You are on page 1of 4

SURING BASA

IPINASA KAY:
G. Aries Madarang

IPINASA NI:
Mishael Ann S. Pasag

Grade 9 Lauan
I. PANIMULA

A. URI NG PANITIKAN
Ang uri ng panitikang ito ay isang Maikling Kwento

B. BANSANG PINAGMULAN
Ito ay nagmula sa bansang China

C. PAGKILALA SA MAY AKDA


Si Liu Heng ay nagmula sa China at ipinangnak noong Mayo 1954
at naging ganap na manunulat noong 1970.

D. LAYUNIN
Ang layunin ng kwentong ito ay ihayag ang kanilang damdamin
batay sa kanilang pagsubok na naranasan. Layunin din nito na
ihayag ang mga katangian at paniniwala sa mga buhay ng tsino.

II. PAGSUSURING PANGYAYARI

A. TEMA
Ang tema ng kwentong ito ay naglalaman ng mga pag uugali,
tradisyon, at pananaw sa buhay ng mga tsino.

B. TAUHAN
Li Huiquan- Isa siyang ulilang nagsusumikap na magtinda ng
damit para mabuhay ang sarili.

Tiya Luo- Ang tumulong kay Li Huiquan para magkaroon ng


trabaho.

Hepeng Li (Tiyo Li) - Ang nagbigay ng lisensya kay Huiquan para


makapag tinda.

Luo Xiaofen- siya ang kababata ni Li Huiquan.


C. TAGPUAN
Red Palace Photo Studio
Kalye
East Tsina Gate Consignment Store
Gongsi at Chaoyong Gate Boulevard
East Lane ng Kalye Spirit Run
Beijing, China

D. Balangkas
Li Huiquan bilang tagatinda ng prutas dahil puno na ang hudyat
na nais na niyang magbagong buhay. Naging abala siya sa pagbili
ng materyales para sa kaniyang karitong gagamitin. Isang araw ay
nakapagbenta siya ng mga kasuotang makakapal para sa apat na
karpintero. Marami siyang naipagbiling mga damit na umabot sa
dalawampung piraso.Upang maabala ang kanyang sarili, nagpasya
siyang magsimulang magbenta ng prutas. Ito ay senyales na gusto
niyang baguhin ang kanyang buhay. Gayunpaman, hindi
inaprubahan si Huiquan bilang isang fruit vendor. Ibinebenta niya
ang lahat dahil determinado siya. Nagpasya siyang magbenta na
lamang ng mga damit.Ang Hutquan ay katanggap-tanggap. Abala
siya sa pagkuha ng mga gamit para sa kariton. Ginawa niya ito
bago ang bagong taon. Sa ikalimang araw ng bagong taon,
nagsimulang tumaas ang benta ng Huiquan. Bumili siya ng
maraming damit na binubuo ng dalawampung set. Gayunpaman,
sa mga sumunod na araw, nagsimulang bumaba ang mga benta ni
Huiquan. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Isang araw bumili siya
ng apat na panday na makapal na amerikana upang mapanatiling
mainit ang malamig na manggagawa. Dito, napagtanto ni Huquan
na ang mga pagkakataon ay dumarating sa sinuman anumang
oras.

E. KULTURANG MASASALAMIN
Kung saan sila ay nagbebenta ng ibat ibang mga bagay sa ibat
ibang panahon.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

A. KAISIPAN/ IDEYA NG MAY AKDA


Ang ideya ng may akda ay kapag ang iyong kapwa ay mababa ang
tingin sa iyo, gawin mo lahat ng iyong makakaya upang maitaas o
maiangat ang iyong sarili at maputanyan mo sa iyong kapwa na
kaya mo.

B. PAMPANITIKAN
Maikling makabanghay

C. KAASALAN
Lahat tayo ay maging masipag at matiya upang tumunog tayo sa
magandang kinabukasan.

D. KAISIPAN
Kahit ano man ang darating na pagsubok sa ating buhay harapin
natin ito at huwag talikuran.

E. DAMDAMIN
Ang kwentong ito ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao na
huwag sumuko sa anumang problemang darating.

You might also like