You are on page 1of 2

“Talumpati Korapsyon”

Magandang umaga po sa ating lahat, ang akin pong napiling paksa sa aking pagtatalumpati ay ang isyu sa
korapsyon sa pilipinas kung saan ito ay isang napaka laking isyu sa ating lipunan.
Ano ba ang mga bagay na pumapasok sa ating isipan kapag nakakarinig tayo ng salitang
korapsyon? Ang ating bansa ay kilala bilang isa sa pinaka talamak pag dating sa korapsyon. Marami
tayong mga bagay na naririnig, at nakikita tungkol sa korapsyon. Ang korapsyon sa pilipinas noon paman
ay matagal ng usap-usapan, mula pa ito sa nakaraang pangulo ng pilipinas na syang dahilan ng ating
kahirapan. Hanggang sa kasalukuyan ay ang korapsyon sa Pilipinas ay patuloy na umiiral, at patuloy na
nararanasan ng bansang Pilipinas. Ano ba ang epekto nito sa Pilipinas? Bilang isang kabataan o
mamayang Pilipino ano ba ang mga bagay na kaya nating gawin upang mapigilan ang mga bagay na ito?
Sa aking pag tatalumpati ay nais kong mamulat ang mga mamayang Pilipino tungkol sa isyu ng
korapsyon sa pilipinas. Nais kong ipahayag sa kapwa ko Pilipino na bilang isang mamayang Pilipino ay
mayroon pa tayong magagawa.
Ang korapsyon ay ang isyu ng Pilipinas na hindi ma tapos-tapos mula pa sa nakaraang taon
hanggang sa kasalukuyan. Ito ang dahilan kung bakit marami sa ating mga Pilipino ang naghihirap.
Marami sa atin ang mga pilipinong walang trabaho, kung meron man hindi sapat ang sahod pang bili ng
pang araw-araw na gastusin sa bahay. Isa sa mga dahilan nito ay ang kasakiman ng mga malalaking
politiko, na syang nag ku-control sa ilegal na mga kalakalan sa ilipinas, yung mga taong lumalabas
tuwing halalan upang mamigay ng pera sa panahon ng halalan. Sa murang edad pa lamang ay namulat na
ako sa kahirapan, lumaki akong kuntento sa kung ano ang mga bagay na meron ako. Natutunan kong
mabuhay ng simple sa kabila ng kahirapan. Nabuhay na mababa ang tingin ng karamihan. Ngunit ang
hindi ko matanggap, yung marami sa mga Pilipinong nag hihirap, katulad ko, samantalang yung mga
political leaders ng ating bansa ay nakakaranas ng marangyang pamumuhay na ang ginagamit pera ng
bayan. Hindi naman gaanong kalaki ang mga sweldo ng mga taong yan, pero ilang milyon kaya nilang
ilabas Manalo lang sa halalan. Kapwa Pilipino nag papatayan makuha lang yung pinaka mataas na
posisyon sa politika. Bumibili ng pagkatao nga iba, ginagawa na nilang Negosyo ang politika. Nawala na
sa kanila ang Serbesyo sa mga Pilipino.
Ang korapsyon ay kahit saan, kahit sa panahon ng pandemya, sa panahon ng mga sakuna, lalong
lalo na sa panahon nang halalan, kung saan maraming mga taong bumibili ng Boto at marami rin ang mga
taong nag bebenta ng kaning pagkatao dahil sa pero, isa rin ito sa mga dahilan ng ating kahirapan ang pag
bibigay ng boto sa maling tao. Ang halalan ang nagpapatunay na tayo ay malayang bansa kung saaan
Malaya tayong pumili sa kong sinong tao yung gusto natin. Pero marami sa atin mas pinipili ang pera,
dahil narin sa kahirapan, sa pamamagitan nito binibigyan lang natin sila ng pagkakatong mag nakaw sa
kaban ng bayan. Wag tayong papaloko sa pero, sa mga pakitang tao, sa mga taong lumalabas lang sa
panahon ng kampanya. Dahil ang korapsyon talaga ay nag mula sa ating mga Pilipino, at nasa atin din
ang susi sa paglutas nito.
Bilang isang mamayan, may magagawa pa tayo, hindi ibig sabihin na tayong mga kabataan, mga
mamayang Pilipino ay walang magagawa sa bayan. Kailangan lang natin gawin ang ating makakaya
upang ma solusyunan ang kahirapan ng ating bansa. Kailangan nating maging ma susi lalong lalo na sa
pagpili sa panahon ng halalan, huwag nating hayaan bilhin ang ating mga boto sa mga walang silbing
politiko, dahil dito nagsimula ang kurapsyon. Bilang isang mamayan at bilang isang kabataan, sa
pamamgitan ng pagiging mabuting tao, at pag gawa nga mga mabubuting bagay sa ating kapawa tao,
makakatulong na tayo sa ating lipunan. Sa mga kapwa ko Kabataan, Kailanagn nating maging isang
mabuting tao, at gumawa ng mga mabubuting bagay upang makuha natin ang mga mabubuting asal, sa
ating paglaki, at upang hindi tayo ma gaya sa mga Kurap na politiko na namumuno sa ating lipunan.
Tayong mga kabtaan ang pag-asa ng bayan kaya wag natin itong sayangin, at alalahanin natin palagi ang
mga bagay na isinakripisyo ng ating mga bayani para sa ating Kalayaan. Ipaglaban natin ang ating
karapatan bilang isang Pilipino, ngunit hindi natin ito magagawa kung walang gabay mula sa panginoon,
kailangan may takot tayo sa panginoon at gumaawa nga mga mabubuting bagay. Kaya natin to laban
pilipinas
Yun lang po at maraming Salamat………

You might also like