You are on page 1of 18

PANGALAN:___________________________________________

FILIPINO 7
Wastong Paggamit ng Panandang Anaporik at Kataporik ng
Pangngalan
(Ikapitong Linggo)

Pangkalahatang Panuto:
-Basahin muna ang Weekly Home Learning Plan o WHLP para sa
patnubay ng mga dapat sagutan
-Dito na mismo magsasagot.
-Gumamit ng itim na tinta ng panulat sa pagsasagot.
-Isaalang-alang ang mga bantas sa pagsulat.
-Kung mayroong katanungan hinggil sa aralin maaring magpadala ng
mensahe dito 0912-282-0732

Layunin
✓ Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at
kataporik ng pangngalan (FWG-IIIh-i-16)

Panandang Anaporik at Kataporik


Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-
ugnay ang pangungusap na tinatawag na anaporik at kataporik.
1. Anaporik – isang paraan ng pag-uugnay na kung saan ang panghalip
na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa
unahan.

Halimbawa:
Ang matatanda sa pamilya ay dapat nating pahalagahan. Utang natin sa
ating magulang, lolo o lola ang ating mga buhay at kinabukasan. Sila ang
kumalinga sa atin noong mga bata pa tayo.
Ang pahayag na nasa itaas ay nagsasaad ng panandang anaporik dahil
ang “matatanda sa pamilya” na ginamit sa unang pangungusap ay
pangngalan at hinalilihan ito ng panghalip na “sila” sa ikalawang
pangungusap.
Pangngalan – tumutukoy sa ngalan ng tao, lugar, hayop, bagay, at
pangyayari.
Panghalip – ang mga salitang humalili o pamalit sa ngalan o pangngalan
na nagamit na sa parehong pangungusap o sa kasunod na pangungusap.

Narito ang iba pang halimbawa:


a. Ang kabataang Pilipino ay mahuhusay kaya’t sila ay parating angat sa
iba.
b. Malaki ang naitulong ni Pangulong Duterte sa pagsugpo sa ilegal na
droga, marapat lamang na siya ay parangalan.

2. Kataporik - isa pang paraan ng pag-uugnay na kung saan ang


panghalip na ginamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan.
PANGALAN:___________________________________________

Halimbawa:
Sila ay aking iginagalang. Sila ay nararapat na parangalan. Sila ang tunay
na matatalino lalo na sa pagdating sa karanasan. Sa matatanda sa pamilya
ko natutuhan ang maraming bagay. Ang mga lolo at lola kong aking
iniidolo.
Ang pahayag ay nagsasaad ng panandang kataporik dahil ang “sila” na
ginamit sa unang pangungusap ay panghalip at hinalilihan ito ng
pangngalang “lolo at lola” sa ikalawang pangungusap.

Narito ang iba pang halimbawa:


a. Sila ay parating angat sa iba dahil ang kabataang Pilipino ay
mahuhusay.
b. Marapat lamang na siya ay parangalan sapagkat malaki ang naitulong ni
Pangulong Duterte sa pagsugpo sa ilegal na droga.

✓ Sa bahaging ito, kailangan mong basahin ang balitang nasa ibaba


upang masagutan mo ang gawain.

Bagong Batas para sa Senior Citizens Isinulong


Philstar Online, Abril 15, 2012

Upang mas matulungan pa ang mga senior citizen sa bansa, isa na


namang panukalang batas ang isinusulong sa Senado na tatawaging
“Elder Law”.
Sa Senate Bill 3128 na inihain ni Senator Miriam Defensor- Santiago,
sinabi nito na nakasaad sa Konstitusyon na katungkulan ng pamilya na
pangalagaan ang matanda nilang miyembro, pero maaari rin itong gawin
ng gobyerno sa pamamagitan ng mg social security program.
Sinabi pa ni Santiago na kinikilala rin ng gobyerno na primary duty ng
pamilyang na alagaan ang matatanda pero may mga pagkakataong hindi
ito nagagampanan.
Mas dumarami na rin umano ang mga senior citizen na nasa below poverty
level o sobrang hirap na hirap sa buhay kaya marami sa mga ito ang
napababayaan, inaabandona, o inaabuso.
Kung ganap na magiging batas, itatayo ang Office of the Elderly o Office of
the Aging na bubuo ng mga programa para sa kalusugan at kapakanan ng
matatanda sa bansa.
Kabilang sa magiging trabaho ng Office of the Aging ang makipag-ugnayan
sa mga educational institutions upang makabuo ng mga kurso para sa mga
nag-aalaga sa mga matatanda. Dapat din umanong magkaroon ng pag-
aaral tungkol sa mga pangangailangan ng mga matatanda.
Ngayong nabasa mo na ang pahayagan na tungkol sa “Bagong Batas para
sa Senior Citizen Isinulong Philstar Online, Abril 15, 2012” ay hahasain mo
ang iyong kaalaman tungkol sa paggamit ng wastong pangngalan sa
pagbuo ng pangungusap.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Panuto : Suriin ang mga pahayag at


tukuyin kung ang pagpapahayag ay kataporik o anaporik.
PANGALAN:___________________________________________

1. Si Miriam Defensor Santiago ay nagsulong ng bagong batas para sa


mga senior citizen. Siya ay may malasakit sa kapwa. ______________
2. Sila ay handang mag-alaga sa matatanda sa bansa. Ang pamahalaan
ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan.
____________
3. Mapalad ang mga anak na nag-aalaga sa kanilang mga magulang. Sila
ay dapat na tuluran. _____________
4. Ang kanilang “uban” ay nagpapakita ng talino. Ito ang ebidensiya ng
maraming taon ng karanasan sa buhay. _______________
5. Huwag nating pabayaan ang matatanda sa pamilya. Ako at ang buong
pamilya ang mangangalaga sa kanila. ______________

✓ Sa yugtong ito, inaasahang natutunan mo ang mga kaalamang


dapat natamo sa aralin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag na nasa panandang anaporik
at gawin ito sa pahayag na nasa panandang kataporik.
1. Ang Senior Citizen Act ay malaking tulong sa matatandang mahihirap sa
buhay. Ito ang magbibigay proteksiyon sa kanila.

Kataporik : ________________________________________
2. Ang matatanda ay maraming pangangailangan. Ibigay natin sa kanila
ang mga pangangailangang ito.

Kataporik : ________________________________________
3. Mapagmahal ang aking mga magulang. Sila ay mabait.

Kataporik : ________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag na nasa panandang kataporik
at gawin ito sa pahayag na nasa panandang anaporik.
1. Siya ay may malaking malasakit sa matatanda. Si Miriam Defensor
Santiago ay nagsusulong ng bagong batas para sa mga senior citizen.

Anaporik :
_____________________________________________________
2. Sila ay dapat na maging magandang halimbawa sa kanilang mga apo.
Alagaan natin ang ating lolo at lola.

Anaporik :
_____________________________________________________
3. Sila ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan.

May mga ahensiya na handang mangalaga sa matatanda sa bansa.


PANGALAN:___________________________________________

Anaporik :
_____________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ipahayag ang iyong kaisipan at
damdamin tungkol sa mga ito ayon sa puntong reperensiyang makikita sa
kahon.

ANAPORIK KATAPORIK

Maikling Pagsusulit Week 7


A.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Punan ang patlang
ng angkop na panghalip upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat
ang titik ng sagot.

1. Ang “Elder Law” ay isa na namang panukalang batas na isinulong sa


Senado. ______ ay makatutulong sa mga senior citizen sa bansa.
a. Ako b. Ito c. Sila d. Sina

2. Ang Senate Bill 3128 ay inihain ni Senator Miriam Defensor- Santiago.


____ ang Konstitusyong nagsasaad ng katungkulan ng pamilya na
pangalagaan ang matandang miyembro.

a.Ako b. Ito c. Kanila d. Sila

3. Si Miriam Defensor Santiago ay nagsulong ng bagong batas para sa


mga senior citizen. _____ ay may malasakit sa kapwa
a. Ako b. Sila c. Sina d. Siya
PANGALAN:___________________________________________

4. Dumarami na rin ____ na nasa below poverty level o sobrang hirap na


hirap sa buhay. Kaya marami sa mga senior citizen ang napababayaan,
inaabandona, o inaabuso.
a. kanila b. sila c. sina d. siya

5. Itatayo ang Office of the Elderly o Office of the Aging kung ganap na
magiging batas. ____ang bubuo ng mga programa para sa kalusugan at
kapakanan ng matatanda sa bansa.
a. Ako b. Ito c. Kanila d. Sila

6. _____ ay handang mag-alaga sa matatanda sa bansa. Ang pamahalaan


ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan.
a. Ako b. Ito c. Sila d. Sina

7. Mapalad ang mga anak na nag-aalaga sa kanilang mga magulang.____


ay ating tularan.
a. Ako b. Ito c. Kanila d. Sila

8. Ang kanilang “uban” ay nagpakikita ng talino. _____ ang ebidensiya ng


maraming taon ng karanasan sa buhay.
a. Ako b. Ito c. Kanila d. Sila

9. ____ ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan.

May mga ahensiya na handang mangalaga sa matatanda sa bansa.


a. Ako b. Kanila c. Sila d. Sina
10. Sila ay dapat na maging magandang halimbawa sa _____ mga apo.
Alagaan natin ang lolo at lola.
a. itong b. kanilang c. silang d. tayong

B.Panuto: Suriin kung ang pahayag ay anaporik o kataporik.

1. Si Ariel ang may-ari ng malaking tindahan sa Plaridel. Siya ay mayaman


sa kanilang bayan.
Sagot: _______________
2. Mayroong magagandang tanawin sa Pilipinas. Maraming turista ang
pumunta rito.
Sagot: _______________

3. Siya ang namuno nang may katapatan sa sinumpaang serbisyo. Si


Jessica ay huwarang pinuno sa kanilang bayan.

Sagot: _______________
4. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang
turismo.

Ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.


PANGALAN:___________________________________________

Sagot: _______________
5. Ang terorismo ay ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo.

Ito ay patuloy na sinusugpo.


a. Sagot: _______________

Performance Task:
Panuto: Unawain at suriin ang pahayag na nasa ibaba. Gumawa ng
pangungusap ng anaporik at kataporik na pamamaraan ng pagpapahayag.

ANAPORIK KATAPORIK

Sa kanyang panunungkulan, pinatunayan ni Pangulong Rodrigo Roa


Duterte na kaya niyang pahintuin ang mga illegal na gawain upang
umunlad ang ating bansa.

FILIPINO 7
Pagsusuri sa mga Salitang Ginamit sa Pagsulat ng Balita Batay sa
Halimbawang Napakinggan
(Ikawalong Linggo)

Layunin
a. Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa
napakinggang halimbawa (F7PN-IIIj-17)
Naisaalang-alang ang mga dapat tandaan sa pagpili ng angkop na salita
sa pagsulat ng balita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Panuto: Tingnang mabuti ang larawan sa ibaba. Ibigay ang iyong sariling
pananaw tungkol sa larawan at tukuyin kung ano ang mensaheng dala nito.

______________________________________

______________________________________

______________________________________
PANGALAN:___________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang
initiman sa pangungusap na nasa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. sitwasyong protektado sa lahat ng aspeto a. epidemya
2. labis na pagkalat ng malubhang sakit b. kaligtasan
3. maaaring ang ibig sabihin nito ay lason c. porsiyento
4. pagsunod sa mga alituntunin upang makaiwas d. virus
sa kahit anong aksidente e. proteksiyon
5. bahagdan sa kabuuang bilang f. malala

Alam mo ba kung ano ang


pagsusuri?
Ang pagsusuri ay malalimang pag-unawa
sa teksto at prosesong paghihimay ng
isang paksa.
Ang pagsusuri ay proseso ng paghihimay ng
isang paksa upang makatanggap ng isang
mas mainam na pagkaunawa rito.
Mahalaga ang pagsusuri sapagkat lalo mo
pang mapalalawak ang iyong pag-unawa sa
nilalaman ng teksto. Maliban dito, mahalaga
rin angpagpili ng angkop na salita sa
pagsulat ng balita.

Mga dapat tandaan sa pagpili ng angkop na salita o pangungusap sa


pagsulat ng isang balita.
1. Huwag maging paligoy-ligoy.
2. Huwag gumamit ng matalinghagang salita.
3. Huwag na huwag maglalagay ng sariling opinyon.
4. Isulat ang pawang katotohanan lamang at banggitin ang mga lehitimong
pinanggalingan ng mga impormasyon o datos.
5. Siguraduhing malinaw at tiyak ang ginagamit na salita.

Physical distancing, malaking bagay para 'di mahawa ng COVID-19,


ayon sa isang pag-aaral
Inihayag ng isang grupo ng public physicians ang kahalagahan ng physical
distancing ngayong panahon ng pandemya para hindi mahawa ng
coronavirus disease 2019 (COVID-19). Mas malayo sa isa't isa, mas
mabuti para sa kaligtasan kontra sa virus.
Sa ulat ni JP Soriano sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabi ng
Philippine Society of Public Health Physicians (PSPHP), na ang isang
PANGALAN:___________________________________________

metro na physical distancing ay katumbas ng 82 porsiyento ng tiyansa na


hindi mahawaan ng virus.
Samantalang kung dalawang metro naman ang layo sa isa't isa, 91
porsiyento na ang pag-asang maging ligtas sa hawaan. Nasa 96 porsiyento
naman ang tiyansang maging ligtas sa COVID-19 kapag tatlong metro ang
layo.

Makatutulong din para mapataas pa ang tiyansang hindi mahawaan ng


virus kung magsusuot ng face mask at face shield, ayon sa PSPHP.
Ang N-95 mask umano ay makapagbibigay ng 96 porsiyento ng protection
level sa isang tao, habang mas mababa naman ang protection level sa 67
porsiyento sa mga face mask na gawa sa tela o hindi N-95.
Makadadagdag naman ng proteksiyon (78 porsiyento) na panlaban sa
virus ang pagsusuot ng eye shield o eye protection. Mas ligtas din daw sa
virus kung nasa open area ang tao.
"Kung lahat 'yan combined... 99.9 percent reduction in transmission. Kung
[mask] lang, 67, 'wag malungkot kasi nag-mask ka, may shield, 93 percent
[protection], pa'no pa kung nagdistansya ka, 99 percent [reduction], "
paliwanag ni Dr. Romelei Alfonso ng PSPHP.
Nauna nang nagpaalala ang Department of Health (DOH) at maging ang
mga lokal na pamahalaan sa kahalagahan ng physical distancing at
pagsusuot ng face mask para mapigilan ang pagkalat ng virus.

--FRJ, GMA News


Hulyo 16, 2020 12:01am GMT+08:00

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang titik
ng sagot.
1. Gaano kahalaga ang pagsunod sa payo ng DOH para maiwasan ang
COVID-19?
a. Hindi kailangan ang social distancing sa mga liblib na lugar .
b. Walang kinalaman ang pagtitipon-tipon ng mga tao sa pagkalat ng sakit.
c. Malaki ang porsiyentong makaiwas sa sakit kapag sumusunod sa
protocol.
d. Mabubuhay ang mga tao kapag may social distancing.

2. Inihayag ng isang grupo ng public physicians ang kahalagahan ng


physical distancing ngayong panahon ng pandemya para hindi mahawaan
ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Angkop ba ang paggamit ng
salitang PANDEMYA sa balita? a. Hindi, dahil sakit lang ito na kumakalat
sa buong Pilipinas.
b. Oo, dahil ito ang sakit na kumakalat sa buong mundo.
c. Oo, dahil ito’y narinig natin sa radyo at telebisyon.
d. Hindi, inihayag lang ito ng isang grupo.

3. Inihayag ng isang grupo ng public physicians ang kahalagahan ng


physical distancing ngayong panahon ng pandemya para hindi mahawaan
PANGALAN:___________________________________________

ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ano ang ibig sabihin ng


PANDEMYA sa pangungusap?
a. Nakahahawang sakit na kumakalat sa buong populasyon.
b. Sakit na nakahahawa sa isang komunidad.
c. Sakit na kumakalat sa buong mundo.
d. Lahat ng mga nabanggit.

4. Ano ang iyong masasabi sa nabasang balita ayon sa dapat tandaan sa


pagpili ng angkop na salita sa pagsulat ng balita?
a. Kadalasan sa mga salitang ginamit ay payak.
b. Perpekto at tama ang ginamit na mga salita sa balita.
c. Naging makatotohanan ang balita batay sa mga salitang ginamit.
d. Ang mga salitang ginamit ay kadalasang hango sa salitang ingles.

5. Alin sa mga sumusunod ang lehitimo o makatotohanang pahayag?


a. Mas malayo sa isa't isa, mas mabuti para sa kaligtasan kontra sa
dengue.
b. Mas ligtas din daw sa virus kung nasa closed area ang tao.
c. Makatutulong din para mapataas pa ang tiyansang hindi mahawaan ng
dengue kung magsusuot ng face mask.
d. Makatutulong din para mapataas pa ang tiyansang hindi mahawaan ng
virus kung magsusuot ng face mask at face shield, ayon sa PSPHP.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Panuto: Panoorin ang isang balita mula sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=bDc7PRD6XaI o basahin ang nilalaman
ng balita na nasa loob ng kahon. Suriin ang balita batay sa mga dapat
tandaan sa pagpili ng salita sa pagsulat ng balita.
MAYNILA - Sugatan ang isang drayber matapos sumalpok ang
minamaneho niyang sasakyan sa hilera ng mga concrete barriers sa
EDSA-Kamuning Fly-over sa Quezon City, Huwebes ng hatinggabi.
Sa lakas ng pagkakasalpok sa mga barrier ay tumagilid ang sasakyan ni
Dominador Velasco at humambalang ito sa isang Northbound lane ng fly-
over. Nasira rin ang nasa 3 concrete barriers.
Ayon kay Patrolman Emmanuel Loyola na nakakita sa aksidente, pauwi na
siya mula duty at binabaybay ang fly-over nang makita niyang bumangga
sa barriers ang sasakyan na minamaneho ni Dominador Velasco. Hindi
aniya ganun kabilis ang takbo ng sasakyan.
Nakausap ni Loyola umano ang driver at sinabi sa kanya nito na may
nakausling barrier kaya nabangga niya ito.
Nagtamo ng minor injuries si Velasco at agad naman nalapatan ng
paunang lunas.
Agad din rumesponde ang Metropolitan Manila Development Authority para
maalis ang nakahambalang sasakyan.
https://www.youtube.com/watch?v=bDc7PRD6XaI
PANGALAN:___________________________________________

1. Makatotohanan ba ang mga pahayag na ginamit sa nabasang balita?


Ipaliwanag.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________
2. Batay sa balitang nabasa, may pagkakataon bang naging paligoy-ligoy
ang mamamahayag sa kanyang pagbabalita? Bakit?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________
Maikling Pagsusulit Week 8
I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
titik ng sagot.

1. Ayon sa mga dalubhasa, paano napapasa ang sakit na COVID-19?


a. Mula sa bibig o ilong na tumalsik kapag umuubo o bumahing
b. Mula sa pag-inom ng maruming tubig
c. Mula sa mga alagang hayop
d. Mula sa kagat ng lamok

2. Ang mga sumusunod ay ang may pinakamalaking porsiyento na


mahahawaan ng sakit na COVID-19, MALIBAN SA…
a. Mga matatanda lalo na iyong nasa edad ng 70 anyos.
b. Laging nag-eehersisyo at umiinon ng bitamina
c. Mga bata at may mga sakit
d. Mga buntis

3. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na halimbawa ng social


distancing?
a. Isang metro ang layo sa isa’t isa.
b. Isang pulgada ang layo sa isa’t isa.
c. Isang dangkal ang layo sa isa’t isa.
d. Isang sentimetro ang layo sa isa’t isa.

4. Paano pinapatupad ng pamahalaan ang social distancing lalo na sa mga


matataong lugar?
a. Mahigpit na pagbabantay at pagbibigay ng mga pangunahing
pangangailangan.
b. Mahigpit na pagbabantay at pagpapatupad ng mga multa.
c. Paggawa ng mga ordinansa laban sa COVID-19.
d. Paglunsad ng Martial Law sa Mindanao.

5. Ano ang ginawa ng palasyo o ng mga kawani ng gobyerno upang


matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa panahon ng pandemya?
a. Nagtago sa kani-kanilang mga bahay
b. Nagpunta sa malayong lugar upang makaiwas sa sakit
PANGALAN:___________________________________________

c. Namigay ng ayuda para pantustos sa pangunahing pangangailangan.


d. Naghanap ng paraan upang matugunan ang daing ng mamamayan sa
panahon ng pandemya.

6. Ano ang nais iparating ng balita sa mambabasa? Makatotohanan ba ang


pahayag na ito?
a. Oo, dahil may lehitimong pinanggalingan ng mga impormasyon at datos.
b. Oo, dahil ito’y nagpahayag ng sariling opinyon.
c. Oo, dahil gumamit ng matalinghagang salita.
d. Oo, dahil gumamit ng paligoy-ligoy na salita.

7. Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng balita


maliban sa…
a. Huwag maging paligoy-ligoy.
b. Huwag maglagay ng sariling opinyon.
c. Gumamit ng mga matalinghagang salita.
d. Ang isulat ay pawang katotohanan lamang.

8. Anong salita ang ginagamit sa pagsulat ng balita?


a. Matalinghaga c. Payak
b. Banyaga d. Lalawiganin

9. Physical distancing, malaking bagay para di mahawa ng COVID-19,


ayon sa isang pag-aaral, halimbawa ng balitang…
a. Di napapanahong isyu c. Napapanahon
b. Binalikang balita d. Paunang balita

10. Sa panahon ngayon, dapat bang pagkatiwalaan ang lahat ng mga


balitang mababasa sa ―social media‖?
a. Oo, kung ito ay may pinagbabatayan.
b. Oo, sapagkat ito na ang pinakabagong paraan upang makakuha ng
impormasyon ang mga tao.
c. Hindi, sapagkat lahat ng mababasa sa social media ay mula lamang sa
opinyon ng mga tao.
d. Hindi, sapagkat hindi lahat ng mababasa sa social media ay lehitimo ang
pinanggagalingan.

11. Ayon sa balitang nabasa, ilang porsiyento ng protection level ang


maibibigay ng N-95 mask?
a. 95% c. 96%
b. 70% d. 99%

12. Ano ang kahalagahan ng Physical distancing ngayong panahon ng


pandemya ayon sa isang grupo ng public physicians?
a. para hindi mahawan ng COVID-19
b. para lumakas ang pangangatawan
c. para maiwasan ang tsismis
d. para mapanatiling masigla
PANGALAN:___________________________________________

13. Anong kagamitan ang nakakatulong upang mapataas ang tiyansang


hindi mahawaan ng virus ayon sa PSPHP?
a. pagsusuot ng face shield at face mask
b. pagsusuot ng face shield at PPE
c. pasusuot ng PPE at N-95 mask
d. pagsusuot ng jacket at helmet

14. Anong ibig sabihin ng acronym na ―PSPHP?‖


a. Philippine Safety of Public Health
b. Philippine Society of Public Health
c. Philippine Security of Public Health
d. Philippine Society of Public Houses

15. Ayon sa balitang nabasa, ilang porsiyentong ligtas sa COVID-19 kung


nakasuot ng face shield at face mask sa matataong lugar?
a. 95% b. 70% c. 96% d. 99.9%

Performance Task
Gawain
Panuto: Mula sa balita, suriin ang mga salitang ginagamit nito. Gawing
gabay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng balita.
DOH, IATF, Namahagi ng Face Mask, Face Shield sa publiko

MANILA, Philippines — Umapela si Sen. Bong Revilla sa Department of


Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging
Infectious Diseases na mamahagi ng mga face mask at face shield sa
publiko.

Marami na umano sa ating mga kababayan na marumi na ang face mask


subalit patuloy pa rin itong ginagamit dahil sa walang pambili.

Upang masiguro na hindi magkahawaan ang mga tao, ang gobyerno na


mismo ang namahagi ng face mask at face shield.
https://matangapoy.blogspot.com/2019_01_03_archive.html

1. Makatotohanan ba ang mga pahayag na ginamit sa nabasang balita?


Ipaliwanag.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Batay sa balitang nabasa, nagbigay ba ng sariling opinyon ang


nagbabalita? Bakit?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
PANGALAN:___________________________________________

ESP 7
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal-
bokasyonal, Sining o Isports, Negosyo o Hanapbuhay
(Ikapito-Ikawalong Linggo)

Pangkalahatang Panuto:
-Basahin muna ang Weekly Home Learning Plan o WHLP para sa
patnubay ng mga dapat sagutan
-Dito na mismo magsasagot.
-Gumamit ng itim na tinta ng panulat sa pagsasagot.
-Isaalang-alang ang mga bantas sa pagsulat.
-Kung mayroong katanungan hinggil sa aralin maaring magpadala ng
mensahe dito 0912-282-0732

Layunin:
• Naipaliliwanag na mahalaga ang
a. pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nagsisilbing gabay
sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay
at matupad ang mga pangarap
b. pagtutugma ng mga personal na salik at mga kailanganin (requirements)
sa pinaplanong kursong akademiko o teknikalbokasyonal, sining o isports,
negosyo o hanapbuhay upang magkaroon ng makabuluhang negosyo o
hanapbuhay, maging produktibo at makibahagi sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa
c. pag-aaral ay naglilinang ng mga kasanayan, pagpapahalaga, talento at
mga kakayahang makatutulong, sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay,
negosyo o hanapbuhay
• Naisasagawa ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng
mga minimithing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay batay sa pamantayan sa pagbuo ng Career Plan gamit
ang Goal Setting at Action Planning Chart**

Week 7 EsP7PB-IVb-13.3 Week 8 EsP7PB-IVb-13.2

Panuto: Sabi nga nila, lahat ng tao ay may


pangarap at nag-aaral ka ngayon para maabot ang mga ito. Gumawa
ng isang simpleng tula o spoken poetry na nagpapakita ng pagkilala na
ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo sa
makabuluhan at maligayang buhay. Gawing batayan ang rubrik sa ibaba
at isulat ito sa dilaw na contruction paper.
PANGALAN:___________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Sa unang markahan ay sinukat mo ang


iyong mga kakayahan, kahinaan, at mga hilig o interes. Nagbalangkas ka
rin ng mga hakbang upang mapaunlad ang mga hilig at mapalakas ang
iyong mga kahinaan. Sa ikaapat na markahan ay inaasahang mayroon ka
nang mga naging paglago sa mga salik na ito. Ngayon ay gumawa ng ulat
ng iyong pag-unlad sa pagsasagawa ng mga hakbang na ito gamit ang
gabay na halimbawa sa ibaba. (Dito na Magsagot)

PANSARILING SALIK
1. TALENTO AT KAKAYAHAN
▪ Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan. Sa kabilang dako,
ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual power) upang
makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika o
kakayahan sa sining.
▪ Ang kakayahan naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa
kaniyang intellect o kakayahang mag- isip.
MULTIPLE INTELLIGENCES THEORY (DR. HOWARD GARDNER)
✓ ang bawat tao ay maaaring magtaglay ng higit sa isang talino/talento.
a. Visual/Spatial – arkitekto, pintor
b. Logical/Mathematical – computer engineer, scientist
c. Verbal/Linguistic – manunulat, abogado
d. Musical/Rhythmic – DJ, song composer
e. Bodily/Kinesthetic – ballet dancer, sundalo, surgeon
PANGALAN:___________________________________________

f. Interpersonal – social worker, guro


g. Intrapersonal – researcher, novelist
h. Naturalist – farmer, clerk, agriculturist
i. Existentialist – theorist, philosopher

2. INTERES O HILIG
▪ ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang
gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.
MGA IBAT IBANG URI HILIG
a. Outdoor - Nasisiyahan sa mga gawaing sports pang-outdoor
b. Mechanical - Nasisiyahan sa paggamit ng mga tools.
Paggawa ng mga bagay (hal.: silya) gamit ang martilyo at
lagare
c. Computational - Nasisiyahan na gumawa ng gamit
d. Scientific - Bagong kaalaman, pagdisenyo
e. Persuasive - Nasisiyahan sa pakikipagugnayan sa ibang tao o
klase
f. Artistic - Nasisiyahan sa pagdidisenyo
g. Literary - Nasisiyahan sa pagbabasa
h. Musical - Nasisiyahan sa pakikinig o musical instruments
i. Social Services-Nasisiyahang tumulong sa kamag-aral sa
j. Clerical - Nasisiyahan sa gawaing pang opisina

3. PAGPAPAHALAGA
Ang pagkakaroon natin ng interés o pagkahilig sa isang gawain ay
nababatay sa ating mga pagpapahalaga. Maraming mga pakahulugan
(interpretations) sa pagpapahalaga. Ayon kay Esteban (1989), maaaring
pangkatin sa dalawa ang mga ito:
a. Nagmula sa labas ng sarili o batay sa “absolute moral values” kung saan
ay nasasakop at napapailalim ang lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
saan man siya naroon.
b. Nagmumula sa loob ng sarili o “behavioral values” na maaaring batay o
ayon sa pananaw at mga karanasan ng tao o batay sa kolektibong
pananaw ng pangkat kultural. Para kay Abiva (1993), ang pagpapahalaga
ang humuhubog sa kakayahan ng tao na piliiin ang tama o mali. Ito rin ang
nagdidikta kung ano ang maganda, mahusay at kaibig-ibig na mga bagay
sa buhay.
4. MITHIIN
▪ Ang mithiin o “goal” ay ang tunguhin o pakay na iyong nais na marating o
puntahan sa hinaharap. Sa simpleng salita, ito ang nais mong mangyari sa
iyong buhay balang araw.
PANGALAN:___________________________________________

ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAKDA NG MITHIIN


a) TIYAK (SPECIFIC)
✓ Tiyak ang iyong mithiin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais
na mangyari sa iyong buhay.
b) NASUSUKAT (MEASURABLE)
✓ Halimbawa: Pagpili ng kurso sa kolehiyo

✓ Una, nasusukat mo ang iyong kakayahang kumuha ng kursong nais mo.


Sapat ba ang iyong mga marka upang kunin ang kursong ito? Sumunod,
sapat ba angiyong perang gugulin para sa pagkuha ng kursong ito?
c) NAAABOT (ATTAINABLE)
✓ Ang mithiin ay makatotohanan, maaabot at mapanghamon.
d) ANGKOP (RELEVANT)
✓ Halimbawa, angkop ba ang iyong mithiing maging isang doktor? Kung
ang iyong layunin ay matugunan ang pangangailangan sa inyong
pamayanan, angkop ito. Ngunit angkop pa rin ba ito kung ikaw ay
panganay at ang iyong mga magulang at kapatid ay umaasang giginhawa
ang kanilang buhay kung makatapos ka ng pagaaral?
e) TIME-BOUND
✓ Isipin mo kung gaano katagal mo kayang matupad ang iyong mithiin.
f) MAY ANGKOP NA KILOS (ACTION-ORIENTED)
✓ Ang pagpapahayag ng mithiin ay kailangang nasa pangkasalukuyang
kilos (present tense).
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Basahin at unawain ang mga tanong at
piliin ang tamang sagot.
1. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ito ang
naggaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.
a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin
2. Sa kabilang banda, ito ay kalakasan (“power” o mas akma, “intellectual
power”) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad sa musika o
sa sining. Ito ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang intellect o
kakayahang magisip.
a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin
3. Siyang nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging
kanais-nais, kaiga-igaya, kahanga-hanga o kapaki- pakinabang. Mga
motibo upang piliin ang isang hakbangin o pasya. (Hall, 1973)
PANGALAN:___________________________________________

a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin


4. Ito ay ang pinakatunguhin o pinakapakay ng iyong nais na marating o
puntahan sa hinaharap. Sa simpleng salita, ito ang nais mong mangyari sa
iyong buhay sa hinaharap.
a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin
5. Isa sa mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin ang pagkakaroon ng tuon
sa nais nating maabot, may kasiguruhan at pinag-isipan.
a. Tiyak o Specific
b. Nasusukat o Measurable
c. Naabot o Attainable
d. Angkop o Relevant
e. May itinakdang panahon o time-bound
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong
mga sagot sa sumusunod na katanungan.
1. Iba’t iba ang mga motibasyon o dahilan sa pagpili ng kurso o negosyong
tatahakin. Ano ang mga salik na maaring nakakaapekto o nagsusulong
nito.
a. Halimbawa: Hilig o Interes
b. _______________
c. _______________
d. _______________
2. Nakaiimpluwensya ba ang mga kakayahan, kahinaan, pagpapahalaga at
hilig o interes sa iyong pagkakamit ng mga mithiin sa buhay? Ipaliwanag.
3. Makatutulong ba ang kaalaman sa iyong mga kakayahan, kahinaan,
pagpapahalaga at hilig o interes sa pagkakamit ng mithiin sa buhay?
Ipaliwanag.
4. Bukod sa mga pansariling salik mayroon pa bang ibang mga salik na
dapat isaalang-alang sa pagpili ng kursong pang- akademiko o teknikal-
bokasyonal o negosyo? Anu-ano ang mga ito?
Hindi isang bahagi lamang ng buhay ang dapat isaalang-alang sa
pagtatakda ng mga mithiin at pagbabalangkas ng plano sa pagtatamo ng
pangarap sa buhay. Lahat ng aspeto ng buhay ay dapat na mabigyang
tuon.
PERFORMANCE TASK: Sa ibabang bahagi, gumawa ng isang Goal
Setting and Action Planning Chart. Gamit ang Goal Setting and Action
Planning Chart ay isulat ang iyong itinakdang mithiin para sa pagbubuo ng
karera o negosyo. Katapat nito ay itala ang mga hakbangin na isasagawa
upang makamit ang mithiin. Gayon din ang gawin para sa Pag-aaral,
Pamilya at Personal (Pangkatawan, Pangkaisipan, at pang-ispiritwal).
PANGALAN:___________________________________________

You might also like