You are on page 1of 7

Panimula

Ang Maikling Kwento ay isang akdang pampanitikan na binubuo ng mga elemento katulad ng
tauhan, tagpuan at banghay. Ito ay maaring piksyon o di-piksyon na nagmumula sa mga kwento ng
totoong buhay o likha lamang ng mambabasa.

II. Formalistiko

A. Buod

Ang kwento ay umiikot sa batang si Adong na gumigising ng maaga at nagtutungo sa


Quiapo upang mamalimos upang siya ay magkaroon ng pagkain na kanyang maipantatawid gutom. Si
Adong ay labindalawang taong gulang. Sa murang edad ay naranasan na ni Adong ang kahirapan ng
buhay. Namuhay rin siya ng walang mga magulang na mag-aaruga sa kanya.Isang araw sa simbahan ng
Quiapo, may isang bata na ang pangalan ay si adong.

Isa siyang pulubi na ulila sa magulang at namamalimos habang siya at naghihintay sa labas
ng simbahan. Sinasalubong niya ang mga taong naglalabasan para mamalimos, gutom na gutom si
Adong. Dumating si bruno at kinuha niya ang napalimos ni Adong. Kinabukasan, namamalimos
si Adong, at nakita ni Aling Ebeng si bruno na papalapit na sakanila at tumakbo si Adong. Nakatakas
si Adong subalit nakita pa rin siya, at binugbog hanggang naramdaman niya na parang
nawala na sa kanya ang paghihirap.

B. Mga Elemento

1. Tagpuan
Naging dominante na naganap ang mga pangyayari sa tapat ng Simbahan ng Quiapo.

2. Tauhan

Ang mga tauhan ay sina Adong, Aling Ebang at Bruno.

3. Banghay

Maagang-maagang gumigiosing si Adong upang magtungo sa tapat ng Simbahan ng


Quiapo at siya ay mamalimos upang siya ay magkaroon ng pagkain na ipantatawid niya sa gutom na
kanyang nararamdaman. Ngunit nagugulat ang mga namamalimos sa tapat ng Simbahan ng Quiapo
kapag dumarating na ang mayabang at nagpapaka-haring si Bruno. Lahat sila ay natatakot kay Bruno.
Lahat ng kanilang napapalimos ay napupunta lamang kay Bruno.Si Bruno ang nakikinabang ng lahat ng
ito.

4. Panimula

Nagsimula na naman ang panibagong araw para kay Adong upang mamalimos sa tapat
ng Simbahan ng Quiapo na ipambibili niya ng pagkain niya.

5. Saglit na Kakintalan

Ang lahat ng napalilimos ni Adong ay kinukuha ni Bruno ng hindi man lamang ginusto ni
Adong. Ngunit walang magagawa si Adong kung hindi magaing malungkot.

C. Papataas na Aksyon

Sobra ang takot na naramdaman ni Adong dahil nakita niyang papalapit sa kaniya ang
mayabang na si Bruno upang kuhanin ang kanyang mga napalimos na mga pera.
D. Kasukdulan

Takot na takot na nagtago si Adong upang hindi siya makita ni Bruno dahil paparating na
ito. Pero sinabi ni Aling Ebang na nakita na siya ni Bruno na nagtago.

E. Pababang Aksyon

Binigay na lamang ni Adong ang perang nalimos dahil natatakot siya baka kung ano ang
gawin sa kanya ni Bruno.

F. Wakas

Ang Wakas ng akda ay naging mapagbigay pa rin ni Adong kahit na siya ay inaabuso na
ni Bruno.

G. Tunggalian

Ang uri ng tunggalian ay TAO LABAN SA LIPUNAN dahil kalaban ni Adong ang kanyang
lipunang ginagalawan dahil sa nararanasan niyang kahirapan.

III. Teoryang Pampanitikan

A. Mga teoryang pampanitikan


Klasismo- isang panitikan na naglalaman ng mga payak na pangyayari.

Humanismo- ang layunin ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo.

Imahismo- layuning gumamit ng mga larawan o imahen na makapagpapahayag ng damdamin.

Moralistiko- nais ipakita na ang tao ang pamantayan ng tama o mali.

Queer- ito ay nakasentro sa mga HOMOSEXUAL.

Dekunstruksyon- layuning ipakita ang iba't-ibang aspeto na bumubuo sa tao at mundo.

Saykolohikal- nais ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng saliko sector.

Eksestensyalismo- ang layunin ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon.

Formalistiko- ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
tuwiarang panitikan.

Romantisismo- ang layunin ay ipamalas ang iba't-ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao.

B. Teoryang gagamitin sa pagsusuri

Ang aking gagamiting teorya ay HUMANISMO.

C. Ang teoryang HUMANISMO ay may layuning ipakita sa akda na ang tao ang siyang sentro ng mundo.
IV. Reaksyon

Ang aking reaksyon ay nararapat na mabigyan ng pansin ang mga kabataang nakakaranas ng
ganitong sitwasyon dahil ang mga KABATAAN ang PAG-ASA ng BAYAN.

Pagkilala sa may Akda

Si Efren R. Abueg ay premyadong kuwentista (Palanca Memorial Awards for Literature) at nobelista
(Gantimpalang Liwayway). Nahirang siyang National Fellow for Fiction para sa 1998-1999 ng LIKHAAN:
U.P. Creative Writing Center. Propesor ngayon sa De La Salle University, siya'y masigasig na lektyurer sa
wika at panitikan.

II. Uri ng Panitikan

Ang akda ay isang maikling kwento. Ito ay halos makatotohanan dahil sa ngayon ay nagaganap ito.

III. Layunin ng Akda

Ang akda ay naglalahad na hindi lahat ng tao ay pantay pantay. At may mga taong dinadaan sa dahas
upang makamit ang kanilang kagustuhan.
IV. Tema o Paksa ng Akda

Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Ang paksa ng teksto ay walang muwang ang mundo sa
kanya.

V. Mga Tauhan / Karakter sa Akda

Adong- 12 gulang na bata. Batang pulubi Aling Ebeng- matandang pilay sa tabi ni adong sa dakong
luwasan ng simbahan. Bruno- isang siga nakinatatakutan ni adong.

VI. Tagpuan / Panahon

Ang tagpuan at panahon ay makatotohanan. Sa simbahan ng Quiapo naganap ang lahat.

VII. Nilalaman / Balangkas ng mga Pangyayari

May kaisahanang pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas. Hindi naging isang gasgas
ng pangyayari ang inilahad sa akda. Walang kakaiba sa nilalaman ng akda. Dati na ang mga pangyayaring
may bagong bihis, anyo, anggulo, at pananaw. Ang balangkas ay sinimulan sa pagpaplano para sa
kanilang kasal.

VIII. Mga Kaisipan / Ideyang Taglay ng Akda

Ang mga kaisipan ay sumalungat din. Ito ay may katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan. Ang
akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at
pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon at karanasan.
IX. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda

May bisa ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda. Maayos naman maganda ang pagkakasulat
parang batay sa mga totoong ngyayari. Epektibo ang paraan ng paggamit ng mga salita. Angkop sa antas
ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda.

X. Buod

May isang batang pulubi na nagngangalang adong hindi niya napapasin ang gabi dahil sa bata niyang
katawan o mumos na pagiisip. Si aling ebeng ang kanyang katabi sa simbahan. At si bruno ang sigang
iniiwasan ni adong. Gabi umuulan sa simbahan nagsisitakbuhan ang mga tao habang si adong ay
nagugutom at parang naiinis sa mga taong nandidiri at kinukya siya. Kumain siya at napawi ang kanyang
kumakalam na sikmura, kinalog niya ang kanyang bulsa para malaman kung mayroon pang natitira sa
kanyang pera. Nahulog ang pera ni adong ng pinupulot niya ito nawala na ang mga tao at nakita naman
ni aling ebeng si bruno. Tinakbuhan niya si bruno ngunit nahuli siya ni bruno napilitan siyang ibigay ang
pera niya at naramdaman niyang walang pakialam ang diyos o ang lungsod sa kanya.

You might also like