You are on page 1of 3

Dalubhasaang Rizal ng Taal

Kagawaran ng Kriminolohiya

NAME: LINDO, BRYLLE JUSTIN C.

SECTION: GOLF III

Pagsusuri ng Pelikula
“Ded na si Lolo”
I. Panimula
Magbigay ng intoduksyon tungkol sa nilalaman ng istorya at magkaroon ng
paghihinuha sa layunin ng pelikula. Kinakailangang mabanggit rin dito ang
pamagat, pangalan ng director at kung saan nahahalaw o nakabase ang
pelikula.

* Nagsimula ang kwento nang maibalita kay Charing ang pagkamatay ng kanyang ama. Dahil sa
pangyayaring ito, mababakas sa pamilya ang matinding kalungkutan at epekto nito sa kanila. Lalong-lalo
na sa bunsong anak ni Charing na si Bobet. Isa-isang dumating ang magkakapatid sa bahay ni Mameng
na kung saan nakaburol ang kanilang ama. Dumating sina Charing at dito na rin nagsimula ang mga
tradisyon nating Pilipino sa mga patay. Maraming mga kaugalian ang ipinakita ng magkakapatid. Makikita
din sa pelikula ang away nina Dolores at Mameng na nag-ugat sa pagiging batugan ng asawa ni Mameng
na umaasa lang sa yumao nilang ama na sobrang ikinagalit ni Dolores. Kasama rin ang isyung pinatira ng
ama nila sila Mameng sa bahay imbis na si Dolores

II. Karakterisasyon at Pagganap


Ibigay ang pangalan ng mga tauhan at kung anong ginagampanan nila sa
kuwento.

*Lado Juan ang yumang Ama nina ann, Dulares, Mameng Junner, at Charing: Ang kanyang mga
anak ay nagdadaamun sa kanyang pagmala sa mundo dahil hindi na nila muling masisilayan ang Ama
Shano Panganay na anak ni Junner at sya lamang ang nakakaalam na may iba pang pamilya ang
kaniyang Ama Sa bandang huli ay ibinahan niya sa kaniyang mga kapatid ang itinatagong lihim tungkol
kay Aling pilar at sa amang yumao Dolores Ikalawang anak ni Juanito at kapatid na Maneng. Silang
dalawa ay hindi magkasundo dahil sa hindi pantay na pakikitungo ng kanilang yumaong Ama kay
Dolores. Mameng Ikatlong anak ni Juanito at siya ang naninirahan sa hahay ng kaniyang Ama Sa kaniya
ipinagkatiwala ng na ang bahay at pera ni kaya naiinggit si Dolores sa kanya. Junee Ikaapat na anak ni
Juan at pilit na naghahahanap ng mga kasagutan tungkol sa pamahiin. Charing Ikalimang anak at siya
ang laging nasa gitna tuwing nag-away sila Dolores at Mameng. Bobet Siya ang anak ni Charing na
laging inihahanda ang amo nya tuwing may namatay sa pamilya. Pilar Isang misteryong babae na
pumunta na burol ni Lolo Juanito. Nakilala bilang unang asawa ng yumaong ama ng limang mag
kakapatid. Socorro Siya ang anak nina aling pilar at Juanito.

III. Uri ng Panitikan


Tukuyin kung anong uri ng panitikan ang pelikula at bakit niyo nasabi na ang
pelikula ay nabibilang dito.

*Ang tradisyunal na panitikan ay madalas nating mapapanood sa mga teleserye sa mga


telebisyon ito ang mga programang nagbibigay aliw, pag asa at saya sa kanyang mga taga subaybay. Ito
ang kinagisnang paniniwala sa sariling panitikan ng bansa. Lundayang ng pamumuhay ng sang katauhan
mula sa kanilang paniniwala, kalinangan, kasayanayan, karunungan, at pagpapahayag ng damdamin,
imahinasyon at isipan, pagkatao at pagkatuto,presentasyon ng lahi’t kaukulan, pagpapahalagang moral at
paghabi ng kasaysayan at paglinang sa bawat sibilisasyon.

IV. Buod
Isalaysay ang buod at pangunahing ideyang nilalaman ng kuwento.

*Ang pelikulang “Ded na si Lolo ay kwento ng isang yumaong Ama ng limang magkakapatid. Sa unang
bahagi ng kwento ay ipinakita ang pagkagulat ni Chareng dahil sa balitang namatay na ang kaniyang Ama. Siya ay
nahimatay at agad namang naagapan dahil sa amonya na pinaamay sa kaniya. Pumunta ang kaniyang pamilya sa
tahanan ng Ama upang makita ito. Pagdating sa bahay ay nakita rin niya ang iba pa niyang mga kapatid. Silang lahat
ay nag-iyakan sapagkat hindi na muling masisilayan ang kanilang Ama Sa burol ni Lolo Juanito, si Mameng at
Dolores ay hindi magkasundo dahil sa hindi pantay na pagtingin ng kanilang Ama noong ito ay nabubuhay pa kaya
may lihim na inggit si Dolores sa kaniyang kapatid. Maraming tao ang nakiramay sa burol ng kanilang Ama at
napansin nilang may misteryong babaeng dumating. Ang babaeng ito ay nangangalang Aling Pilar at siya ang unang
asawa ni Juanito. Si Syano lamang ang nakakaalam ng lihim at huli na ang lahat bago pa niya sinabi sa kaniyang
mga kapatid. Ipinakita sa kwento ang nga panahing pinaniniwalaan ng mga Pilipino tuwing may namamatay. Nang
thahatid na sa puntod ang kanilang Ama ay nagkasundo-sunda na ang magkakapatid sapagkat sila ay naliwanagan
sa katotohanan at lihim.

V. Pamahiin Mga Pamahiin sa Lamay at Libing


*Maraming matatandang pamahiin na hanggang ngayon ay namamayani pa rin at isa na rito ay ang mga
pamahiin tungkol sa patay. Ang pelikulang “Ded Na Si Lolo” ay puno ng mga pamahiin tungkol sa patay. Ang mga
pamahiin na ipinakita ay mga bagay na bawal gawin sapagkat ito daw ay magdadala ng malas o mga bagay na
dapat gawis sapagkat ito naman ay magdadala ng suwerte Mga bagay na bawal gawin tuwing may lamay

1. Bawal maglinis kapag may patay

2. Bawal maligo sa bahay kung saan nakaburol ang patay

3. magtira o maguwi ng pagkain galing sa burol ng patay.

4. Bawal maghatid ng bisita ang sino mang kamag anak ng patay

5. Bawal dumiretso agad sa bahay kailangan dumaan muna sa ibang lugar.

6. Bawal tuluan ng luha ang kaboong ng patay.


7. Bawal magsuot ng kulay pula na damit sa lamay Mga bagay na ginagawa tuwing may lamay

8. Maglagay ng pera sa kamay ng patay at kumin ito hago ilibing.

9. Maglagay ng sisiw sa ibabaw ng itaol ng patay kapag siya ay pinatay

10. Ihakbang ang mga bata sa ibabaw ng nitso ng patay kapag ililibing na ito.

11. Magbasak ng palayok pagkatapos buhatin ang itaol ng patay sa lugar ng lamay

12. Maglagay ng rosarya sa palad ng patay tapos putulin ito

13. Magbato ng pera habang nilalakad ang patay papuntang sementeryo

VI. Moral

* Likas na sa ating mga Pilipino ang naranasan ang hirap at kaginhawaan ng buhay. Walang sino
man ang makatutulong sa ating kundi ang sariling pamilya lamang. Minsan sa buhay ay masasabi natin
na dumarating sa punto na hindi pagkakaunawaan sa bawat kasapi ng pamilya lalo sa usapang pera.

You might also like