You are on page 1of 5

Buwaya ng Pamahalaan

Buwaya, isang nilalang na kilala sa pagiging

mabagsik at matapang. Isang nilalang na

kinatatakutan ng lahat. Ngunit, pagdating nga

usaping pulitika; Ano na nga ba ang imahen ng

buwaya?

Isang Pagbati ng magandang araw mga kaibigan at

sa inyong mga nakikinig.

Minsan ba naitanong na ninyo sa inyong sarili kung

saan napupunta ang inyong pera? Kung ito ba'y

napupunta sa mabuting kamay o sa bulsa ng isang

kawani ng pamahalaan?. Paano kung sabihin kong

sa bulsa lamang ng isang halang na kawani

napupunta ang perang pinaghirapan at

pinagpaguran ng bawat Pilipino, di ba

nakayayamot pakinggan!

Korapsyon, iyan ang sistemang talamak sa ating

pulitika, isang sistema na nagdudulot ng

kahirapan ng bawat isa. Kung sipin, ang isyu na

iyan ay deka-dekada nang problema, mula sa

unang republika hanggang sa kasalukuyan.


Ngunit, bakit kaysa itinagal na ng ating panahon,

ang problema ng korapsyon sa ating bansa ay 'di

pa rin masupil?

Ang problema ba ay nasa mga ordinaryong

Pilipino o nasa mabagal na aksyon?

Milyun-milyon na salapi ang nababalitaang

nawawala sa bawat ahensya sa ating bansa na

sana ay magiging pondo ng bansa para sa iba't

ibang gawain tulad ng agrikultura at edukasyon.

Pero, nasaan na ba ang mga naglalahong pera na

yun, kung iyon lang ang tanong marahil lahat tayo

isa lang ang sagot; SA KORAP NAPUNTA!

Marami namang mga napatunayan na nagkasala

ng korapsyon, mga naikulong pero sadya nga bang

marami lang ang buwaya sa pulitika o ang buong

pulitika mismo ang buwaya. Hindi ko lubos-maisip

na hanggang saan katibay kaya ang sikmura ng

mga pulitikong huwad ang katauhan, mga

pulitikong hangad ay kapangyarihan at

kayamanan at hindi ang serbisyong bayan,

hanggang saan kaya nila kayang tiisin na ang

kanilang sariling lipi ay nalulugmok sa kahirapan

habang sila ay nagpapalaki lamang ng tyan.


May pag-asa pa bang malunasan ang sakit na ito

sa panahong ito, may pag asa pa bang maibalik sa

mga ordinaryong Pilipino ang perang kanilang

pinagpuyatan, may pag-asa pa ba tayo? Sana, may

sapat na kagamitan para sa edukasyon, sana lahat

ay may trabaho, sana lahat ay may pagkakataong

makapagtapos, sana lahat tayo ay di nagdudusa sa

walang hanggan na kahirapan.

Sana, isang malaking sana na nga lang ba ang

ating pangarap para sa bayan, puro sana na lang

ba ang kayang bigkasin ng mga tulad kong

naghihikahos at hanggang sana na lang ba

magtatapos ang ating mithiin. Ngunit, kung

walang korapsyon, lahat ng hiling matutupad,

lahat ay may trabaho, lahat ay nag-aaral at lahat

ay kayang umahon sa kahirapan. Subalit ang

pagsupil sa korapsyon ay isa ring malaking SANA.

Hindi ko alam kung kaya pa natings gamutin ang

korapsyon sa ating bansa, hindi ko alam kung kaya

pa nating iahon ang ating bansang sinilangan.

Hanggang kailan pa bang mag-mimistulang

pagong sa pag-aksyon ang pamahalaan, kapag


wala na bang pera ang kaban o kapag wala na

talagang pag-asa. Ang korapsyon ay hindi dapat

panghabangbuhay na isyu, dapat unti-unti na

nating burahin ito sa imahen ng ating bansa.

Walang tamang gamot para sa korapsyon, walang

tamang formula para sa korapsyon. Isa, isang

bagay lamang ang kailangan para masupil ang

korapsyon at iyon ay ang mga PILIPINO. Tayo

mismo ang susupil sa katiwalian, nasa ating kamay

magmumula ang tadhana ng ating bansa, nasa

ating simpleng mamamayan magmumula ang

kapangyarihan.

Tayong mga ordinaryong Pilipino ang magluluklok

ng bagong kawani para sa pinag-aagawang upuan,

tayo ang magdedesisyon kung sino ang karapat

dapat umupo. Huwag nating sayangin ang

pagkakataon na iyon dahil sa isang maliit na pasya

malaki ang magiging kapalit.

Isaisip ang ating mithiin, isipin ang mga bagay na

dapat tinatamasa ng lahat at hindi lamang ng isa.

Isapuso ang mga paghihirap ng bawat isa, ang mga

Pilipinong naghihirap mag-trabaho para sa


kanilang pamilya at kailangan pa hatiaan ang

bayan ng kanilang kakarampot na suweldo. At higit

sa lahat, Isagawa ang lahat, Pumili ng karapa-

dapat para sa pwesto at di magpalinlang sa

mabubulaklak na salita ng mga kandidato. Gawin

natin ito para sa sarili, para sa kanya at para sa

atin, dahil dito magmumula ang sandatang

hinubog ng ating mga pangarap at ng ating mga

panambitan. Isang sandatang kikitil sa korapsyon

sa ating bansa.

You might also like