You are on page 1of 10

Sekondarya

Baitang 7

Filipino

SANAYAN SA FILIPINO
Ikaapat na Kwarter - Linggo 5 - Aralin 7

Damdaming Namamayani sa mga Tauhan


Mula sa Dulang Pantelebisyon/Pampelikula
at Dating Kaalama’t Karanasan Batay
sa Kaisipan ng Akda: Isang Paggamit
at Pagsusuri

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantetebisyon/pampelikula
(F7PD-IVc-d-19); Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa
mga kaisipan sa akda (F7PS-IV-c-d-21)
Filipino - Baitang 7
Sanayan sa Filipino
Damdaming Namamayani sa mga Tauhan Mula sa Dulang
Pantelebisyon/Pampelikula at Dating Kaalama’t Karanasan
Batay sa Kaisipan ng Akda: Isang Paggamit at Pagsusuri
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Sanayan sa Filipino anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga
paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Jemma P. Palaguayan, Mechaela Joy C. Calico


Bienvenida S. Tabuada, Abraham Edgar T. Vargas
Jonathan C. Gustilo, Marisa S. Canales & Ramel B. Garcia

Illustrator: Roel S. Palmaira, Mel June G. Flores, Althea C. Montebon


Mary Clarence G. Madero

Layout Artist: Jemma P. Palaguayan, Armand Glenn S. Lapor


Lilibeth E. Larupay, Eladio J. Jovero & Jonathan C. Gustilo

Division Quality Jemma P. Palaguayan, Jonathan C. Gustilo


Assurance Team: Abraham Edgar T. Vargas, Nelson S. Cabaluna
Rene B. Cordon, Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor
Michael O. Tamallana & Dr. Marites C. Capilitan

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilches


Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 7.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.
Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral, at ang mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay na mga kasanayan
habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging
malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga
gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing


layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing
napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na papel.


Magandang araw sa iyo!
Noong nakaraang aralin iyong sinuri ang mga elemento at sosyo-historikal na
konteksto ng napanood na dulang pantelebisyon. Upang mas mapalawak ang iyong kaalaman
sa linggong ito, patuloy tayong maglakbay tungo sa pagpapaunlad ng iyong sarili sa
pamamagitan ng pagsagot ng mga gawain sa paksang Kohesyong Gramatikal (Anapora at
Katapora).
Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang matututuhan mo ang mga layuning:
nasusuri mo ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood mong dulang
pantelebisyon/pampelikula (F7PD-IVc-a9); nagagamit mo ang dating kaalaman at
karanasan sa mga kaisipan sa akda (F7PS-IVd -21).
Maaari ka nang magsimula.

TUKLASIN NATIN

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin kung anong damdamin ang ipinahahayag ng bawat bilang. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. “Bakit kasi pumunta ka pa? Sa susunod matuto kang makinig sa sinasabi ko. ‘Yan tuloy
napahamak ka dahil hindi ka marunong makinig.”
A. inis B. galak C. lungkot D. pighati
2. “Mabuti at natapos mo na sa wakas ang gawain mo! Nagagalak ako dahil maaari mo
nang umpisahan ang susunod na kabanata.”
A. inis B. pighati C. tuwa D. lumbay
3. Sayang dahil napakabuti ng taong iyan sa amin. Malaking kawalan siya sa ating grupo.
A. inis B. galak C. lungkot D. pighati
4. Ay talaga ba? Paanong napunta sa kanya ang korona?
A. duda B. dusa C. dismaya D. pighati
5. Bakit mo ito nagawa? Hindi ko inaasan na magagawa mo iyon!
A. inis B. dismaya C. lungkot D. pighati

ALAMIN NATIN

May mga pagakakataong nadadala tayo sa ating mga binabasa o pinapanood. Ito
ay sa kadahilanang pinupukaw ng manunulat ang ating damdamin sa pamamagitan ng
mga pananalita, pagkikilos, o ekspresiyon ng mukha (kung sa pelikula).

Sa pagpukaw ng ating damdamin, nahihila ang ating interes sa akda, o sa sining.


Naiuugnay natin ang ating nababasa, naririnig at nakikita sa mga pangyayari sa ating
paligid at sa ating buhay. Kapag nagkaganoon, nagiging makabuluhan ang pagbabasa,
pakikinig at panonood na ginagawa natin.

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantetebisyon/pampelikula (F7PD-IVc-d-19);
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda (F7PS-IV-c-d-21)

May iba’t ibang damdamin tayong1 mababasa, maririnig o makikita sa teksto.


Maari itong positibo o negatibo. Mayroong lantarang sinasabi ngunit mayroon din namang
May iba’t ibang damdamin tayong mababasa, maririnig o makikita sa teksto. Maari
itong positibo o negatibo. Mayroong lantarang sinasabi ngunit mayroon din namang
pahiwatig lamang. Damdamin ang tawag natin sa emosyong namumuo sa atin habang
tayo ay nagbabasa, nakikinig o nanonood ng anumang sining – tulad ng pagkatuwa,
pagkahiya, pagkagalit, pagkainip, paghanga, pag-aalala, patatampo, pagmamalasakit,
pagsisisi, panghihinayang, pagkatakot, katapangan, kawalan ng pag-asa, pagkainggit,
pagkagusto, pagkapoot, pagkabahala at marami pang iba.

Inggit
Ayon kay Bro. Marianito Agustin O.P.sa isangTalakayan sa BALITAMBAYAN
(Hulyo 31, 2020) ay pakiramdam ng pagkadeskontento o pagkagalit dahil sa
pagkakaroon ng magandang kapalaran o pagtagumpay ng kapwa.
Pag-ibig
1 Corinto 13
Ang pag-ibig ay matiisin, matiyaga at nagpapasensya. Ang pag-ibig ay hindi
naiinggit. Ang tagumpay at karangalan ng kaniyang iniibig ay tagumpay at
karangalan din nya. Ang pag-ibig ay handing magmalasakit para sa ikabubuti
ng minamahal sa buhay.

Ang pag-ibig at ang inggit ay dalawang damdaming pinag-uugatan ng lahat ng


mga damdamin. Ang Pag-ibig (tunay na pag-ibig) ay nagbubunga ng lahat ng kabutihan o
positibong gawain. Samantalang ang inggit ay pinag-uugatan ng lahat ng kasamaan o
negatibong mga gawain.

Ang pag-big at inggit ay kapwa malinaw na makikita sa akdang Ibong Adarna.


Nang dahil sa pag-ibig o pagmamahal ng mga anak na prinsipe sa Amang Hari, tiniis nila
ang lahat na hirap makita lamang ang natatanging lunas sa karamdaman ng hari. Bagamat
ang inggit ang siyang nagtulak kina Don Pedro at Don Diego na patayin ang nakababatang
kapatid na si Don Juan.

Kung maalaala natin, nang dahil din sa inggit, pinatay ni Cain ang kapatid na si
Abel. Sila ay mga anak ni Adan at Eba.

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantetebisyon/pampelikula (F7PD-IVc-d-19);
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda (F7PS-IV-c-d-21)

2
GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang mga saknong buhat sa Ibong Adarna.

232 238
Nagsilakad na ang tatlo Inaaming may matuwid
katuwaa’y nag-ibayo; kay Don Juan ay mainggit
ngunit itong si Don Pedro ngunit bakit naman, bakit
may masama palang tungo. aapihin ay kapatid?
233 239
Nagpahuli kay don Jua’t Urong-sulong magsalita
kay Don Diego umagapay tumutol ay hindi magawa
ito’y kanyang binulungan sa takot na mapalisya
ng balak na kataksilan. umayon nama’y masama.
234 240
“Mabuti pang hindi hamak Kaya’t kanyang pinag-isip
si Don Juan” kanyang saad. kung saang dako papanig;
“at sa Ama nating liyag doo’t dito’t naririnig:
ay marangal na haharap. “Tayo ay magkakapatid!”
235 241
Pagkat ipaglihim nama’y Nakahambing ni Don Diego
mabubunyag din ang tunay. yaong si Bernardo Carpio,
ang Adarna’y kay Don Juan. nagpipilit na matalo
ang sa ati’y kabiguan.” ang nag-uumpugang bato.
236 242
“Kaya ngayon ang magaling Datapwa’t nga sa dahilang
si Don Juan ay patayin; ang tao’y may kahinaan,
kung patay na’y iwan natin, ayaw man sa kasamaa’y
ang Adarna nama’y dalhin.” nalihis sa kabutihan.
237 244
Si Don Diego ay nasindak “Iyang iyong panukala,
sa mungkahing kahahayag, tila man din anong sama
matagal ding nag-apuhap alaming ang mawawala
nga panagot na marapat. kapatid nating dakila.”

GAWAIN 2
Panuto: Sagutin ang masunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na
papel.

1. Ano ang binabalak ng nakatatandang kapatid?


A. patayin si Don Juan C. taksilan sa Don Juan
B. sindakin si Don Juan D. purihin sa Ama si Don Juan
2. Ano ang naghaharing kaisipan sa buong teksto?
A. pagbabangayan B. pagmamahalan C. kataksilan D. katuwaan
3. Ano ang sanhi ng masamang balak kay Don Juan?
A. kabiguan B. kahihiyan C. kainggitan D. kahinaan
4. Matuwid bang saktan ang kapatid dahil mapapahiya sila sa Amang Hari kapag umuwi
silang bigo sa paghuli sa Ibong Adarna gayong sila ang nakatatanda samantalang si Don
Juan na nakababatang kapatid lamang ang siya pang nagtagumpay sa paghuli sa ibon?
Ipaliwang ang sagot.
Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantetebisyon/pampelikula (F7PD-IVc-d-19);
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda (F7PS-IV-c-d-21)

3
5.
Pagkat ipaglihim nama’y mabubunyag din ang tunay.
Ang Adarna’y kay Don Juan ang sa ati’y kabiguan.”

Anong kawikaan ang angkop sa saknong?


A. Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin.
B. Lalabas din ang tunay na kulay ng buhay.
C. Walang lihim na hindi maibubunyag,
D. Sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
6.
Urong-sulong magsalita tumutol ay hindi magawa
sa takot na mapalisya umayon nama’y masama.
Ano ang nais ipahiwatig o nais ipaabot na mensahe ng saknong?
A. gusto niyang tumutol C. natatakot siya
B. mapapahiya siya D. nag-aalangan siya
7. Batay sa itaas na teksto, gamit ang Plot Chart buoin ang bahagi ng Ibong Adarna
sa pamamagitan ng pagpuno ng salita o lipon ng mga salita sa mga puwang.

Habang naglalakad ang tatlong magkakapatid, (a.)_____________ ang naghahari


sa kanila. Saglit na nagpaiwan si Don Pedro upang makasabay si Don Diego at ibinulong
dito ang (b.)_____________ . Ayon sa kanya “Mabuti pa si Don Juan haharap sa ating
Ama nang may dangal dahil kahit ilihim man natin, malalaman pa ring
(c.)_______________ tayo ang nakahuli ng ibon kundi si Juan. Kaya siya ay ating
(d.)_______________.” Nabigla si Don Diego dahil kapatid nila si Don Juan. Nag-alangan
siyang sumagot dahil sa naiipit siya na sumang-ayon o hindi sa masamang balak ng
kapatid sa isa nilang kapatid kaya inihahambing siya kay (e.)________________.

PAGYAMANIN NATIN

GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang mga saknong buhat sa Ibong Adarna.

246 250
“Kung tunay nga”, kanyang saysay, “Taglay ta ang karangalang
“na masama ang pumatay, magsabi nang anuman
gawin nati’t pagtulungan sampung mga kahirapan
na umugin ang katawan sa ginawang paglalakbay.
247 252
“Kung siya’y mahina na Itong huling pangungusap
baling-bali ang mga paa ni Don Pedrong mapagsukab,
walang daang makasama pikit-mata nang kinagat
sa pag-uwi sa Berbanya. ni Don Diegong napabulag.
249 253
“Sa gayon ay maligayang Inumog na si Don Juan
dadalhin ta ang Adarna na di naman lumalaban;
suntok, tadyak sa katawan
pagharap sa ating ama
kung dumapo’y walang patlang.
hiya natin ay wala na.

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nasusuri “Taglay ta ang
ang damdaming karangalang
namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantetebisyon/pampelikula (F7PD-IVc-d-19);
Nagagamit ang dating
magsabi kaalaman
nang at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda (F7PS-IV-c-d-21)
anuman
sampung mga kahirapan 4
sa ginawang paglalakbay.
254 262
Itong abang inuumog Bakit ang Ibong Adarna
ang panlaban ay himutok sinasabing anong ganda,
sa tama ng mga dagok, ngayo’y ayaw nang kumanta,
dumaraing, napalugmok. nanlulugo’t pumapangit pa.
256 264
Nang nakitang gulapay na’t “Ito baga ang Adarna?”
halos hindi humuhinga, naitanong sa dalawa;
hawla’t ibon ay kinuha’t “Kung ito nga’y ano baga’t
nagsiuwi sa Berbanya. pagkapangit pala niya!
257 267
Sa palasyo nang dumating “Ano kaya ang dahilan
ang magkapatid na taksil, ng sa ibong pamamanglaw?
sa ama’y agad nagturing kung ang ibong ito’y ganyan
“Ang Adarna’y dala naming!” lalo ko lang kamatayan.
268
258
Sa gayong pag-aakala
Amang malubha ang lagay
si Don Jua’y nagunita,
nangiti sa napakinggan;
sa daloy ng kanyang luha
mga anak ay hinagka’t
may larawang napabadha.
katawa’y gumaan-gaan.
269
259
Yaong dating panaginip
Ngunit nang kanyang mapunang
na sanhi ng kanyang sakit
si Don Jua’y di kasama,
ang nakitang nakaguhit
nag-usisa sa dalawa
sagot nito’y ewan nila. sa larawang pagkalupit.
260
Naghimutok ang Hari
katuwaan ay napawi
ibigin ma’y di mangiti,
ang hininga ay may tali.

GAWAIN 2
Panuto: Suriin ang kilos/damdaming namamayani sa mga tauhan sa tekstong binasa.
Piliin ang sagot sa mga sumusunod:

nakakaawa nanlulumo nagdududa nasisiyahan


nagmamalaki determinado nalulungkot nag-aalala
natutuwa natatakot naguguluhan

Bilang ng Saknong Kilos / Damdamin

1 249

2 253

3 257

4 260

5 262

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantetebisyon/pampelikula (F7PD-IVc-d-19);
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda (F7PS-IV-c-d-21)

5
PAGNILAYAN NATIN

Panuto: Pagnilayan at sagutin ang tanong sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay
na papel.

Ano ang batayan mo ng kabutihan? Paano mo maipakikita ang pagiging


mabuti sa gitna ng kinahaharap nating krisis pangkalusugan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
TAYAHIN NATIN
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
GAWAIN 1
_______________________________________________________________
Panuto: Balikan ang mga napanood na pelikula o dulang pantelebisyon. Ano ang
_______________________________________________________________
naalaala mong damdaming namamayani sa pangunahing tauhan? Ipakita ang
_______________________________________________________________
sagot sa pamamagitan ng pagpuno sa kaukulang kahon.
_______________________________________________________________
Damdaming namamayani at
Pamagat ng Pelikula o
Tauhan maikling pagsasalaysay ng bahagi Paliwanag
Dulang Pantelebisyon
ng pelikula/dulang pantelebisyon

GAWAIN 1
Panuto: Pumili ng isang saknong sa akda na maiuugnay mo sa iyong karanasan.
Ipaliwanag nang patalata ang kaugnayan nito sa iyo.

Rubriks sa Pagbuo ng Talata


Nangangailangan
Papaunlad Katamtaman Mahusay Napakahusay
Pamantayan ng Gabay
4 6 8 10
2
Makikitaan ng
Nagbigay lamang Makatotohanan ang Malinaw na
Nakapaglalahad ng kaugnayan sa akda
Nilalaman ng simpleng mga inilahad na naiuugnay ang
karanasan ang nakasaad na
pahayag karanasan karanasan sa akda
karanasan
Maraming Hindi gaanong Nasuportahan nang
Nasusunod ang Maayos na
kamaliang nagawa maayos ang maayos ang
Istruktura istruktura ng naihanay ang mga
sa pagbubuo ng pagkakalahad ng konseptong
pagtatalata kaisipan
mga pangungusap mga kaisipan inilalahad
Hindi man lang
Masyadong Makikitaan ng May kanyang Masining ang
maakit ang
karaniwan lamang kakaibang istilo sa sariling istilo sa paraan ng paglala-
Istilo mambabasang
ang pagkalahad ng paglalahad ng mga paglahad ng mga had /
basahin ang isinulat
mga pangyayari pangyayari pangyayari pagsasalaysay
niya

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantetebisyon/pampelikula (F7PD-IVc-d-19);
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda (F7PS-IV-c-d-21)

6
7
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda (F7PS-IV-c-d-21)
Kompetensi: Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantetebisyon/pampelikula (F7PD-IVc-d-19);
Baitang 7 - Filipino
SUSING SAGOT SA PAGWAWASTO
TUKLASIN NATIN
GAWAIN 1
1. A
2. C
3. C
4. A
5. B
BASAHIN AT SURIIN NATIN
GAWAIN 1
1. A 6. D
2. C 7. a. katuwaan
3. C b. kataksilan
4. Ang sagot ay subhektibo c. hindi hamak
5. C d. patayin
e. Bernardo Carpio
PAGYAANIN NATIN
GAWAIN 2
Bilang ng Saknong Kilos / Damdamin
1 249 determinado
2 253 nag-aalala
3 257 nagmamalaki
4 260 nagdududa
5 262 naguguluhan

You might also like