You are on page 1of 15

Pagsusuri sa Dulang Makapaghihintay ang Amerika

ni Dionisio S. Salazar

I.Pamagat: Makapaghihintay ang Amerika


II. May Akda: Dionisio S. Salazar
Si Dionisio S. Salazar ay alagad ng Sining na tubong Nueva Ecija at hindi matatawaran
ang kaniyang husay at galing sa pagsulat ng mga nobela at dula. Marami na rin siyang natamong
mga parangal sa Carlos Palanca, National Balagtas at marami pang iba. Nakamit din ni Salazar
ang unang gantimpala sa One- Act Play sa Filipino noong 1968 ng kaniyang isinulat ang dulang
“Makapaghihintay ang Amerika.” Naparangalan din siya bilang Outstanding Filipino Awardee sa
TOFIL noong 1994. Siya ay tunay na huwarang manunulat ng makabagong panahon. Ang
kaniyang mga dula ay isang obra maestrang maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado
at walang katulad ang husay na manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga
isinulat ay dapat tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin.

III. BUOD

Sa bahay ng mga Cortez, sa Maynila ay makikita sa kanilang sala si Ligaya na nakasandal sa


kanilang sofa at bumabasa ng “pocketbook.” Isa siyang Propesor sa isang malaking pamantasan
sa Maynila. Habang nagbabasa ay maiinip siiya sa kahihintay sa byenan at mga anak na nanuod
ng sine. Pagkaraan ng ilang minute ay dumating na rin ang kaniyang byenan at mga anak.
Ipinagmalaki ni Boy, ang kaniyang anak na lalaki ang kanilang napanoud sa sine. Naipahayag din
ni Marta, ang kaniyang byenan na mahusay na ang mga gumaganap na artistang Pilipino
ngayong panahon. Habang nagkukuwentuhan ay nabanggit ni Boy ang sinabi sa kaniya ng
kaniyang ama na si Fidel na kung gusto nitong pumunta sa Amerika.
Matapos ang kuwentuhan ay nagbihis ng pambahay ang mga anak ni Ligaya habang naiwan
naman sa sala ang magbyenan. Nagkuwentuhan sila tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta
ng Amerika at ang mga suliranin ng lipunan. Nag-isip sila ng paraan para sa darating na
kaarawan ni Fidel bukas. Malungkot si Ligaya dahil muling malalayo nanaman ang kaniyang
asawa sa kaniyang piling kaya naman minabuti nan g magbyenan na kausapin si Fidel sa balak
nito. Napag-usapan din nila ang hindi patas na pagtalaga sa posisyon sapagkat napili si Fidel sa
isa sa mga itataas ang posisyon sa ospital. Ang pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika ay
labis na ipinag-aalala ni Ligaya dahil kakaiba ang uri ng pamumuhay ng mga tao doon at
panibagong buhay ang kanilang matatamasa kung doon magtratrabaho si Fidel. Naituon naman
ang kanilang usapan sa Amerika, kung anong klase ng pamumuhay mayroon sila at ang mga
sawimpalad na mga dalagang ina na bunga ng sinasabing makabagong kabihasnan. Ang
katotohanang ang ating panahon ay henerasyon ng panggagay, panghuhuwad, panloloko,
krimen, pagsasamantala at iba pang mga sakit ng lipunan.
Dumating si Fidel na nakabarong Tagalog at masuyong hinagkan ang kabiyak nitong si
Ligaya. Tinawag naman ni Marta ang kaniyang mga apo upang magbigay galang sa kanilang
kadarating pa lamang na ama. Ikinumusta naman ni Fidel ang panonoud ng sine ng mga anak,
aktibo naman itong ibinahagi ang kanilang karanasan at napanood. Pagkatapos ay inalok naman
ni Marta ang kaniyang mga apo upang magluto ng hapunan. Naiwan ang mag-asawa sa sala.
Sinabi naman ni Fidel na may naitalaga na bilang isang assistant director sa ospital na kaniyang
pinapasukan. Saka naman ipinilit uli ni Fidel ang kaniyang balak na pumunta ng Amerika dahil
mas giginhawa raw ang kanilang buhay sa Amerika kaysa sa Pilipinas. Hindi na masikmura ni
Fidel ang katiwaliang nagaganap sa bansa at ang kawalan ng hustisya.
Todo naman ang pagkumbinsi ni Ligaya na manatili na lamang sila sa Pilipinas hanggang sa
may narinig silang sumisigaw magnanakaw sa labas ng kanilang bahay hanggang sa may narinig
silang putok ng baril. Nagpapatunay ito sa mga sinabi ni Fidel na pasasaan ang kanilang buhay
sa Pilipinas kung kabi-kabila ay may krimeng nagaganap. Nang tinawag na sila ni Rosa, ang
kanilang anak na babae upang maghapunan. Nabanggit ni Boy na tuwing papasok na siya sa
paaralan ay ihahatid at isusundo siya ng kaniyang ama naitanong ni Fidel kung ano ang gustong
maging ni Boy paglaki nito.
Matapos ang kumain ay naupo sa sofa si Fidel at nag-isip-isip tungkol sa mga nasabi ng
kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak. Kinaumagahan ay lumabas ng bahay si Fidel upang
ikuha ang kanilang dyaryo. Pagbalik niya ay sinorpresa siya ng kaniyang pamilya. Masayang
ibinigay ng kaniyang mga anak at ng kaniyang ina ang kanilang regalo kay Fidel.
Nakapagdesisyon na si Fidel na huwag nang pumunta ng Amerika at manirahan na lamang sa
Pilipinas. Masayang- masaya naman na ibinigay ni Ligaya ang kaniyang regalo kay Fidel sa
pamamagitan ng pagsabi nito na madaragdagan nanaman ang kanilang pamilya. Masaya
namang naibigkas ni Ligaya ang “Makapaghihintay ang Amerika.”

III. PAGSUSURI
A. URI NG PANITIKAN
Ang nabasang teksto ay isang uri ng dula. Ang dula ay isang uri ng panitikan na
pinakalayunin nito ay maitanghal sa isang tanghalan, nahahati ito ilang yugto na maraming
tagpo. Ang tagpo ay ang paglabas-masok ng mga tauhan sa tanghalan. Ang yugto naman ay ang
bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad ang tabing sa bawat yugto upang makapagpahinga
ang mga natatanghal gayon din ang mga manonood.
Ang patunay na isang uri ng dula ang “Makapaghihintay ang Amerika” ay sapagkat mayroon
itong Simula, Gitna at Wakas. Na kung saan sa Simula ay mayroon tagpuan at ipinakilala ang
mga tauhan sa kuwento. Sa Gitna naman ay ipinakita ang tunggalian na kung saan ipinahayag
ang pagbabalak na manirahan ni Fidel sa Amerika. Sa Wakas ay mayroon itong kakalasan at
kalutasan na kung saan ay napagdesisyonan ni Fidel na manatili na lamang sa Pilipinas. Isa pang
patunay ay mayroon itong tagpuan, sa bahay ng mga Cortez, sa Maynila at mayroon din itong
diyalogo.

B. ESTILO
Ang estilo ng pagkakasulat ng banghay sa kuwento ay mayroon kronolohikal na
pagkakasunod-sunod dahil ang paksa nito ay tungkol sa tao na mayroon mahahalagang
impormasyon at pangyayari na nagaganap sa kanilang paligid. Nagsimula ang dula sa pag-uusap
nina Ligaya at ng kaniyang byenan na si Marta tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng
Amerika. Napag-usapan din nila ang mga bagay-bagay na nangyayari sa loob ng bansa, kung
gaano na katalamak ang mga krimeng nagaganap at ang hindi patas na pagtalaga sa posisyon.
At sa pagdating ni Fidel ay ito ang naging sanhi upang mag-usap ang mag-asawa ng masinsinan
at magkasagutan.
Kapansin-pansin din na ang dula ay nakapokus lamang sa pag-uusap ng mga tauhan
tungkol sa suliranin ng bansa at ang kaganapan sa Amerika. Kakaiba ang naging paraan ng
pagsulat ng banghay ni G. Salazar sapagkat ang atensyon ng tema nito ay tungkol sa lipunan.
Nagsimula ang dula sa pagbukas ng tabing at makikita sa tanghalan si Ligaya na
nagbabasa ng isang “pocketbook” at hinihintay ang kaniyang pamilya na umuwi. Malungkot at
puno ng aalalahin ang mukha ni Ligaya. Nagtapos naman ito sa pagdedesisyon ni Fidel na
naging sanhi upang maging masaya si Ligaya.
IV. PANANALIG PAMPANITIKAN/TEORYA:

1. HUMANISMO - dahil nabigyang pansin ang mga saloobin ng bawat tauhan sa kuwento.
Ipinakita rin kung gaano katalino at may mabuting hangarin ang mga ito.
2. FEMINISMO -dahil ipinakita sa dula ang mga gawain ng isang babae sa isang tahanan.
3. SOSYOLOHIKAL -dahil inilahad dito ang mga suliranin ng lipunan.
4. EKSISTENSYALISMO -dahil malayang nailalahad ng bawat tauhan ang kanilang opinyon
tungkol sa mga nangyayari sa bansa.
5. REALISMO -sapagkat ipinakita rito ang mga karanasan ng may-akda patungkol sa
lipunang kaniyang ginagalawan. Samakatuwid, ang dula ay hango sa totoong buhay.

III: MGA PANSIN AT PUNA


A. TAUHAN:

Ligaya
Sa pagbubukas pa lamang ng tabing ay si Ligaya na agad ang makikita sa entablado. Siya
ang asawa ni Fidel at isang guro sa isang malaking pamantasan sa Maynila. Sa simula, puro siya
alalahin dahil sa pagbabalak ng kaniyang asawa na pumunta ng Amerika sapagkat kakaiba na
ang klase ng babae sa bansang iyon, ayaw niyang nawawalay sakaniya ang kaniyang asawa at
isa pa, siya ay buntis sa ikatatlo nilang anak. Ang pinakatumatak na linya na kaniyang sinabi ay
ang “Kahit saan, anak, ay may mahusay at may mahinang klaseng guro.”
Fidel
Siya ang bana ni Ligaya, isang doktor at nagbabalak na pumunta sa Amerika. Ang may
kaarawan kinabukasan.Naisipan niyang pumunta ng Amerika dahil sa hindi maayos na sistema
ng bansa. Mayroon ding magandang oportunidad na naghihintay sa kaniya sa Amerika. Hindi rin
siya ang napili bilang assistant director sa kanilang ospital. Kilaunan, habang nag-iisip-isip
tungkol sa mga nangyari at mga nasabi ng kaniyang anak at asawa na tama sila at huwag na
lamang tumuloy sa Amerika. Ang pinakatumatak sa akin na kaniyang linya ay “Hindi ko na
masikmura ang mga kabuluka’t katiwaliang aking nakikita, nadarama, nababasa… sayang at
hindi ako naging nobelista o mandudula, kung nagkatao’y baka sa isang Noli rin o isang
“Kahapon, Ngayon, at Bukas” ang masusulat ko.”
Marta
Ang ina ni Fidel. Naging patnugot ng isang kawanihan at sa kasalukuyan ay pensyunada na.
Kasama ang mga bata na nanuod ng sine. Nag-aalala siya sa kaniyang anak na si Fidel sa
pagbabalak nito na pumunta ng Amerika. Mahal na mahal niya ang kaniyang anak at apo kaya
gusto lamang nito na maging masaya ang kaniyang pamilya. Ang pinaka nagustuhan kong linya
ay ang “Nakakahiya, ngunit totoong ating panahon ay henerasyon ng panggagaya,
panghuhuwad, panloloko, krimen at panggagahasa.”
Rosa
Anak na babae nina Fidel at Ligaya. 9 na taong gulang. Mapagmahal na anak at matulungin.
Ang gusto niyang kunin paglaki niya ay katulad din ng kaniyang ina, ang maging isang guro.
Napapansin din niyang mas mahal pa ng kaniyang tatay ang kaniyang trabaho kaysa sa kanila.
Ang pinatumatak sa akin na kaniyang linya ay ang “Sa tingin ko, mas mahal mo pa’ng trabaho
mo kesa sa amin.”

Boy
Anak na lalaki nina Fidel at Ligaya. 7 na taong gulang. Mapagmahal at maunawain. Ang
gusto niyang kunin paglaki ay isang pulis dahil susugpoin daw niya ang mga masasamang tao.
Gusto niyang makapiling ang ama tuwing papasok siya ng klase katulad ng kaniyang kaibigan.
Ang pinakatumatak saakin na kaniyang linya ay ang “‘Pahuhuli kong lahat-lahat ng
magnanakaw, saka mandurukot, saka ‘yung nambabaril ng tao, saka – a basta lahat ng masama,
‘papahuli ko sa Pulis!”
B. GALAW NG PANGYAYARI
Pag-aalala ang himig na nagibabaw sa kuwento sapagkat nababahala si Ligaya sa
pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika dahil iba ang klase ng pamumuhay ng mga tao roon
at isa pa, ibang klase ang mga babae sa lugar. Mas gusto kasi ni Ligaya na manatili na lamang sa
Pilipinas kaya naman pinaintindi ni Ligaya kay Fidel na hindi na nila kailangan pang pumunta ng
Amerika para lamang umalis sa bansang walang kaayusan. Pinapakita rin dito ang mga
suliraning nagaganap sa Pilipinas ang hindi organisadong pamamahala ng mga Politiko at
talamak na krimen.
Isa rig himig nito ang pagkagalak dahil sa huling tagpo ng dula ay naintindihan na rin ni
Fidel na hindi niya naman kailangan pang pumunta ng Amerika upang makaalis sa Pilipinas.
Narito ang kaniyang pamilya at dito na siya lumaki, napagtanto rin niya ang mga sinabi ng
kaniyang mga anak. Pagkagalak sapagkat napagdesisyonan na ni Fidel na manatili sa bansa at
may isang balita siya na nagpagalak sa kaniyang kalooban, ang pagbubuntis ni Ligaya sa kanilang
pangatlong anak.
“Ikaw ay isang tanyag na siruhano. Di ba’t ang isang maysakit, gaaanuman kalubha ang
karamdaman, ay may pag-asang gumaling?” “Depende sa karamdaman, Gay. Nakita mo, ako’y
hindi nandiri kailanman sa anumang sakit, datapwa’t ang sumasagong na ng ating lipunan ay
totoong napakalansa, nakakaririmarim, nakakasuka.” Isa ang linya ito sa patunay na ang paksa
sa dulang ito ay tungkol sa mga sakit ng lipunang nagaganap sa Pilipinas na kung saan hindi na
kaya pang tignan ni Fidel ang mga nangyayari.
Ang tagpuan ay sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila. Nagsimula ang kuwento sa may loob
ng bahay ng mga Cortez na kung saan naka-upo si Ligaya sa sopa at nagbabasa ng pocketbook
makikita sa loob ng bahay ang mga mamahali’t makabagong muwebles, telebisyon, hi-fi, atbp.
(iaangat ang ulo sa binabasa at titingin sa kaniyang orasan) Aba mag-aanim at kalahati na’y wala
pa si Mama, tila sila nawili sa panonood… Si Fidel naman ay wala rin. (Itutuloy ang pagbasa)
Ginanap ito sa kasalukuyang panahon na kung saan talamak ang krimen at kawalan ng
hustisya sa bansa. Hindi organisado ang pamamahala at angat ang taong may kapit sa taas.
Kabilabilaan ang mga krimen nagaganap sa panahong ito mayroon isang linya sa kuwento ang
nagpapatunay na kahit saan ay may krimeng nagaganap.
IV: BISANG PAMPANITIKAN
A. BISA SA ISIP:
Pilipinas. Kung noon bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, kilala na
tayo bilang mga magnanakaw kaya naman kinakatakutan tayo ng mga katabing bansa.
B. BISA SA DAMDAMIN:
Nang dumating ang Kastila ay naging alipin tayo sa sarili nating bayan, dito nagsimula
ang pangungutong, suhol at korupsyon. Malungkot man isipin ngunit hanggang ngayon ay
nangyayari pa ito sa ating bansa.
C. BISA SA KASALAN:
Kaliwa’t kanan ang mga krimeng nagaganap sa ating lipunan dahil sa mga taong tanging
iniisip lang ay ang kanilang ikaaangat sa buhay.
D. BISA SA PANLIPUNAN:
Ang dulang ito’y pinapahayag ang mga kadalasang nagyayari sa isang pamilya at lipunan.
Sa dula rin itong pinakita na ang mga materyal na bagay ay hindi siyang lahat sa buhay ng
tao. Ipagmalaki rin natin ang ating bayan at mas mahalin ang mga taong nakapalibot sa atin.

PAGSUSURI SA TULANG ANG GURYON

Ang Guryon
 ni Ildefonso Santos At baka lagutin ng hanging malakas.

Tanggapin mo anak, itong munting guryon Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Na yari sa patpat at “papel de Hapon” Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Magandang laruan pula, puti, asul Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na may panagalan mong sa gitna naroon. Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin, At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin; Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling Kung saka-sakaling dina mapabalik
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling. Maawaing kamay nawa ang magkamit!

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
At sa papawiri’y bayaang lumipad; Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!

PAGSUSURI:
I. PAMAGAT: Ang Guryon
II. MAY AKDA: Ildefonso Santos
  Si Ildefonso Santos ay nagmula sa bayan ng Malabon at siya’y isinilang noong Enero 23,
1897. Siya ay nag-iisang anak nina Atanacia Santiago at Andres Santos. Nagsimula ang pagkahilig
niya sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsan na si Leonardo Dianzon na isa ring
makata. Nang dahil sa tulang isinulat ni Ildefonso natuklasan ni Dianzon ang kahusayan ng
pinsan sa pagsusulat ng tula at doon nagsimula ang kanyang pagsulat ng tula. Ginamit niya ang
“Ilaw Silangan” bilang sagisag-panulat.Nagtapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon at
siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher’s College. Siya ay kilala sa
pagsusulat ng mga magagandang tula. Pumanaw sya sa edad na 84 ngunit nanatili parin ang
kanyang mga tula na isa sa mga nagpayaman sa panitikang Pilipino.
III.   ESTRUKTURA:

A. SUKAT, SAKNONG AT TALUDTOD


Ang tulang “Ang Guryon” ay may sukat na lalabindalawahin sa bawat taludtod.
Ito ay may anim na saknong at may apat na taludtod sa bawat saknong.
B. TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Imahismo: dahil gumagamit ito ng mga imahen upang mas madaling maunawaan ng mga
mambabasa ang ano mang damdamin, kaisipan, ideya, saloobin na nais ipahayag ng tula.

IV.  PAGTALAKAY SA PAMAGAT:


Ang pamagat ng tula ay “Ang Guryon” o saranggola. Ito ay sumisimbolo sa pangarap ng tao sa
buhay. Kung gaano na katayog ang pangarap at kung paano ito makakaabot sa nais nitong
abutin. 
V.   SARILING PUNA:
Ang tulang “Ang Guryon” ay patungkol sa pangangaral ng isang ama sa kanyang anak.
Inihalintulad ang guryon sa buhay ng tao. Kung paano ang tamang pagbalanse ng mga bagay sa
buhay ng tao. Maraming maaaring kaharapin ang bawat isa sa atin. Katulad ng isang guryon
maaaring ang buhay ang tao ay dumaan sa maraming pagsubok na tiyak na susubok sa atin.
VI.   ARAL MAKUKUHA:
Katulad ng isang guryon tayo rin dapat ay magpatuloy sa paglipad patungo sa ating mga
pangarap. Hindi dapat tayo sumuko kung may mga unos man tayong kakaharapin bagkos dapat
nating tatagan ang ating loob at magpatuloy sa buhay.

PAGSUSURI SA PELIKULA
PAGSUSURI
I. PAMAGAT NG PELIKULA: Baler
II. MAY-AKDA: Roy C. Iglesias
DIRECTOR: Mark Meily
III. BUOD
Labing limang taon noon si Daniel (Phillip Salvador) ay pinagmalupitan siya ng mga
lasing nasundalong kastila. Pinagsasamantalahan din ng isang opisyal na kastila ang kanyang
kapatid sakanyang harapan, at nang sila'y humingi ng tulong sa sa simbahan, ay kinampihan pa
nito ang mgakastilang maituturing sanang may kasalanan.Kaya ganun na lang ang galit niya sa
mga banyaga.Lumaban ang hukbong Pilipino sa loob ng maraming taon at natalo nila ang kampo
ng mga kalaban saBaler. Ngunit nang nakamit na ang kalayaan sa iilang bahagi ng kapuluan,
pinadalhan ng sulat anghukbo nina Daniel na makipag-ayus na sa mga kalaban at itigil na ang
putukan laban sa mga ito, hindisila pumayag. Patuloy ang pagtuturo ni Daniel kay Gabriel (Carlo
Aquino) kung paano humawak atmagpapaputok ng barel upang ipagtanggol ang sarili sakaling
sila'y maaagrabyado ng mga kastila.Sinuway ni Gabriel ang kanyang ama, dahil ang balak niya
ang maging pari na ikinagagalit naman niDaniel.Hindi rin napigilan ni Daniel na umibig ang
kanyang anak na babae na si Feliza (Anne Curtis)sa isang sundalong kastila na si Celso( Jericho
Rosales) dahil umiibig sila ng patago.Habang sa panig naman ng mga kastila ay patuloy din ang
paghahanda ng kanilang mga tauhan upangsila ay hindi gugutumin sakaling sila'y lusubin ng mga
rebilding Pilipino.Naghahanda sila ng mga pagkain at maiinum sa loob ng simbahan, na ginawa
nilang kampo ng kanilang hukbo. Ang mga pamilya naman ng mga sundalong Pilipino, ay abala
din sa kanilang pag-alis papunta sa ligtas na lugar upang hindi madamay sa tuwing
magkaputukan.Niyaya pa sana ni Celso na makipagtanan nalang kayFeliza ngunit hindi siya
nagtagumpay dahil abala din ito sa pag-alis kasama ang kanyang pamilya.Subalit habang silay
naglalakad ay biglang kumalas itong si Gabriel sa grupo at bumalik sa Baler atdoon na tumira
kasama ang iilang sundalong Pilipino na umanib sa mga kastila.Pagkapos makapaghanda ay
noong ika 29 ng Hunyo taong 1898 ay sinalakay ng hukbong Pilipino angmga kastila sa loob ng
simbahan ng Baler. Ngunit hindi nila magawang pulbusin ang simbahansapagkat naroroon ang
anak ni Daniel na Gabriel.Kaya nagpasya na lamang si Col. Villacorte( LeoMartinez) na hintaying
sumuko ang mga ito dahil darating din araw na mauubosan ng pagkain ang mgakastila sa
loob.Dahil nabalitaan ng mga Pilipino na darating ang mga Amerikano upang pasukuin angmga
kastila, naiisip nilang mawawalan sila ng karangalan kung ang mga ito pa ang magpasuko sa
mgakastilang matagal na nilang minamanmanan. Kaya kinausap na naman nila ng mga kastila na
sumukonalang ngunit nagmatigas pa rin si Capt.Las Morenas na pasukuin ang kanyang hukbo.
Nasa loob din si Lope ( Mark Bautista) na kaibigan ni Celso na umiibig din kay Luming ( Nikki
Bacolod) na kaibigan din ni Feliza. Pareho silang may iniibig sa labas ng simbahan at pareho din
silangnakulong sa loob.Kasama nila si Gabriel. Hindi pa rin kasi lumabas dahil anya mas panatag
pa raw angloob niya kung nasa loob siya kasama ang pari kaysa kasama niya ang ama niya sa
labas. Ang pamilyaniya sa labas ay abala sa pagtulong sa mga sundalong Pilipino upang maghatid
ng mga pagkain. Angibang kababaihan ay inaasam na ang pagsisimba kaya't pinadalhan nila ng
mensahi ang mga nasa loobng simbahan na kung maaari ay papasok ang mga debotong
kababaihan at magsimba. Pumayag namanang mga ito ngunit sa kalagitnaan ng mesa ay biglang
hinimatay ang pari at di nagtagal ay tuluyan naitong namatay. Dahil wala ng pagsilbihan si
Gabriel na pari sa loob, at papaubos na rin ang mgainiimbak na pagkain, kinumbinsi siya ni Celso
na bumalik nalang sa kanyang mga magulang.Pinakitaan naman ito ng pagmamahal sa kanyang
ama na akala niya'y galit sa kanya. Wala na ngayongsagabal sa pag-atake dahil wala na si Gabriel
sa loob. Pinadalhan ng sulat si Capt. Morenas, upang sa pangalawang pagkakataon ay sumuko
dahil kung hindi ay mapipilitan silang magpaputok. Ngunitgumanti naman ng sulat ang pinuno
ng mga kastila na maaaring magpaputok ang mga saundalongPilipino sa kanila kung kailan nila
gusto, dahil mas ikakarangal pa raw nila na mamatay sa gutom at bala kaysa sumuko sa kalaban.
Kaya binomba sila ng mga Pilipino at doon natamaan si Capt. LasMorenas at namatay.Hindi pa
rin sila sumusuko, kung kaya't naisipan ni Daniel na papainggitin nila ang mga kastila sa loobat
maghahanda sila ng maraming pagkain sa labas ng simbahan. Nang makita ng mga kastila na tila
may piesta sa labas, inggit na inggit ang mga ito at naisipang magnakaw ng pagkain pagsapit ng
dilim.Lumabas si Celso at isa pa niyang kasama upang magnakaw ng pagkain at si Celso naman
aymakipagkita kay Feliza. Tagumpay ang dalawa kahit alam nilang hindi rin magtatagal ang
pagkain nayun.Isang gabi'y sinububukan ni Celso na utosan itong si Bravo( Isang Tuta) na
maghatid ng sulat kayFeliza, ngunit nang lumabas ito' napag-intirisan ng kanyang mga kasama
na katayin at kainin. Dahil sagutom ay nagawa ng mga nakulong sa loob ang kumain ng daga at
huli'y kalabaw.Lumipas ang ilang buwan ay nagsilang na si Feliza ng kanyang anak kay Celso.
Walang nagawa angkanyang ama kundi tanggapin ang katutuhanan. Isang araw ay may
dumating na dalawang kastila nagaling pa sa Espanya at nagkumbinsi sa mga kastila sa loob na
sumuko nalang dahil halos lahat ng mganasasakupan at nabihag ng mga kastila sa ibang lugar ay
mayroon ng sariling kalayaan. Ngunit patuloyna nagmatigas ang pinuno at sinabing sinungaling
ang mga ito.Apat na mga sundalo sa loob ang nagktangkang tumakas dalawa sa kanila ay si Celso
at Lope, ngunitdalawa sa kanilang ang hindi nagtagumpay, si Celso at ang isa pa niyang kasama.
Nauking sila ngkanilang pinuno at itinuro ng kasama ni Celso na siya ang may pakanan sa
pagtakas ng dalawa. Dahilsa galit ng pinuno ay inutos niya sa kanyang kawal na patayin si Celso.
Ngunit isang pahayagan angnabasa ng pinuno na nagpapatunay na totoo ang mga sinabi ng
dalawang kastila na bumisita sa kanilakamakailan. Ito ang nag-udyok sa kanya upang sumuko sa
kamay ng hikbong Pilipino. Lumagda ito ngkasunduan ng kayaan at sila'y nagkaisa. Ngunit isang
malaking trahedya para kay Feliza ng malaman niya hindi kasama si Celso at ito'ynaiwang patay
sa loob ng simbahan. Labis ang pagdadalamhati ni Feliza noon ngunit sa paglipas ng panahon ay
humilom din ang sugat sa kanyang damdamin. Ito ang estorya niya na binahagi niya sakanyang
anak, na ang pangalan din ay Celso.

IV. ISTILO NG PAGLALAHAD:

Ang pelikula ay nagsisimula sa isang away sa gitna ng mga Kastilang sundalo at rebelding
Filipino. Sa gitna ng gabi kung saan tumambang ng mga rebelde ang kupunan ng mga Kastila.   Sa
gilid ng kwento ay pinakita ang pag-iibigan at trahedya nina Celso at Feliza. Nakikita namin ang
pamumuhay ng mga Pilipino at ang kanilang kultura.

A. MGA TAYUTAY O MATALINGHAGANG PANANALITA

1. “Malaking hamon ang magpatumba ng kalaban ngunit mas malaking hamon ang malukluk at
magpatakbo ng bayan.” Ito ang sinagot ni Col. Calixto Villacorte sa tanong ni Daniel Reyes
habang nag-uusap sila sa pagsalakay ng kupunan nina Tinyente Mota. Ipinaliwanag rin ni Col.
Calixto Villacorte kung anong hirap ang magpatakbo ng isang malayang gobyerno sa kamay ni
General Aguilnado at hindi lang ang pagsalakay ng kaaway ang alalahanin.

V. PANANAW/ TEORYA

A. Sosyolohikal

Ito ay isang uri ng pelikula na kapupulutan ng bawat manonood ng isang magandang aral. Itong pelikula
na ito ay pangkaraniwang nangyari sa totoong buhay. Napakalungkot isipin sa pamamagitan ng
pelikulang ito naalala nating mga Pilipino kung gaano namuhay ang mga Pilipino sa kamay ng mga
Espanyol. Pakiwari ng mga Pilipino, ay walang karapatan maghari-harian ang mga Kastila sa ating bansa
dahil hindi sila mga tunay na Pilipino. Para sa ating mga Pilipino tayo lamang ang may karapatan
manirahan at magmamahal sa ating sariling bansa. Subalit kung pagkaiisipan lamang nating mabuti,
bakit kaya marami sa mga dayuhan ang gustong manirahan dito at sakupin ang ating bansa?

Mayroong eksana sa pelikulang ito kung saan nagmamahalan sina Celso at Feliza. Si Celso ay hinid tunay
na Pilipino mayroon siayng lahi na Kastila, subalit si Feliza ay isang tunay na dalagang Filipina na umiibig
sa kanya. Sadyang pinakaasam-asam nila ang mga sandaling panahon na sila ay nagkasama. Inilahad sa
pelikulang ito na mayroong mga tao na nagmamahalan ng tapat sa git ng kaapihan at digmaan. Dahil sa
ilang mga positibung taglay ng pelikula ang tao ay hindi bastang sumuko agad lalo na kung ang kanyang
ipinaglalatan ay dahil sa kanyang bansang sinilangan at sa kanyang tunay na minamahal.

B.Sikolohikal
Sa buhay ng bawat indibidwal meron mga tao na hindi nila maaaring maiwasan at ilang mga tao na
kanilang hindi inaasahan upang matugunan. Ngunit sa ating paglaki marami tayong mga katanungan na
hindi natin maisasagot ng diridiretso dahil hindi pa natin naiintindihan kung bakit maraming bagay ay
nangyayari sa atin. Kung minsan nagagalit tayo sa diyos at hinahamon natin siya kung tunay ba siya o isa
lang imahinasyon. Minsan naman nawawala tayong pag-asa sa mundo at pinabayaan lang natin ang oras
ay lumipas hanggang naging manhid tayo sa katutuhanan at realidad. Pero sa bandang huli may mga
paraan na hindi natin namamalayan ay nababalik rin tayo o mga tao na akala natin ay wala na ay
bumalik na. Gaya ng eksena nina Luming at Lope na kung saan ay nakatakas si Lope para makita si
Luming muli. Dahil siya ay nagbibigay buhay nito at hindi gusto ni Lope na mamatay lang sa isang
madilim at mabahong simbahan na kasama ang mga bangkay ng iba pang sundalo. Alam niya na tao siya
at hindi lang isang Kastilang kawal ngunit bilang isang trabaho hindi niya maiwasan na malukluk sa gulo
dahil lang sa utos ng mga Tinyente.

VI.SARILING PUNA:

A.) MGA PANSIN AT PUNA SA TAUHAN:

Daniel Reyes (Philip Salvador)


-sa gumanap sa papel ni Daniel Reyes na si Philip Salvador, pinaramdam niya talaga sa
nanonood na siya ay isang tunay na Filipino, Ama, at inapi sa mga Kastila. Bagay sa kanya ang
gumanap na nagagalit na Ama dahil sa hugis at sa mga ibang aksyon na pelikula na siya ay nasali
noon.
Celso Ressurecion (Jericho Rosales )
-sa paggaganap ni Celso Ressurecion na isang hamak na kawal sa kupunan ng Kastila, Ipinakita
niya ang galing at husay sa isang lalaking umiibig at may responsibilidad sa kanyang posisyon.
Angel Locsin
-ay magaling rin sa paganap ng isang mapuri, innocenting, at maaalaning Filipina.
Magagaling silang lahat sa pagganap ng kanilang papel at mararamdaman mo rin ang tunay na
buhay bilang isang Filipino sa panahon ng mga digmaan.

B.) GALAW NG PANGYAYARI :


Nagugulat ako sa mga pag-iisip ng mga tao sa gitna ng digmaan. Hindi kaya sa atin kung nag-iisa
lumalakbay habang may digmaan at kung magsasama tayo ng ibang tao kailangan handa tayo sa
mga pangyayari na maidulot sa digmaan.  Nahahalata rin nakin ang pag aalinlangan ni Feliza sa
kapakanan ng mga Kastilang kawal at ang mga iba’t-ibang layunin ng mga sundalo sa kanilang
trabaho. Meron rin akong naiintindihan kung bakit maraming gusto mailigtas sa panahon ng
kagipitan dahil namimili ka kung sino ang mas bigat ang buhay mo o ang buhay ng ibang tao.

VII. BISANG PAMPANITIKAN


1. BISA SA ISIP
Hindi pa ako nakaranas na malukluk sa isang digmaan ngunit ako naranasan ko na rin na
mahulog sa gitna ng mga labanan. Lahat naman tayo ay nakaranas niyan at hindi ko talaga gusto
dahil pinapipili ako kung saang panig ang aking pipiliin dahil sa dalawang kupunan ako’y matapat.
Naiintindihan ko rin ang sitwasyon ni Celso dahil meron siyang dugong indio alam niya kung paano
makikita ang kanyang ama ngunit kailangan magpalista siya bilang isang kawal sa kupunan ng mga
Kastila para makakuha siya sa kanyang gusto sa huli. Pero hindi madali maging isang kawal dahil
marami kang makaaway at malukluk ka parin sa gitna ng digmaan at walang sigurado ay
mabubuhay ka o hindi. Hindi mo rin maiwasan na pumatay para lang mabuhay.
2. BISA SA DAMDAMIN
Para sa aking naramdaman ko ang makiramay sa mga trahedya at maging apatya sa mga
nangyayari dahil wala tayong magagawa kundi maging isang aktor sa mga pangyayari o isang
manonood. Wala tayong pwersya para maitigil ang lahat ngunit hindi rin sapat na mag dasal at
manood lamang kung sasabihin ko na gusto maging aktor at mamatay ako sa huli meron rin akong
nagawa.
3. BISA SA KAASALAN
Ayaw ko talaga manood ng mga kwentong pag-iibig dahil ang pag-ibig ay isang illusyong at
panaginip na ating na-iisip lang. Ayaw ko rin ng digmaan dahil maraming mga tao ay nasasawi sa
walang kwentang mga bagay. Sayang ang buhay ng mga kabataan kung namamatay sila ng maaga
ngunit hindi rin naking masabi na lahat ng kabataan ay lalaki ng maayos dahil hindi lahat ay
nakaranas ng magandang buhay pero sa loob nalang yan sa tao kung paano o anong klaseng buhay
ang gusto niya. Nagpapasalamat rin ako sa kultura ng Filipino at Kastila at dahil naihahalo ang
modernismong pang-aayos sa mga tao. At basi sa kaasalan ni Gabriel nung sumasagot siya sa
kanyang ama ay nagulat ako kung bakit humahatol ang ama dahil mukhang ayaw niya talaga
malayo ang kaiisang anak niyang lalaki o ma pareha siya sa buhay niya noon.

PAGSUSURI SA MAIKLING KWENTO

Maikling Kwento:
I. PAMAGAT: Sa Bagong Paraiso
II. MAY-AKDA:   Efren Reyes Abueg
Si Efren Abueg ay isinilang sa Tanza, Cavite noong Marso 3, 1937 at isa sa mga
iginagalang na kuwentista, nobelista, mananalaysay, at krititiko sa kanyang kapanahonan.
Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga
kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng
KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling
Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).

III. TAUHAN:
TANYA- Si Tanya, ang uwak na nais pumuti, ang kanyang matalik na kaibigang si Bianca at si
Andokito na ninais kuhain si Bianca.
IV. URI NG PANITIKAN:   Ang anyo ng panitikang sinulat ay nasa kaanyuang isang maikling
kwento.
V.  LAYUNIN NG MAY-AKDA:  Nag-udyok sa kanyang isulat ang akda dahil sa pagnanais niyang
tumatak sa isipan ng bawat mambabasa ang aral na nais nitong ipahiwatig sa kwento.  Nais
niyang ilahad at hikayatin ang mga kabataan na kailangan parin nilang sundin ang payo ng
kanilang mga magulang at ng mga nakakatanda.
VI. BUOD:
Sina Ariel at Cleofe ay kapwa walong taong gulang at magkababata.Ang kanilang daigdig ay
umiikot sa isang paraisong kawangis ng langit. Madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay
o di kaya'y sa dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo na mistulang walang suliranin.
Nang dumating ang pasukan,silang dalawa'y sakay ng kalesa patungong bayan.Doon sila mag-aaral
ng haiskul.Dito dumaan sa kanila ang isang pagbabago na hindi nila mapigil at siyang magbubukas sa
kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan.
Isang araw Sabado ng umaga,isinama si Ariel ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo, malapit sa
ilog.Ngumata sya ng dahon ng bayabas,pumikit at pagkatapos ay itinaboy patungong ilog. Nakita
niya si Cleofe,mapansin niyang namumula ang mga mata nito. Sinabi ni Cleofe na silay binata't
dalaga na, at di na pwedeng maglaro pa.
Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanila na may namamagitan sa kanila.
Si Cleofe ay pinagbawalan ng kanyang ina na makipagkita kay Ariel. Sa kanilang paghihimagsik, sila'y
nagkikita ng palihim sa isang limlim na lugar na di nila dapat pagkitaan.
Maligaya sila sa kanilang daigdig,ngunit nasundan ito ng pagsama ng pakiramdam ni Cleofe.
Tumungo siya sa bangketa at kasabay nito ang pagsikad ng kanyang lalamunan at napaduwal siya. At
siya'y napabulaslas ng iyak.

V.         SARILING PUNA:  
“Sa Bagong Paraiso” ito ay tungkol sa dalawang magkaibigan na babae at lalaki na pilit
pinaghihiwalay ng kanilang mga magulang dahil sa kadahilanang sila ay binata’t dalaga na at ang lalaki
raw ay malapit sa tukso kapag malapit sa babae.  Nais ipahiwatig ng may-akda na dapat tayong mga
kabataan ay sumunod sa payo ng ating mga magulang dahil sila ang mas nakakaalam.  Ngunit masarap
gawin ang bawal kung kaya’t pilit silang kumawala sa hawla ng banta at bawal mula sa kanilang mga
magulang at tinahak ang kanilang naging bagong paraiso na siyang naging dahilan ng pagdilim ng
kanilang mga mundo.
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN
1. TEORYANG KLASISMO- naglalaman ng mga payak na pangyayari.
2. TEORYANG HUMANISMO- nagpapakita ng mga kakayahan ng mga tao at ang kalakasan nito.
3. TEORYANG IMAHISMO- gumagamit ng mga imahen sa kanilang akda.
4. TEORYANG FEMINISMO- binibigyang-diin ang paglaban ng mga kababaihan
7. TEORYANG EKSISTENSYALISMO- layunin na ipakita na ang tao ay may kakayahang pumili.
8. TEORYANG ROMANTISISMO- pagpapakita ng mga paraan ng isang tao na ipakita ang kanyang
pagmamahal.

VI.       ARAL NA MAKUKUHA:  
Ang pagsunod sa payo ng ating mga magulang ay isang landas patungo sa ating magandang
bukas.  Wala silang ibang hinangad kundi ang mapabuti lang ang ating buhay.  Labanan ang tukso upang
ang landas natin ay di lumiko.  Sundin ang payo ng magulang upang ang buhay ay maging maayos at na
ayon.  Walang magulang na gugustuhing ipahamak ang anak (pwera na lang sa iba).  Ang ating mga
magulang ang mas nakakaalam kung ano ang tama at mali. Dahil kung tayo ay papunta pa lamang, sila’y
pabalik na.

PAGSUSURI SA TIGSIK

Tigsik
Barkada
Tigsik ko an sakong barkada
Na pirmi akong pinamumuya
Sa anumang trip pirming magkaiba
Sa bawat saro dae nagsusuya

Pamagat : Barkada

PAGSUSURI NG SARILING AKDA

Pananatili
ni: Jely T. Bermundo

Aking damdamin ay isinantabi


Pag-aalinlangan at nadarama pilit na iwinaksi
Lungkot ay pinapalitan muna ng isang ngiti
Sa tuwing ikay kasama, sakit ay ikinukubli

Oo, akoy nanatili parin sa iyong tabi 


Sa likod ng lahat ng sakit, sa loob ng pusong patuloy na nagdaramdam
Narito ako't nasasaktan habang sa kabilang dako ikaw nama’y walang alam
Mahirap man sa damdamin, kinailangan ko paring magpanggap.

Oo, mahirap maging bulag sa tunay na nadarama


Mahirap magpakita ng kasiyahan kung sa loob nito'y ikay wasak na wasak na
Ngunit kailangan kong gawin maitago lang ang tunay na damdamin
Ayaw kong bigyang lamat, PAGKAKAIBIGAN natin
Kapag ikay kasama lalo lang na humahapdi
Lahat ng kailangang limutin, sumasariwa lahat 
Kapag ikaw ay nakangiti, pakiramdam ko nama'y mag- isa lang ako 
Nais mang humingi ng karamay mula sa isang kaibigan, hindi naman maaari sayo

Alam mo iyong pakiramdam na wala kang mapagsabihan,


Kasi iyong taong alam mong makikinig, makakaintindi at iyong pinagkakatiwalaan
Siya naman lahat ng ito'y dahilan,
Kaya mas minabuti mo nalang kimkimin lahat ng bigat sa iyong kalooban.

Sa likod ng lahat, oo pinilit kong manatili,


Dahil alam kong kailangan mo ngayon ng isang kaibigang sayo'y dadamay
Sa mga problemang iyong pinagdadaanan, gusto kitang tulungan
Kahit pagbibigay lang ng payo, oras, at sa pakikinig ,gumaan lang ang iyong pakiramdam.

Alam ko sa sarili ko na kailangan ko munang lumayo,


Dahil katulad ng karamihan, nasasaktan na din ako
Wariy naiipit ako sa isang sitwasyon
Na may kakayahan man umalis ngunit ikaw parin ang unang-unang iniisip ko

Oo akoy lalayo
Ngunit sa palagay ko'y kapag maayos na ang iyong pakiramdam,
Sa ngayon nandito parin ako bilang isang KAIBIGAN 
Na dadamay, makikinig at iyong maaasahan kapag iyong kailangan.

Kusa akong lalayo ,kapag ayos na ang lahat 


Nais kong makalimot at makapag-isip muna 
Ninilayin aking tunay na nadarama at tatapusin ng kusa,
Ako'y magbabalik at sisiguraduhing "KAIBIGAN KA LANG TALAGA"

I. PAMAGAT: Pananatili
II. MAY AKDA: Jely T. Bermundo

III. URING PAMPANITIKAN: Ang akda ay isang uri ng tula na nasa malayang
pagpapahayag .

IV. URI NG PAGLALAHAD: Ang akda ay gumamit ng pasalaysay at paglalarawan.


Isinalaysay sa akda ang nga damdaming nararanasan at pumapaimbabaw sa may akda
at ang mga pangyayaring naganap.

V. SARILING REAKSYON:

A. TEORYA:
B.

You might also like