You are on page 1of 10

BENIGNO “NINOY” S.

AQUINO High School


Aguho Street, Comembo, Makati City

PAKITANG-TURO SA FILIPINO
TP 2018-2019

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

Inihanda ni:

Bb. Maria Lourdes T. Uru


Gurong Nagsasanay

Nabatid ang nilalaman:

G. Rodelio Tuazon Ison Jr.


Gurong Tagapagsanay

Binigyang-pansin:

Gng. Mariefe Salcedo Seraño


Tagapag-ugnay, Kagawaran ng Filipino
I. MGA INAASAHANG BUNGA

A. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap


(F7PT-IIIh-i-16)
B. Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kuwento (F7PB-IIIh-i-16)
C. Naiaangkop sa sariling katauhan ang kilos, damdamin at saloobin ng tauhan
(F7PD-IIIh-i-15)
* Nakapagtatanghal ng tagpong nagpapakita ng uri ng diskriminasyon
* Naiisa-isa ang katuwiran tungkol sa paksang solusyon sa bullying
* Nailalahad ang pananaw sa mga pangyayaring tumatalakay sa kalupitan at kaapihan

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Panitikan - Sandaang Damit ni Fanny Garcia


Maikling Kuwento mula sa Bulacan
Gramatika - Mga Panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan
B. Kaisipan: “Hindi nakabatay sa panlabas na anyo at materyal na
bagay ang pagtanggap sa tao”
C. Kagamitan: Mga kagamitang bisuwal, laptop, projector, speaker
D. Sanggunian: Panitikang Rehiyonal 7 - Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 248-260

III. PROSESO NG PAGKATUTO (Yugto ng Pagkatuto-LINANGIN sa PANITIKAN)

A. Panimulang Gawain
1. Rutinang Pansilid-aralan
1.1 Panalangin
1.2 Pagbati
1.3 Pagsasaayos ng silid-aralan
1.4 Pagtala ng liban sa klase
1.5 Pagwawasto ng takdang-aralin

2. Balik-aral
Pa-Circus sa Perya - Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag at maghasik ng
katuwiran sa piniling sagot.

Mga pare please lang kayo’y tumabi pagkat dala Ito’y akdang patula na kadalasan ang layunin ay
ko’y sandatang walang kinikilala, ang aking manlibak, manukso o mang-uyam. Kalimitang may
manibela. Ito’y halimbawa ng kaalamang-bayan na himig na nagbibiro na tinatawag ding pagbibirong
tulang panudyo. patula. Ito’y kilala sa tawag na tugmang de gulong.
Sa isang kalabit, buhay ang kapalit. Ito’y
Ang bugtong ay maituturing na larong
halimbawa ng bugtong na nagpapatalas ng isipan
humahamon sa tao sa kaniyang kasanayang
sa pamamagitan ng pagbibigay ng sagot. Ang
lohikal upang mag-isip ng sagot at magbigay ng
tamang sagot dito ay katabing pasahero sa
solusyon.
sasakyan.

Matapang
Masipagg
Makulit B. Pagganyak
Tamad
Mabait
Masunurin Munting Aginaldo - Ang apat na regalong ito ay naglalaman ng iba’t ibang klase ng
damit. Pumili ng kaibigan o kaklase na kadalasang nakikitaan ng ganitong uri ng
kasuotan. Batay sa mga katangian/paglalarawan ng bawat regalo, ipaliwanag kung
bakit siya ang pinili mong biyayaan ng aginaldo.

Ibinigay ni: Mapiling kaibigan


Ibinigay ni: Kaibigang di
mang-iiwan Para kay: Kaibigan o kaklase kong
Para kay: Kaibigan o kaklase kong hindi makagala kapag hindi
gumagala na nakadamit nakaporma. Kailangang nakaporma
pambahay basta’t makagala lang. para sabay sa uso.

Ibinigay ni: Sosyalerang kaibigan


Para kay: Kaibigan o kaklase mong
gagala lang pero ang sosyal ng damit.
Akala mo’y may okasyong pupuntahan.
Ibinigay ni: Mapagmahal na
kaibigan
Para kay: Kaibigan o kaklase mong
kahit simple lang ang suot basta’t
makagala lang.

Gabay na tanong:
1. Masasalamin ba sa aginaldong ibinigay ang katangian
at disposisyon sa buhay ng taong hinandugan ng
regalo?
2. Paano mo tinatanggap ang katauhan o pag-uugaling
ipinakikita sa iyo ng ibang tao?
(Pag-uugnay sa araling tatalakayin)

C. Paglinang ng Talasalitaan
Kabinet ng Karunungan - Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin ang
kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit batay sa konteksto nito sa pangungusap.

1. Lagi siyang nakadikit sa sulok. 2. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata,
Nakaupo na tila’y ipinagkit. sasagot lamang ng halos pabulong kapag tinatawag ng
guro, halos paanas pa kung magsalita.

hindi umaalis sa kinauupuan paimpit

hindi tumitigil sa kinauupuan papahina/ pawala na


hindi inaalis ang upuan pasigaw

idinidikit ang upuan pahimig

3. Lumabas ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng 5. Matindi ang pang-aapi sa kaniya ngunit tahimik lang
batang mahirap. Sila ay pinatuloy at nakita nila ang siya. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalagay ng
maliit na kabuoan ng kabahayang salat na salat sa kaniyang mga kaklase na siya ay talunan, kaya lalong
marangyang kasangkapan. sumidhi ang kanilang pang-aasar.
simple lumagpas

kumikinang tumindi

mayaman tumibay

mamahalin lumalim

D. Paglalahad
Magic Explosion House – SHOW…… REACT…… HASHTAG - Bibigyan ng reaksiyon at
hashtag ang iba’t ibang larawan/tagpo sa akdang tinatalakay.
Hasik-Diwa…
Isa na ngayong ganap na batas ang Anti-Bullying Act of 2013.
Naging ganap na batas noong Setyembre 12, 2013. Upang lubos
na maunawaan ang bullying, makikita ito sa sumusunod na
pagkakataon:
- Pananakit sa kapuwa tulad ng panununtok, panunulak,
panghahatak, paninipa, pananampal, pangingiliti, pambabatok,
paggawa ng mga bagay na pang-aasar sa iba, panunukso, pang-
aaway at paggamit ng alinmang bagay upang manakit;
- Anumang gawaing maaaring magdulot ng pinsala sa katawan o
emosyon ng iba;
- Anumang mapanirang salita o pagbibintang na magdudulot sa
biktima ng emosyonal na sakit at pagkabalisa tulad ng
pagmumura, pangalang hindi angkop, panunukso sa itsura; at
Cyber-bullying gamit ang social media at internet.

E. Pangkatang Gawain
Pukaw-Unawa – Pukawin at palawigin ang kaalaman sa pamamagitan ng mga gawain.

Pangkat 1 – TELESINE - Gumawa ng isang eksena o tagpong


nagpapakita ng uri ng diskriminasyong
laganap o lantad sa ating lipunan.

Pangkat 2 – TIMBANGAN NG KATUWIRAN – Ihasik ang katuwiran sa


pamamagitan ng isang pagtatalo.

Paksa: Solusyon sa Bullying: Kaparusahan ng Kamay na Bakal


o Pag-unawa ng Busilak na Puso?

Pangkat 3 – SERYENG PANANAW – Maglahad ng dahilan/


pananaw kung bakit nangyayari ang sumusunod
na sitwasyong kadalasang nababasa, nasasaksihan
o nararanasan ng mga taong may kinalaman sa
kalupitan at kaapihan.

* Kapag madrasta, laging malupit sa mga anak


ng kaniyang asawa
* Kapag mahirap laging api, kapag mayaman
laging mapang-api

RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN INTERPRETASYON

A. GAWAIN - Naisagawa ba ang gawaing ibinigay ng guro? 5 - NAPAKAHUSAY

B. KAHUSAYAN - Naging mahusay ba ang mga tagapag-ulat? 4 – MAHUSAY

C. KAISAHAN- May pagkakaisa ba ang bawat kasapi ng 3 - KATAMTAMAN


pangkat?

D. PANGKALAHATANG REAKSYON- Nakuha ba atensyon ng 2 – MAHINA


buong klase? (kailangan pa ng
kasanayan)

1 – NAPAKAHINA
KABUOAN (kailangan pa ng
lubusang kasanayan)

- pagpapasimula ng gawain
- pag-uulat ng pangkat
- pagbibigay ng feedback (mga mag-aaral at guro)
Maikling Repleksiyon…
Kislap-puso – Panoorin ang isang bahagi ng kuwento mula sa Maalaala Mo Kaya. Pagkatapos,
ibigay ang damdamin o saloobin hinggil sa napanood.

Halina’t Manood

Maalaala Mo Kaya
'Sementeryo'
(Khay Ann Igle Story)

F. Sintesis
Bintana ng Pagkatao – Ang bintanang magbubukas upang higit mong makilala ang
iyong sarili.

Dahilan kung bakit may


pagkakataong isinasara o hindi
natin ipinapakita ang ating tunay
na sarili o pagkatao sa iba?
G. Pagtataya
Sukat-Galing – Pagsubok na tatasa sa kaalamang natutuhan mula sa araling tinalakay.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.

“Hindi ko madadala rito. Baka pagalitan ako ni Nanay,


kung gusto ninyo, sasabihin ko na lang kung ano ang tabas,
kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o may bulaklak.”

1. Ang katangian ng tauhang nagsasalita sa pahayag ay ____.


A. mapagmalaki
B. masunurin
C. sinungaling
D. madaldal
2. Anong bagay ang tinutukoy ng tauhang nagsasalita sa bahagi ng kuwento?
A. tela
B. kurtina
C. punda
D. damit
3. Ang mahihinuhang dahilan kung bakit ibinabahagi ng batang babae ang
bagay na mayroon siya sa kaniyang mga kaklase ay ____.
A. upang tigilan na ang panunukso sa kaniya at magkaroon ng kaibigan
B. dahil gusto niyang makipagpataasan sa iba
C. para malaman ng kaniyang mga kamag-aral na hindi siya mahirap
D. para ipaalam na marami silang perang pambili ng magagandang kasuotan

“Bayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin.


Hayaan mo, kapag nagkaroon ng trabaho ang iyong ama,
makapagbabaon ka rin ng masasarap na pagkain.
Mabibilhan din kita ng maraming damit.”

4. Ang damdaming nangingibabaw sa bahagi ng kuwento ay ____.


A. mapaghiganti
B. mapagmahal
C. mapangarapin
D. madiskarte

5. Anong ginawa ng ina para matulungan ang kaniyang anak?


A. sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera
B. sa pamamagitan ng pagbibigay ng aral at wastong pag-uugaling dapat taglayin
C. sa pamamagitan ng pagbibigay payo upang mapagaan ang kalooban ng anak
D.sa pamamagitan ng pagbibigay paalaala sa kaniyang anak
IV. KASUNDUAN
Bilang isang mag-aaral, paano ka nakikitungo at nakikisama sa iyong kamag-aral?
Magbigay ng mga karanasang magsisilbing halimbawa at patunay.

You might also like