Professional Documents
Culture Documents
Title : ALAMAT
Subject : Filipino 8
Subject Teacher : Mikko L. Domingo
Course Objective:
Pakikinig
Pag-unawa sa Binasa
1. Tauhan
1. Tagpuan
1. Saglit na kasiglahan
1. Kasukdulan
o Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
1. Kakalasan
1. Katapusan
1. Simula
o Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at
ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng
pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
2. Gitna
o Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na
kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay
nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan
ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.
3. Wakas
Noong araw, ang bigas ay hindi kilala rito sa ating bayan. Ang kinakain ng ating mga ninuno ay
mgabungangkahoy, gulay, isda, ibon at mga maiilap na hayop na kanilang nahuhuli sa kagubatan.
Hindi sila marunong magbungkal ng lupa. Hindi rin sila marunong mag-alaga ng hayop.
Kapag sa isang pook na tinitigilan nila ay wala na silang makuhang isda, gulay, bungangkahoy at mga hayop
ay lumilipat sila sa ibang pook.
Maligaya sila sa ganoong pamumuhay. Samantalang ang mga lalaki ay nangangahoy o kaya’y namamana ng
ibon. Ano man ang pagkaing makuha ay pinaghahatian ng lahat.
Isang pulutong ng mga mangangaso ang nakarating sa kabundukan ng Cordillera dahil sa paghabol sa isang
baboy-ramo. Dahil sa matinding pagod sila ay nagpahinga sa lilim ng isang malaking puno. Mataas na noon
ang araw. Nakaramdam na sila ng kaunting pagkagutom.
Isang lalaki at babae ang may anyong di pangkaraniwan ang natanawan nilang papalapit sa kanila.
Kinabahan ang mga mangangaso. Iyon ay ang mga Bathalang naninirahan sa bundok na yaon at dali-dali
silang nagtindig at nagbigay galang sa bagong dating. Natuwa ang mga Bathala sa kanilang pagiging
mapitagan.
Kinamusta sila at tuloy inanyayahan sa piging ng mga Bathala. Hindi tumanggi ang mga mangangaso at
sumunod sila sa mga Bathala. Naghanda ng pagkain ang mga alagad ng Bathala at sila ay nagsitulong. Isang
Bathala ang lumapit sa kanila. Kumuha ito ng kaputol na kawayan at tinuhog ang piraso ng mga katay na
hayop. Inilagay ito sa ibabaw ng baga.
May mga bigas sa kawa sa apoy ng utusan ng mga Bathala. Ang laman ng kawa ay mapuputing butil at
pinagtumpok-tumpok sa mga dahon ng saging sa hapag kainan. Sa bawat tumpok ay naglagay ng inihaw na
laman ng hayop, mga gulay at bungangkahoy. Naglagay rin sila ng giyas ng kawayang may lamang malinaw
na tubig. Iyon ay alak ng Bathala.
Nag-atubili ang mga mangangaso at sinabing hindi sila kumakain ng uod. Natawa ang mga BathalaIyang
mapuputing butil na inyong nakikita ay hindi uod kundi kanin o nilutong bigas. Bunga iyon ng halamang-
damong inalagaan dito.
Tinikman nila ang kanin at sila ay nasiyahan at ang nanghihina nilang katawan ay biglang lumakas.
Pagkatapos ng piging sila ay nagpasalamat at nagpaalam na. Nang sila ay papaalis na ay binigyan sila ng tig-
iisang sakong palay.
Itinuro ng Bathala ang paraan na dapat gawin para ito ay maging bigas at tuloy maisaing. Itinuro din ang
pagtatanim. Sumunod ang mga tao.
Kaya mula noon, ang bigas ay nakilala na ng ating mga ninuno; natuto silang magbungkal ng lupa, mag-alaga
ng hayop at magtayo ng mga tahanang palagian.
-The End-
1. _____________Tauhan Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng
bawat isa.
2.______________ Tagpuan
oInilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan
ito nangyari.
3.______________Saglit na kasiglahan
Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin
4.______________ Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
5.______________ Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6.______________Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan.
7.______________ Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.
8.______________ Simula
Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang papel
na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay
inilalarawan din sa simula.
9.______________ Gitna
Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o
pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o
hindi ang tauhan.
10.______________Wakas
Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.
ACTIVITY/OUTPUT
Ikaw ay isang sikat na manunulat kung saan naatasan ka gumawa ng isang ALAMAT tungkol sa napapanahong
isyu sa ating bayan. Ikaw ay pupuntusan batay sa pagtatasang ginawa ng guro.
100% Total