You are on page 1of 2

1

Lara Jane N. Sapun, Jamil S. Paulino


G. Victor F. Ang Jr.
Filipino

Niyebeng-itim

Ang akdang isinulat ni Liu Heng na isinalin naman sa Filipino ni Galileo S. Zafra
na tungkol sa ulilang si Li Huiquan na naghahanap ng trabaho upang may magawa sa
buhay sa tulong ng kanyang Tiya Lou at Hepeng Li (Tiyo Li). Ang kwentong ito ay
ginanap sa mga lugar sa Beijing, China, na nangyari bago at pagkatapos ng bagong taon,
Ito ay tungkol sa mga tradisyon at kaugalian ng mga Tsino. Ang ilan sa mga bagay na
sakop ay kinabibilangan ng paraan ng pag-uugali ng mga Intsik, ang kanilang tradisyunal
na paraan ng pamumuhay, at ang kanilang pananaw sa buhay.

Malamig na panahon na ating nararanasan tuwing taglamig, karaniwang kasuotan


ay ang mga panlamig na makapal na panlabas, pantalon, at sapatos ngunit hindi lahat ng
tao’y nakararanas na makapag suot ng komportable na kasuotan. Si Huiquan ay naging
ulila sa pagkamatay ng kanyang ina, unang pagdiwang ng bagong taon na siya ay
mag-isa, bisperas ng bagong taon ay siya’y naglalagare para sa patungan ng kanyang
sasakyan. Itinanggi niya ang pag alok ni Tiya Lou dahil gusto niyang itapos muna ang
kanyang ginagawa ngunit sa pagsapit ng hatinggabi’y nagpahinga si Huiqian, ibinaba ang
lagare, at nagsalin ng alak. Ang dilaw na ilaw ay makikita sa likod ng bata sa kanyang
bintana. Minsan ang berdeng ilaw ay sumisikat. Maraming luho kahit saan ka tumingin,
mula sa mga taong kuntento na sa kanilang buhay. Napatanong siya, ano ang balak ng
milyong taong ito? ano ang ipinagsasaya nila? Kahit sa pag gunita niya sa kanyang
masasayang alaala kasama ang kanyang ina ay hindi pa rin ito nakakapagpasaya sa
2

kanya. Ilang araw ang lumipas at nagsimula na siya sa pagtinda. Ibinigay sa kanya ang
pwesto sa may timog ng silangang tulay. Wala man lang ni isa ang nagtangkang tumingin
ng mga paninda niya. "Mga blusang batwing! halikayo rito!" muling sigaw niya, Ngunit
wala pa rin syang nabenta. Sa sumunod na araw ay nakabenta sya ng muffler, Sa ikatlong
araw ay wala syang benta, Sa ikaapat na araw naman ay wala pang kalahating oras simula
ng magbukas ang kanyang tindahan ay nakabenta sya ng damit na pang army sa apat na
karpintero. Nang makarating ang mga karpintero sa silangang tulay ay nag kulay talong
ang mga labi nila sa lamig. Ngunit nailigtas naman ang kanilang balat ng kasuotang
ibinenta ni Huiquan. Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo,
Ngunit naging inspirasyon sa kanya ang pagbili ng mga karpintero. Mas mabuting
maghintay kaysa umayaw dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka diba?
Kung gusto mong maging maayos ang iyong buhay, kailangan mong maging matiyaga.
Kahit mahirap ang mga bagay, huwag mawalan ng pag-asa.

Ang Niyebeng-itim ay sumisimbolo sa lahat ng mga hamon at paghihirap na


pinagdaanan ni Li Huiquan sa kanyang maagang buhay. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga
paghihirap, ang tao sa kalaunan ay nakakahanap ng pag-asa. Sa kaniyang tiyaga ay
nakapag ayos siya ng kanyang bagong panimula sa buhay na mag isa. Nakahanap siya ng
saya at pagbubuyo. Hindi man naging madali, ang malamig at malungkot na kabanata ay
kanyang nalagpasan.

You might also like