You are on page 1of 1

Komunikasyon at Pananaliksik

DED NA SI LOLO - Rebyu

1. Ipakilala ang mga tauhan at mga katangian nila.


 Charing- Isang Vegtable Vendor
 Bobet – Bunso sa magkakapatid.
 Tita Mameng – Nag mamay-ari ng karenderya
 Dolores – Isang fruit vendor
 Junie – Isa sa mga masiyahin sa magkakapatid.
 Isidro – Meat vendor
2. Ilista ang mga kulturang Pilipino na napanood sa pelikula.
 Bawal mag suot ng pulang damit sa lamay.
 Paglagay ng sisiw sa lamay.
 Bawal banggain ang lamay.
 Bawal maligo pag may lamay sa bahay.
 Bawal magwalis pag may lamay
3. Ilista ang mga alam mong pamahiin na hindi naisagawa sa pelikula.
 Huwag pagpatung-patungin ang mga plato pag may isa pang hindi tapos kumain.
 Bawal mag walis sa gabi.
 Mag pag-pag pagkagaling sa lamay
 Bawal ma-busog bago matulog.
 Bawal mag-gupit ng kuko sa gabi.
4. Anong gagawin mo kapag napunta ka sa isang lamay na hindi mo alam ang mga pamahiin?
Makikinig sa mga sasabihin ng mga taong maninita sa akin at hindi iyon uulitin.
5. Ibigay ang buod at aral ng kwento.

Makakarating kay Charing (Manilyn Reynes) ang masamang balitang patay na ang
kanyang ama at siya’y hihimatayin sa sobrang gulat at kalungkutan. Makikita ito ng kanyang
pamilya at magiging apektado sa lahat ang kanyang bunsong si Bobet (BJ Forbes). Masasaksihan
ni Bobet kung paanong mababago ng kamatayan ng kanyang lolo ang samahan ng kanyang ina,
mga tiyahin at tiyuhin na pawang mga palingkera lahat. Ito ay mangyayari rin sa gitna ng mga
pagtatalo-talo ukol sa mga kasabihan at tradisyong Pilipino ukol sa patay. Sa bahay ng kanyang
lolo kung saan nakatira ang kanyang Tita Mameng (Gina Alajar) ang burol. Isa-isang
magdadatingan ang mga tiyuhin at tiyahin ni Bobet. Unang darating si Dolores (Elizabeth
Oropesa) ang sinasabing pinakamapera sa lahat at pinakamasama rin ang ugali. Sunod ay ang
kanyang tiyuhing panganay ( Dick Israel) at ang pinakahuli ay si Junie (Roderick Paulate) ang
tiyuhin niyang binabae. Sa pagkamatay ng lolo ni Bobet, ay mauungkat ang mga itinatagong
lihim, sama ng loob at mayroon din namang ilang masasayang alaala.

Natutunan ko sa pelikulang ito na ang kamatayan ay isang trahedya na hindi maiiwasan. Ngunit
na tayo’y nasawi dahil sa trahedyang ito hindi natin maiiwasan na magalit at manisi ang mga tao dahil
lamang di naisagawa ang responsableng kanyang dapat gawin. Pero kahit na ganoon, dapat matuto
tayong mag patawad lalo na sa mga taong di nating alam na atin pang nasasaktan.

You might also like