You are on page 1of 21

MABANGIS NA

LUNGSOD
Ni:

Efren Abueg

JULIET N. TINAYNAN
Reporter
Pamagat
MABANGIS NA LUNGSOD

Uri ng Panitikan
Ang akdang ito ay isang maikling kwento. Ang
Maikling Kwento ay isang akdang pampanitikan
na binubuo ng mga elemento katulad ng tauhan,
tagpuan at banghay. Ito ay maaring piksyon o di-
piksyon na nagmumula sa mga kwento ng
totoong buhay o likhang-isip lamang ng
manunulat.
May- akda

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na


nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng
kaniyang panahon. Sumulat at nag-edit ng maraming
mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit
hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at
publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya
hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok
ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat
ng ibang awtor. At isa sa mga akdang kanyang mga
naisulat ay ang Mabangis na Lungsod.
Buod

Maagang-maagang gumigising si Adong upang


magtungo sa tapat ng Simbahan ng Quiapo at siya ay
mamalimos upang magkaroon ng pagkain na
ipantatawid niya sa gutom na kanyang nararamdaman.
Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taong
malamig, walang awa, walang pakiramdam,
nakadama siya ng kung anong bagay parang apoy sa
kaniyang kalooban. Lingid sa kaniyang kaalaman
kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos
mapawi ang kaniyang gutom at pangamba. Kung
ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa
ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kaniya
na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang barya
ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay kung
inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay
nandidiring mapadikit sa marurusing na palad.
Dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa
kaniyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa
kaniyang palad. At sa kaabalahan niya’y hindi na
napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula
sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga
mukhang malamig, mga kamay na nagpapahiwatig ng
pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng
nagmamadaling pag-iwas. “Adong... ayun na si
Bruno” narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw
ni Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si
Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok
na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot
na gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa.
Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang
lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa
kaniyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi
nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya
kangina pa ay mamamatay. Mahigpit niyang kinulong
sa kaniyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
“Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay
Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa
matanda.“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan
ka ni Bruno.
Nakita ka ni Bruno!” Narinig man ni
Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy
pa rin sa paglalakad, sa simula’y marahan,
ngunit nang makubli siya sa kabila ng
bakod ng simbahan ay pumulas siya ng
takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga
dyipni na mabagal sa pagtakbo.
Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-
salubong sa paglalakad. At akala niya’y nawala na siya
sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal
siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas
niyon sa pamamagitan ng kaniyang likod. At sa murang
isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng
isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay
Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa
malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa
kabangisang sa mula’t pa’y nakilala niya at
kinasusuklaman.
Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang
bulsa. At iyon ay matagal din niyang
ipinakalansing. “Adong!” Sinundan iyon ng
papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong.
Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng
lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang
ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang
mga kamay ni Bruno ay parang bakal na
nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang
munting lakas na nagkakaroon ng
kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa
pangamba at kabangisan.
“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!”
Naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit
hindi na niya muling narinig ang basag na
tinig. Naramdaman na lamang niya ang
malupit na palad ni Bruno. Natulig siya.
Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali,
hindi na niya naramdaman ang kabangisan
sa kapayapaang biglang kumandong sa
kaniya.
I. Pagsusuring Panglingwistika

Talasalitaan

1. Lingid sa kaniyang kaalaman- hindi nalalaman


2. umuuntag sa kaniya-
3. marurusing na palad-
4. lukbutan-
5. ilaw-dagitab-
6. ipinakalansing-
7. niluluray-
b.Lenguahe o pananalita

-ang lenguahe o pananalita na ginamit sa akda at


madaling maunawaan ang nais nitong iparating sa
mambabasa.
II.Pagsusuring pangnilalaman

a.Pamamaraan
Ang may-akda ay naglalayong ipaalala sa atin na
hindi lahat ng tao ay pantay pantay. Sa ating lipunan,
mayroong mga mahirap na patuloy na humihirap at
may mga mayayaman na patuloy na yumayaman.
Dahil dito, maraming mga tao ang gumagamit na
lamang ng dahas upang makuha at makamit ang mga
ninanais.
b.Porma

Ito ay may katotohanang unibersal, likas sa tao at


lipunan. Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at
nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap
at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon at maging
sariling karanasan may akda.
c.Istilo

Para sa akin mabisa ang istilo na ginamit sa


pagkakasulat sa nilalaman ng akda. Maayos at maganda
ang pagkakasulat batay sa mga totoong pangyayari.
Angkop lamang sa antas ng pang-unawa ng mga
mambabasa ang pagkakabuo ng akda. Kung kaya
masasabi kong epektibo ang paraan ng paggamit ng
mga salita sa akda.
d.Kaalaman o paksang-diwa
Hindi naging isang gasgas ng pangyayari ang
inilahad sa akda sapagkat may kaisahan ang
pagkakakapit ng mga pangyayari mula simula
hanggang wakas. Dati na ang mga pangyayaring may
bagong bihis, anyo, anggulo, at pananaw. Walang
kakaiba sa nilalaman ng akda, sapagkat ipinapakita
lang nito ang mga totoong pangyayari sa lipunang
ating ginagalawan ngayon. Naging dominante na
naganap ang mga pangyayari sa tapat ng Simbahan ng
Quiapo.
Tema o Paksa ng akda

Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon.


Lahat ng tao, ay may kanyang kontribusyon sa ating
komunidad. At tayo ay may mapagpipilian kung ano
gusto natin. Ngunit nais ng Diyos na gawin natin ang
gusto niya para sa ating buhay. Binibigyan tayo ng
pagkakataon na gawin ang anumang gusto nating
gawin (tinagatawag nating FREE WILL). Ngunit,
sinabi niya na may kahihinatnan ang lahat ng ginagawa
natin.
e. Paglalarawang tauhan

Adong- 12 gulang na batang pulubi sa Quiapo.

Aling Ebeng- matandang pilay sa tabi ni adong sa


dakong luwasan ng simbahan.

Bruno- isang siga na kinatatakutan ni adong na siyang


kumuha sa kanyang pera.
III. TEORYANG MAKIKITA SA AKDA

a.Humanismo- sapagkat ang ang akdang ito ay may


layuning ipakita na ang tao ang siyang sentro ng
mundo.

b.Moralistiko- sapagkat ang akda ay may layuning


magbigay aral sa mga mambabasa.
c.Realismo- sapagkat ang akda ay sumasalamin sa
tunay na buhay.
THANK YOU FOR LISTENING!

 GOD BLESS 

You might also like