You are on page 1of 1

Buod ng kwentong Nyebeng Itim na isinalin sa tagalog ni Galileo S.

Zafra

Bisperas ng bagong taon noong nagpakuha si Li Huiquan ng labinlimang


litrato kasama ang kanyang tiya Luo. Tutol man na magpakuha ng litrato ay
napilitang magpakuha si Huiquan sa Red Palace Photo Studio. Gagamitin niya ang
larawang iyon upang kumuha ng lisensya para sa kariton at pagtitinda ng prutas.
Naaprubahan ang pagkuha nya ng kariton ngunit sa pag titinda ng prutas ay hindi.
Puno na kasi ang kota. Hindi rin nakatulong ang kontak ng kaniyang tiya Luo o ayaw
nitong tumulong.
Ang tanging lisensyang naroon ay para sa tindahan ng damit, sumbrero at
sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kahit anung itinda. Ang mahalaga ay may
gawin kahit pa mas mahirap itinda ang damit kaysa prutas. Inimbita si Huiquan ng
kanyang tiya na manood ng magandang palabas sa tv ngunit tumanggi ito sa
kadahilanang marami pa itong gagawin. Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may
timog ng silangang tulay. Wala man lang ni isa ang nagtangkang tumingin ng mga
paninda nya.
"Sapatos na tatak Perfection mula shenzen free economic zone! sapatos tatak
perfection gawa sa Shenzen..." ang sigaw ni Huiquan
"Mga blusang batwing! halikayo rito!" muling sigaw ni Huiquan.
Ngunit wala pa rin syang nabenta.
Siya ang huling tindahan na nagsara sa hanay ng mga tindahan na naroon.
Sa sumunod na araw ay nakabenta sya ng muffler.
Sa ikatlong araw ay wala syang benta.
Sa ikaapat na araw naman, wala pang kalahating oras simula ng magbukas ang
kanyang tindahan ay nakabenta sya ng damit na pang army sa apat na karpintero.
Nang makarating ang mga karpintero sa silangang tulay ay nagkulay talong ang mga
labi nila sa lamig. Ngunit nailigtas naman ang kanilang balat ng kasuotang ibinenta
ni Huiquan.
Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo.
Ngunit naging inspirasyon sa kanya ang pagbili ng mga karpintero.
Mas mabuting maghintay kaysa umayaw dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon
ay malas ka diba?

You might also like