You are on page 1of 1

Pagsasanay sa Filipino

c 2013 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com


Pangalan

Petsa

Marka

20

Mga sagot sa Pagpili ng tamang pangatnig


Panuto: Salungguhitan ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong.
1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan masira
ang mga ngipin.
2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro
ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng Lupang Hinirang (hanggang, habang, parang) itinataas ang
watawat ng Pilipinas.
5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.
6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon bukas.
7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa pinto.
8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?
9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling kuwento.
10. Tumakbo nang tumakbo ang usa (hanggang, habang, samantalang) nakarating ito sa
gitna ng gubat.
11. Naglalaro ang anak niya sa labas (pero, para, habang) may kinakausap siya sa telepono.
12. Tumigil ang pag-iyak ng bata (nang, bagamat, subalit) bumalik ang kanyang ina.
13. Tumawag ako sa bahay ni Tess (upang, ngunit, kapag) hindi pa raw siya umuuwi galing
eskuwelahan.
14. Tatawag muli si Alma (kasi, bago, para) makausap ka tungkol sa proyekto ninyo.
15. Gusto pa rin nilang maglaro ng basketbol (dahil, kahit, para) gumagabi na.
16. Alin ang mas gusto mong gawin, manoood ng sine (habang, o, kung) kumain sa labas?
17. (Sapagkat, Ngunit, Bagamat) mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng guro.
18. Matalinong bata si Jaime (subalit, upang, kaya) hindi mataas ang marka niya sa
nakaraang pagsusulit.
19. Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo (kasi, hanggang, samantalang) inaaksaya mo lang ang perang bigay nila sa iyo.
20. (Subalit, Bagamat, Dahil) nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya ng trabaho
upang makatulong sa pamilya.

You might also like