ng akda? Anong pananda ang ginagamit dito?
5. Mahalaga ba ang paggamit ng mga pananda na nagpapakita ng simula, gitna at wakas ng pangyayari?
Bakit?

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - (F O R Y O U R I N F O R M A T I ON)

HUDYAT SA PAGKAKASUNOD- SUNOD NG MGA PANGYAYARI May mga panandang ginagamit na


naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag. Sa Filipino, ang mga panandang
ito ay kadalasang kinatawan ng mga pang-ugnay. Ipinakikilala nito ang mga pag-uugnayang
namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng teksto. May mga tungkuling ginagampanan ang mga
panandang ito.

a. Sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang- una

b. Sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka

c. Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (PAGSUNOD- SUNORIN!) Buuin ang larawan ni Maria Makiling sa pamamagitan
ng pagsusunod-sunod ng mga upang mabuo ang pangkalahatang konsepto ng aralin.
APLIKASYON

Malayang Pagsasanay Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN!) Tutukuyin ng mga mag-aaral ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Lalagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang mga kahon

Ang unang hakbang sa pagtatamo ng magandang kinabukasan ay ang pag-aaral sa elementarya sa loob
ng anim na taon. Dito ang pundasyon ng anumang karunungang nais matamo.

Ikalawa ay ang pag-aaral sa Sekundarya sa loob ng apat na taon. Dahil sa bagong kurikulum ay
nadagdagan pa ang Sekundarya ng dalawang taon sa ilalim ng K to 12 na Curiculum.

Sa huli, kapag natapos na niya ang kolehiyo ay maaari na siyang maghanap ng magandang hanap-buhay
at mag-ipon ng sapat upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan at makatulong sa kanyang
mga magulang.

Saka tutungtong ang isang mag-aaral ng kolehiyo kapag natapos niya ang anim na taon sa Sekundarya.

Sumunod sa Sekundarya ay ang pag-aaral ng kolehiyo kung saan ihahanda sila sa mga propesyong nais
nila kapag sila ay naging ganap na empleyado.

EBALWASYON

Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa ibaba upang mabuo ang kuwento. Isulat ang titik A, B,
C, D, E.

ANG PINAGMULAN NG MGA LAHI Sanggunian:

PANITIKANG KAYUMANGGI, Rosario U. Mag-atas et.al

1. Isang araw, siya ay kumipal ng lupa, inihugis ito at iniluto sa isang hurno. Pagkahango sa niluto ay
napuna niyang ito’y ubod ng itim dahil sa pagkasunog. Ang kinapal na ito’y siyang pinagmulan ng mga
negro natin sa kasalukuyan.
2. Noong unang panahon, wala pang tao sa daigdig, si Bathala ay umisip ng kaparaanan upang maging
mapayapa, masaya at masigla ang daigdig. Ipinasya niyang lumikha ng mga tao.
3. Sa muling pagsasalang sa hurno ay nagkaroon ng agam-agam si Bathala na baka masunog na naman
ito kung kaya’t sa labis na pag-aalala ay hinango agad ang nakasalang. Ang nangyari ay hilaw ang niluto.
Ito ang pinagmulan ng lipi ng mga puti.
4. Sa wakas, ito ang siyang pinagmulan ng lahing kayumanggi.
5. ahil sa kasanayan na ni Bathala sa paghuhurno, ang ikatlong salang Niya ay naging kasiya-siya
sapagkat hustong-husto sapagkakaluto, hindi sunog at lalung-lalo namang hindi hilaw.

IV. KASUNDUAN

1. Magsalaysay ng isang pangyayari sa inyong buhay na hindi ninyo malilimutan. Gamitin ang mga
pahayag sa panimula, gitna at wakas.

2. Magsaliksik ng isang halimbawa ng mitolohiya. Basahin ito at sagutin ang mga katanungan: a. Sino-
sino ang mga tauhan sa akdang binasa? b. Ano ang kapana-panabik na pangyayari sa akda? c. May
mahalaga bang aral na nais ipabatid ang akda? Isa- isahin ito.

3. Humanda sa pagsulat ng Awtput 3.2.

You might also like