You are on page 1of 3

I.

PAMAGAT, MAY AKDA, GENRE

Ang pamagat ng maikling kuwento ay “Mabangis na Lungsod”. Ginawa ni Efren


Abueg ang kuwentong ito upang ipakita ang ibang lugar na naghihirap, kung gaan o
pinaghihirapan ng mga tao ang pagkita ng pera. Marami sa mga mababangis na lugar ay
kalimitang mahirap. Ito ay hindi piksyon na tumatalakay sa totoong buhay ng tao na
namumuhay ng mag-isa at ang pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa kuwento.

II. BUOD

Ang kuwento ay umiikot sa batang si Adong na gumigising ng maaga at nagtutungo


sa Quiapo upang mamalimos para siya ay magkaroon ng pagkain na kanyang maipantatawid
gutom. Si Adong ay labindalawang taong gulang. Sa murang edad ay naranasan na ni
Adong ang kahirapan ng buhay. Namuhay rin siya ng walang mga magulang na mag-
aaruga sa kaniya. Ngunit nagugulat ang mga namamalimos sa tapat ng Simbahan ng Quiapo
kapag dumarating na ang mayabang at nagpapaka-haring si Bruno. Lahat sila ay natatakot
kay Bruno. Lahat ng kanilang napapalimos ay napupunta lamang kay Bruno. Si Bruno ang
nakikinabang ng lahat ng mga ito.

III. PAKSA

Lahat ng tao ay may kontribusyon sa ating komunidad. At tayo ay may


mapagpipilian kung ano ang gusto natin. Hindi tayo pinipilit ng Diyos na gawin ang gusto
Niya. Binibigyan tayo ng pagkakataon na gawin ang kung anuman ang gusto nating gawin.
Lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan at hindi nagbibigay ang Diyos ng problema
na hindi natin kayang lampasan, Ang kuwento ay umiikot sa buhay ni Adong sa tapat ng
Simbahan ng Quiapo na kung saan siya ay inaabuso at inaapi.

IV. BISA ( SA ISIP, SA DAMDAMIN )

Ang kuwentong ito ay may bisa sa isip kung saan tunay na naipahayag ang mga
gawi ng tao sa Quiapo at tunay na masasalamin ang Quiapo sa kuwento. Inilarawan sa
kuwento ang araw-araw na pamumuhay ng mga taong namamalimos sa Quiapo, ang mga
gusali, ang lagusan sa ilalim ng lupa, ang mga tindahan at ang mga tao na pumupunta sa
simbahan. May bisa ng damdamin din ito kung saan talagang mararamdaman sa kuwento
ang lungkot na nadarama ni Adong sa tuwing siya’y gigising ng mag-isa, ang sakit na
kaniyang natatamasa sa tuwing siya’y sasaktan ni Bruno, ang gutom na kaniyang nadarama
sa tueing kumakalam ang kaniyang sikmura at ang takot na kaniyang nararamdaman sa
tuwing makikita niya si Bruno.
V. MENSAHE

Lahat ng tao sa mundo ay pantay-pantay. Sa ating lipunan, mayroong mga mahihirap


na patuloy na humihirap at may mga mayayaman na patuloy na yumayaman. Dahil ditto
may mga tao na gumagamit ng dahas upang makuha o makamit ang ninanais. Isipin natin
sa mundong ito na may kapuwa tayong nangangailangan ng ating tulong. Bilang anak ng
Diyos na ibinigay ang sarili para sa sangkatauhan, dapat din nating ibigay ang ating sarili
para sa iba, tulungan natin ang mga nangangailangan ng ating tulong. Huwag nating gamitin
ang ating lakas upang saktan o apihin ang iba.

VI. TEORYANG GINAMIT

Ang kuwentong “Mabangis na Lungsod”, ay gumamit ng teoryang realism dahil


tinalakay nito ang pamamaraan ng pamumuhay sa Quiapo. Tinalakay din dito ang kahirapan
na nararanasan ng mga tao at ang diskriminasyon na natatamasa ni Adong kay Bruno.
Kung sino pa ang mahina at aba, siya pa ang kinakaya-kaya.

You might also like