Professional Documents
Culture Documents
Niyebe
Niyebe
Narito ang buod ng kwentong Nyebeng Itim na isinalin sa tagalog ni Galileo S. Zafra
Bisperas ng bagong taon noong nagpakuha si Li Huiquan ng labinlimang litrato kasama ang
kanyang tiya Luo.
Tutol man na magpakuha ng litrato ay napilitang magpakuha si Huiquan sa Red Palace Photo
Studio.
Gagamitin niya ang larawang iyon upang kumuha ng lisensya para sa kariton at pagtitinda ng
prutas.
Naaprubahan ang pagkuha nya ng kariton ngunit sa pag titinda ng prutas ay hindi. Puno na kasi
ang kota. Hindi rin nakatulong ang kontak ng kaniyang tiya Luo o ayaw nitong tumulong.
Wala nang pakialam si Huiquan kahit anung itinda. Ang mahalaga ay may gawin kahit pa mas
mahirap itinda ang damit kaysa prutas.
Inimbita si Huiquan ng kanyang tiya na manood ng magandang palabas sa tv ngunit tumanggi ito
sa kadahilanang marami pa itong gagawin.
Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may timog ng silangang tulay. Wala man lang ni isa ang
nagtangkang tumingin ng mga paninda nya.
"Sapatos na tatak Perfection mula shenzen free economic zone! sapatos tatak perfection gawa sa
Shenzen..." ang sigaw ni Huiquan
Nang makarating ang mga karpintero sa silangang tulay ay nagkulay talong ang mga labi nila sa
lamig. Ngunit nailigtas naman ang kanilang balat ng kasuotang ibinenta ni Huiquan.
Mas mabuting maghintay kaysa umayaw dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka
diba?