You are on page 1of 1

BUOD NG NYEBENG ITIM

Nabilanggo noon si Li Huiquan ngunit nakalaya na. Gayunman, kahit wala na sa loob ng piitan ay
tila bilanggo pa rin siya ng mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isipan.

Isa na rito ay ang kalungkutang nadarama sa pagkawal ng ina. Labis siyang nababalisa tuwing
maaalalang wala na siyang pamilya.

Upang maibaling ang atensiyon sa ibang bagay, ninais niyang magtinda na lamang ng prutas. Ito
na ang hudyat na nais na niyang magbagong buhay.

Ngunit hindi naaprubahan si Huiquan bilang tagatinda ng prutas dahil puno na. Dahil desidido,
kahit ano na lamang ay ititinda niya. Napagdesisyunan niyang damit na lamang ang ibenta.

Napahintulutan na si Huiquan. Naging abala siya sa pagbili ng materyales para sa kaniyang


karitong gagamitin. Siya rin mismo ang gumawa nito na ginawa niya hanggang Bagong Taon.

Sa ikalimang araw ng bagong taon, nag-umpisang lumakas ang benta ni Huiquan. Marami
siyang naipagbiling mga damit na umabot sa dalawampung piraso.

Ngunit sa mga sumunod na araw ay lumamlam ang benta ni Huiquan. Hindi siya nawalan ng
pag-asa. Isang araw ay nakapagbenta siya ng mga kasuotang makakapal para sa apat na
karpintero na nagbigay init sa nilalamig na mga manggagawa. Dito namulat si Huiquan na ang
oportunidad ay kumakatok kaninuman, kailanman.

You might also like