You are on page 1of 3

Date/Grade & Section: November 3-7, 2019

Learning Area : Filipino 7

Content Standard: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon

Performance Standard : Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting ) tungkol sa
kanilang sariling lugar

Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod na kakayahan:

a. F7PN-IIIa-c-13
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin, antala), at mga diberbal na
palatandaan (kumpas, galaw ng mata/ katawan, at iba pa) sa tekstong napakinggan
b. F7PB-IIIa-c-13
Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng bisang pandamdamin ng akda
c. F7PS-IIIa-c-13
Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong
at palaisipan

I. Paksang-Aralin : Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan/ Bugtong


Reference: Pinagyamang Wika at Panitikan 7 ni Jessie S. Setubal pahina 156-164
Nakalaang oras: 4 na oras
Kagamitan: aklat, laptop, LED TV
II. Method: 3 I’s Method
A. Introduksyon
*Panalangin
*Pagbati
*Pagpapaalala sa mga alituntunin
1. Pagbabalik-aral
Magkakaroon ng maikling pasulit tungkol sa nakaraang talakayan.
2. Pagganyak
Magpapakita ng iba’t ibang popular na babasahin at tatalakayin ito gamit ang gabay na tanong.
3. Paglalahad ng paksang-aralin at mga layunin
Sa tagpong ito ay tatalakayin natin ang Popular na babasahi, kaya makinig nang mabuti dahil sa
katapusan ng talakayan , kayo ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na kakayahan:
a. F7PN-IIIa-c-13
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin, antala), at mga diberbal na
palatandaan (kumpas, galaw ng mata/ katawan, at iba pa) sa tekstong napakinggan
b. F7PB-IIIa-c-13
Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng bisang pandamdamin ng akda
c. F7PS-IIIa-c-13
Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong
at palaisipan

Interaksyon

*Tatalakayin ang Ponemang Suprasegmental


1.Haba

2. Diin

2.1. malumay

2.2. mabilis

2.3. malumi

2.4. maragsa

3. tono

4. Hinto

* Tatalakayin ang komunikasyong di-berbal at ang pitong anyo nito. (oras, katawan, espasyo, pandama, larawan, pisikal
na anyo at mata)

*Babasahin at aalamin ang ilan sa mga halimbawa ng mga tulang panunudyo

*Aalamin at tatalakayin ang Tulang Panunudyo: Larawan ng Gawi at Kamusmusan

Integrasyon

1. Bakit itinuturing na panitikang-bayan ang mga tulang panunudyo? Ipaliwanag.

2. sa iyong palagay, may mabuti bang idudulot ang panunudyo sa kapwa? Patunayan.

IV.Assessment

Formative Assessment:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang tulang panunudyo? Magbigay ng iba pang halimbawa.

2. Paano nagiging pagbibiro ang panunudyo ? Ipaliwanag.

3. Paano naipapakita ng mga tulang panunudyo ang pagkamasiyahin at pagkamalikhain ng mga Pilipino? Patunayan.

4. Bakit kinasasangkapan ng ating mga ninuno ang mga tulang panunudyo bilang di-tuwirang pagwawasto sa gawi o ugali
ng isang indibidwal?

Summative Assessment:

Panuto:Gumawa ng makabago at sariling bersyon ng tulang panudyo na nagpapakilala sa pag-uugali ng kabataan sa


kasalukuyan. Gawin ito sa isang buong papel.

Nilalaman-20

Kalinisan-10

Pagkamalikhain - 10
V.Takdang-Aralin

Panuto: Sagutin ang katanungan sa Tuklas –Galing B na makikita sa pahina 164. Isulat ang inyong sagot sa iyong
kwaderno.

You might also like