You are on page 1of 5

MGA BUGTONG

Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna

Sagot: Niyog

Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao

Sagot: Atis

Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso

Sagot: Santol

Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa

Sagot: Kalabasa

Maliit na bahay, puno ng mga patay

Sagot: Posporo

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari

Sagot: Zipper

Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig


Sagot: Asin

Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa

Sagot: Dahon ng Gabi

Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin

Sagot: Sombrero

May balbas ngunit walang mukha

Sagot: Mais
MGA KASABIHAN

“Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot”

Kahulogan: Kapag mahirap ang buhay, matuto kang pagtiyagaan ang sitwasyon.

’’Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli’’

Kahulogan: Kapag mabuti ang iyong kalooban, tiyak na ikaw ay pagkakalooban ng

masaganang pamumuhay.

“Kung may tiyaga, may nilaga”

Kahulogan: Kapag matiyaga ka at masipag, paniguradong may magandang bunga ito.

“Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan”

Kahulogan: Hindi nasusukat sa kung anong mayroon ka ang kaginhawan ng iyong

buhay. Ito ay nakabase sa kung gaano ka kasaya sa buhay.

“Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula”

Kahulogan: Lahat ng daan patungo sa tagumpay ay may kaakibat na kahirapan na

kailangang lampasan.

“Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan”

Kahulogan: Kapag mabuti ang iyong gawain, kailanma’y hindi ka matatakot sa mamatay

at husgahan sa kabilang buhay.


“Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan”

Kahulogan: Nasusukat ang pagkakaibigan hindi lang sa ligaya kung hindi ay pati sa

kalungkutan.

“Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga”

Kahulogan: Kahit anong gawain ay matatapos o malalampasan kapag ikaw ay

matiyaga.

“Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin”

Kahulogan: Kung ano ang iyong ginagawa ay siya rin ang gagawin sa’yo. Kapag ito ay

kabutihan, ikaw rin ay makakatanggap ng kabutihan o gagawan ng mabuti ng ibang tao.

“Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay hindi maaasahan”

Kahulogan: Tunay na hindi ka makaasa sa bata man or matanda na hindi nagsasabi ng

katotohanan.

MGA SALAWIKAIN

“Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo”

Kahulogan: Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng

ibang tao, pawang mga kabutihan lang mangyayari.

“Kung ano ang puno, siya ang bunga”


Kahulogan: Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay

tumutukoy sa pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.

“Kung walang tiyaga, walang nilaga”

Kahulogan: Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng

maigi.

“Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy”

Kahulogan: Sa kabila ng maraming taon at pagsubok na dumating, mauuwi pa rin sa

kasalan ang relasyon.

“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”

Kahulogan: May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga problema niya sa

buhay. Subalit, nasa tao pa rin kung kikilos siya o hindi.

“Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at ‘di sa kasaganaan”

Kahulogan: Kahit gaano ka masagana ang buhay ay hindi ka makakaramdam ng

kaginhawaan kapag hindi ka masaya.

“Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim”

Kahulogan: Pabago-bago ang takbo ng buhay. Minsan masaya ang mga pangyayari at

madali, minsan naman ay mahirap.

“Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin”


Kahulogan: Kung ano ang ginagawa mo sa iba, mabuti man o masama, ay babalik rin

sa iyo. Sa buhay, kung nagsusumikap ka, tiyak na may aanihin ka.

“Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran”

Kahulogan: Tayo ang gumagawa ng desisyon na makaka-apekto na ating buhay. May

kakayahan tayong magsumikap upang marating natin ang ating nais marating kasama

ng panalangin.

“Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising”

Kahulogan: Minsan, masungit ang tao kapag bagong gising lalong-lalo na kung kulang

ang tulog o na-istorbo ang tulog niya. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating iwasan

ang pagbibiro sa mga bagong gising.

You might also like