You are on page 1of 2

BOUD NG NIYEBENG ITIM

Si Li Huiquan, isang dating bilanggo sa kampo na nakalaya na, ay bilanggo


parin ang kaniyang isip at damdamin sa kalungkutan ng nakaraan at sa dating
nakasanayan sa kulungan. Nagpakuha siya ng labinglimang litrato kasama si Tiya
Luo na gagamitin para sa aplikasyon ng lisensya sa kariton at pagtitinda ng prutas.
Ngunit hindi ito naaprobahan dahil puno na ang kota. Mayroon na lamang
lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang pakialam si
Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang
magawa.

Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang


matabang lalake na si Hepeng Li. Yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan
niya noong nakabilanggo siya sa kampo,bilang paggalang at pagsunod.

Nilibot niya ang buong bayan upang maghanap ng mga parte na kailangan
niya para sasakyan ng kaniyang paninda. Nakahanap siya at nakabuo siya ng
natatanging sasakyan para sa kanyang paninda na naging sentro ng atensyon dahil
ito’y kakaiba.

Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan sa bisperas ng Bagong Taon


ngunit tinanggihan niya ito dahil kailangan niyang tapusin ang ginagawa niya bago
mag bagong taon. At dahil narin sa lakas at ingay ng mga paputok ay iniwan muna
niya ang ginagawa at naglasing. Naalala ang mga sandaling kasama pa niya ang
kanyang ina.

At sa ikalimang araw ng bagong taon ay ibinigay na kay Huiquan ang


pwesto niya at nagsimula na siyang magtinda ng mga damit. Isinampay niya ang
ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa. Nakabenta siya ng dalawampung
panlaming na angora sa kanyang unang araw kaya sumigla siya. At dahil sa wakas
ay nagkaroon siya ng kontrol sa isang bagay at paakiramdam niya ay
makapangyarihan siya.

Sa sumunod na araw ay wala siyang masyadong nabenta ngunit isang


araw nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na
kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Naligtas ang kanilang mga balat ng
kasuotang panlamig ni Huiquan at iyon ay nagbigay ng inspirasyon sa kanya.
“Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang
panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay
kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad,
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ?” Nag-iisip si
Huiquan.

You might also like