You are on page 1of 1

Niyebeng itim

Nabilanggo noon si Li Huiquan ngunit nakalaya na. Gayunman, kahit wala na sa


loob ng piitan ay tila bilanggo pa rin siya ng mga bagay na tumatakbo sa
kaniyang isipan.

Isa na rito ay ang kalungkutang nadarama sa pagkawal ng ina. Labis siyang


nababalisa tuwing maaalalang wala na siyang pamilya.

Upang maibaling ang atensiyon sa ibang bagay, ninais niyang magtinda na


lamang ng prutas. Ito na ang hudyat na nais na niyang magbagong buhay.

Ngunit hindi naaprubahan si Huiquan bilang tagatinda ng prutas dahil puno na.
Dahil desidido, kahit ano na lamang ay ititinda niya. Napagdesisyunan niyang
damit na lamang ang ibenta.

Napahintulutan na si Huiquan. Naging abala siya sa pagbili ng materyales para sa


kaniyang karitong gagamitin. Siya rin mismo ang gumawa nito na ginawa niya
hanggang Bagong Taon.

Sa ikalimang araw ng bagong taon, nag-umpisang lumakas ang benta ni


Huiquan. Marami siyang naipagbiling mga damit na umabot sa dalawampung
piraso.

Ngunit sa mga sumunod na araw ay lumamlam ang benta ni Huiquan. Hindi siya
nawalan ng pag-asa. Isang araw ay nakapagbenta siya ng mga kasuotang
makakapal para sa apat na karpintero na nagbigay init sa nilalamig na mga
manggagawa. Dito namulat si Huiquan na ang oportunidad ay kumakatok
kaninuman, kailanman.

You might also like