You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Ika-5 ng Hunyo 2018

Tema: Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Mindanao

B. Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong


panturismo.

C. Kasanayang Pagkatuto: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na


pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan.

F7PN-Ia-b-1

I. LAYUNIN Nalalaman ang mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar sa


binasang kuwentong bayan na “Ang Pilosopo”.

Nakapagbabahagi sa pamamagitan ng kolaboratibong gawain ng


kuwento tungkol sa kababalaghan o di-kapani-paniwalang karanasan.

II. NILALAMAN

Paksa: Kuwentong Bayan: Ang Pilosopo (Kuwentong Maranao)

II. KAGAMITANG PANTURO

Libro, Biswal Eyds, Chalk.

Sanggunian: Supplemental Filipino High School Grade 7 Q1 (REX


Interactive)

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


Pagpangkat-pangkatin ang klase sa apat. Mula sa bawat pangkat ay
ipasulat sa bawat isa ang mga kababalaghan o mga di-kapani-paniwala
(supernatural) na kanilang naranasan. Pagkatapos ay ilalahad ito sa
klase.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.


1. Mula sa mga impormasyong inilahad ng bawat pangkat, ano ang
napansin ninyong pagkakaiba at pagkakapareho ng mga detalye?
2. Bakit mayroong mga hindi naniniwala sa mga ganoong pangyayari?
D. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan
Ang mga kuwentong bayan o poklor ay mga kuwentong nagmula sa
bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang ito ay
nagpapakita ng katutubong kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar,
hayop, o pangyayari na doon lamang nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong
bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.
E. Paglinang sa Kabihasaan
Pakikinig: Babasahin sa klase ang akda habang ang mga mag-aaral ay
sinusundan ng tingin ang pagbabasa sa kanilang mga kopya.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-raw na buhay


Bakit mahalagang sumunod tayo sa mga tuntunin sa ating paaralan?

G. Paglalahat ng Aralin

Batay sa ating binasa at tinalakay, ano ang mga magagandang


kinalalabasan ng pagsunod sa mga nakatakdang tuntunin (paaralan,
bahay, lipunan)? Ano ang moral lesson ng kuwento?

H. Pagtataya ng Aralin

Magtala ng tatlong kaugaliang mahihinuha mula sa kuwentong


nabasa/napakinggan
I. Takdang-Aralin

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng _________ puntos.


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng remediation
C. Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Pagninilay ng guro estratehiyang pagtuturo

Inihanda ni:

Vincent Jake E. Naputo


Grade 7 – Filipino Teacher

You might also like