You are on page 1of 2

Ang Sistema ng Hustisya

Hustisya ang laging sigaw ng mamamayan sa tuwing may krimen. Ang hustisya o
katarungan ang isa sa mga sensitibo at masalimuot na tinatalakay natin sa mundo. Noon pa
man ay katarungan o hustisya na ang ating ipinaglalaban. Marami ang nagtataka kung ito ba ay
para sa mayayaman lamang at hindi mahihirap. Sa ating bansa, hustisya ang matagal nang
hinihiling ng taong bayan ngunit hindi nila ito makamit sapagkat ito’y mahirap abutin. Mahirap
nga itong unawain dahil maraming pagtingin dito. Sa kabila ng mga suliraning ito, gusto ko
sanang ibigay ang aking saloobin na makapagsalita tungkol sa ating bulok na sistema ng
hustisya. Sa pagtatalakay nito, nawa ay maisapuso at maisaisip natin ang kahalagan ng
katarungan sa bawat Pilipino sapagkat alam kong ito ang nagpapatibay sa paninindigan at
paniniwala ng bawat kasapi sa lipunang kanilang ginagalawan.

Sa ating kasalukuyang panahon ngayon, marami ang nagaganap na pagpaslang maging


bata man, dalaga, o matanda. Tanging mayayaman nalang ang nakakakamit ng hustisya o
katarungan sa ating bansa sapagkat kapag ikaw ay mahirap, wala kang katarungan sa lahat.
Lagi tayong nakakikita mula sa mga balita na kadalasan ay bigo ang mahihirap sa pagkamit ng
hustisya. Ako ay labis na naaawa para sa mga taong walang kayang ibigay na pantustos para
lamang makamit ang katarungan mula sa mga krimeng sa kanila’y ginawa. Nakalulungkot din
isipin na ang hustisya sa ating bansa ay sadyang mabagal. Marami sa mga Pilipino ang
kinamamatayan na lamang ang mga kasong kanilang isinampa sapagkat marami ring mga
hadlang o balakid upang tapusin ang kaso at makita ang katotohanan sa likod ng mga hindi
makatarungang krimen. Marami ang nakapagsasabi na ang pera o salapi ang makatutulong sa
iyo upang ika’y maging masaya sapagkat nakukuha mo lahat ang gusto mo, ngunit mula sa
mga kayamanang ito, hindi natin naiisip kung kaya ba nitong bilhin ang halaga ng hiram na
buhay ng isang tao mula sa Diyos. Pagdating sa usaping hustisya sa ating bansa, kapansin-
pansin talaga ang hindi pantay na pagtrato at hindi pantay na pagbibigay ng hustisya, sapagkat
ang pagpapasustento ng ating katarungan ay para sa mayayaman lamang. Mula sa mga
balitang ating naririnig, nababasa, at nakikita na ang krimen ay laganap lalo na sa mga lugar sa
lunsod. Madali na lamang para sa iba ang kumitil at kuhanin ang buhay ng isang tao kahit na
maliwanag at matirik ang sinag ng araw. Hindi na rin napapansin ang demokrasya at ang
hustisya ay nababalewala sa mga mahihirap dahil ito ay para lamang sa mayayaman. Ang mga
dukha ay mas nagiging mahirap habang ang mayayaman ay mas yumayaman. Madali lang para
sa mayayaman na bilhin ang hustisya ngunit para sa mahihirap ay ibibilanggo lamang.
Nakalulungkot na ang demokrasya ay hindi na para sa mga tao. Mapalad ang ibang taong
nabigyan ng kapangyarihan dahil sila ay nasa mataas na posisyon, pati na rin ang mga taong
pampulitika na maaaring ibulsa ang pondo ng gobyerno. Ang mga ito ay palatandaan na
mayroon tayong kawalan ng hustisya. Ang kawalan ng hustisya ang siyang nagdudulot ng
kahirapan ng ating bansa at nag-iiwan ng mga karahasan at kaguluhan. Sabihin na nating ang
pera nalang ang makapagsasabi kung ano ang magiging kapalaran ng isang tao pagdating sa
mga ganitong pangyayari. Mayroong mga mahihirap ang nakakamit ang hustisya ngunit ito’y
hindi sapat sapagkat madalas na inaabutan nalang sila ng pera bilang kapalit ng katarungan.
Marahil ay naghahanap tayo ng solusyon para sa mas maayos na sistema ng hustisya. Isa sa
mga solusyong aking naiisip ay ang mas malinaw na pag-iimbestiga ng mga kapulisan at
kasunduan tungkol sa mga kasong mas dapat bigyan ng atensyon. Ang mga kasong kriminal ay
dapat na matagumpay na lutasin. Ang mga nahatulang nagkasala ay dapat na makapaghatid ng
kanilang sentensya. Ang mga biktima ay dapat a personal na malaman tungkol sa kung paano
hinawakan ang kanilang reklamo. Isa rin sa mga solusyong aking nais ipabatid ay ang
pagkakaroon ng “Jury System” kung saan mas mapabibilis nito ang pagkamit ng hustisya at
kung sakali mang may gumamit ng pera ang isang nasasakdal ay ito’y tiyak na mahihirapan
sapagkat marami at hindi iisa ang hahawak sa kaso. Sa pagkaroon ng sistemang ito,
makabubuo tayo ng grupo ng mga lupong tagahatol upang pumanig sa katotohanan at hindi
mabili ng salapi ang pagkatao. Sana rin ay pagdating sa mga tagahatol sa ating bansa, nawa ay
pumanig tayo sa katotohanan at hindi mabulag sa kayaman sapagkat maituturing lamang
kayong propesyonal kung nagawa ninyo ang dapat tamang gawin upang maabot ang
hustisyang inaasam ng bansa natin.

Inaanyayahan ko ang lahat na gumising sa katotohanan na hindi sa lahat ng bagay ay


nabibili ng pera. Sa pagkamit ng hustisya, lagi nating isigaw ang katotohanan. Para sa mga
tagahatol at kapulisan, lagi nating gawin ang tama nang sa gayon ay magkaroon ng pantay na
hustisya at katarungan ang ating bansa. Alam kong mula sa mga paraan at solusyong ito,
magdudulot ito ng kaunlaran sa ating bansa. Sama sama nating abutin ang katarungan para sa
lahat dahil ang isang maunlad na bayan ay maghahatid ng kapayapaan at kayamanan,
magkakaroon tayo ng mga matatag na batas, at higit sa lahat ay maisusulong ang pantay-
pantay na pagtingin sa bawat isa maging mayaman man o mahirap sa harap ng batas o
hukuman. Imbis na maging duwag ay huwag tayong matatakot na ilabas ang katotohanan.
Abutin natin ang kapayapaan sa mundo at mabuting kalooban sa buong sangkatauhan. Tayo ay
lumaban nang patas, gawin natin ang ating bahagi bilang nilikha ng Diyos, ibigay ang
makakaya, at pakinggan ang tinig ng bawat isa.

You might also like