You are on page 1of 6

Magandang umaga sa inyong lahat! Raise hand nga po kung naririnig.

Sa araw na ito tatalakayin ko ang ika-labinpitong kabanata na


pinamagatang Ang Perya sa Quiapo. Simulan natin ito sa mga
mahahalagang pangyayaring naganap sa kabanata.
Buwan na ng Enero at dahil sa Quiapo namamalagi ang imahe, dinudumog
ng mga tao ang lugar na ito upang ipagdiwang and kapistahan ng itim na
Nazareno. Nagtungo sina Don Custodio, Padre Camorra, Padre Salvi at
Ben Zayb sa perya dahil sa napagusapan na palabas na kung saan may
isang ulo o espinghe na nagsasalita. Ito ay nabanggit sa nakaraang
kabanata. Tuwang-tuwa si Padre Camorra na tila siya’y nasa ikapitong
langit dahil sa dami ng mga naggagandahang dalaga Siya’y nabighani kay
Paulita Gomez, kasintahan ni Isagani na inis na inis sa mga tumitititig sa
nobya. Kalaunan, napunta sila sa isang tindahan kung saan makikita ang
maraming tau-tauhang kahoy gawa ng mga Indiyo.
Kapansin-pansin ang tatlong iskultura doon na La Prensa Filipina, Ang
Bayan ng Abaka at Mulatong Saglis. Ang La Prensa Filipina ay isang ukit
ng matandang babae na bulag ang isang mata at gula-gulanit ang damit.
Siya’y nakaupo nang pasalampak habang namamalantsa. Ang Bayan ng
Abaka ay ukit ng nakakadenang lalaki na takip ng sumbrero and kanyang
mukha. Siya’y nasa kamay ng mga guwardiya sibil at nahatulan ng
kamatayan. Tinawanan at nilait nila ang mga ukit at sinabing walang
angking katalinuhan ang mga Indiyo sa sining na ito dahil sa kakaibang
proporsyon ng mga iskultura. Panghuli, Nakita nila ang Mulatong Saglis na
isang ukit na kahawig ni Simoun kaya naman napansin ng grupo na hindi
pala nila kasama si Simoun. Matapos nito, umalis sila sa tindahan na
walang binili. Iniwika ni Ben Zayb na marahil nangangamba si Simoun na
malaman ng lahat ang sikreto ng espinghe ng kaibigang si Ginoong Leeds.
Ito raw ay isang ilusyon lang sa salamin at sa mata. Sinabi niya rin na hindi
siya kayang ipahiya ni Ginoong Leeds dahil maaaring siyang gumanti sa
pamamagitan ng pagsusulat ng hindi magandang balita ukol sa espinghe.
Wika niya, Di bale, makikita niyo rin na ito ay isa lamang pangitain.

At diyan nagtatapos ang ika-labingpitong kabanata! Bagamat maikli,


napakaraming nakatagong mensahe sa kabanatang ito kaya’t talakayin na
natin ito.
Dalawa ang maaaring interpretasyon sa La Prensa Filipina. Una ay ito ay
maaaring sumasalamin sa pamamahayagang Pilipino. Sa ganoong
konteksto, ang matandang babae ay sumisimbolo sa makalumang paraan
ng pamamahayag at siya’y bulag dahil ang mga manunulat ay hindi
nagsasabi ng totoo o biased sa kanilang pagsusulat. Gula-gulanit ang
kaniyang damit dahil sa marumi at magulong sistema ng pamamahayag
noon. Maaaring ihambing ang mga katangiang ito kay Ben Zayb na isa ring
manunulat ngunit hindi tapat sa katungkulan. Nagbanta pa nga siya na
gagawa raw siya ng hindi magandang balita ukol sa espinghe pero alam
naman natin ang magiging nilalaman nito kung sakali ay hindi
makatotohanan.

Pangalawa, sumasalamin ito sa imahe ng bansang Pilipinas. Ang


matandang babae ay sumisimbolo sa Inang Bayan o sa mga Pilipinong
mulat sa katotohanan. Siya’y nakasalampak sa sahig at namamalantsa
dahil kahit mababa ang katayuan sa lipunan pilit pa rin niyang isinasaayos
ang mga gusot nito.

Ang lalaking Indiyo sa bayan ng abaka ay sumisimbolo sa Pilipinas na


nakagapos at sunod-sunuran lang sa Espanya.
Iugnay naman natin ang mga naganap sa kasalukuyang panahon.

Tulad sa kwento, dinudumog pa rin ng mga Pilipino ang imahe ng itim na


Nazareno tuwing kapistahan. Ang impluwensiya ng relihiyong Katoliko ay
nanatili sa ating bansa.
Sa kabanatang ito, nais ipakita ni Rizal ang galing ng mga Pilipino sa sining
ng pag-uukit. Ang sining na ito sa kasalukuyan ay hindi ganoong sikat
ngunit nanatili pa rin sa ibang lalawigan.
Ang La Prensa Filipina naman ay maihahambing sa fake news na
kumakalat sa bansa lalo na sa social media. Marumi pa rin ang
pamamahayag ng mga taong gumagawa nito dahil sinasamantala nila ang
kamangmangan ng iba na naniniwala agad sa nababasa. Imbis na
katotohanan ang ilathala ay puro kasinungalingan.
Sa Bayan ng Abaka, Hindi man tayo sakop ng ibang bansa sa kasalukuyan
ngunit ang puso’t isipan ng iilan ay mas mahal pa ang ibang bansa.
Naalipin tayo sa sariling bansa dahil mas tinatangkilik natin ang kultura ng
ibang bansa tulad ng South Korea, Amerika at iba pa. Bukod dito,
nagpakatuta tayo sa bansang Tsina dahil ginawa tayong sunod-sunuran sa
kanilang mga nais.
At diyan nagtatapos ang aking report sa ika-labinpitong kabanata na
pinamagatang Ang Perya sa Quiapo.
Talakayin naman natin ang ika-labingwalong kabanata, Mga Kadayaan.
Muli, simulan natin ito sa mga mahahalagang pangyayari.
Iilan lang ang nakapasok sa kubol dahil walang Indiyong nakanood sa
palabas ni Ginoong Leeds. Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ay
siniyasat muna ni Ben Zayb ang buong bulwagan lalo na ang mesang
gagamitin sa palabas. Nais niyang patunayan na salamin ang gamit sa
ilusyon ng espinghe. Habang si Padre Camorra ay naniniwala na
kagagawan ito ng demonyo. Sinigurado ni Ben Zayb na makita ang mesa
at ang nasa ilallim ng tela kahit walang paalam sa takot na hindi siya
payagan ni G. Leeds. Ang mesa ay may tatlong paang bakal na maliliit, na
nakabaon sa lupa. Maya-maya, lumabas na si G.Leeds na may dalang itim
na kahon. Nagkwento muna siya ukol sa kahon upang malito ang
manonood at hindi Makita ang kadayaang nagaganap. Ipinakita niya sa
madla ang abong laman ng kahon. Binalaan ang lahat na huwag hihinga
ng malakas at sa kakaunting abong matatapon ay masisira ang espinghe.
Bentang-benta ito sa madla kaya hindi sila huminga sa pagdaan ng kahon.
Sa panahong ito, naghahanda na si Simoun sa kaniyang pagtatanghal
bilang espinghe. Nakangiti lang si Padre Irene dahil alam niya na “Ang
relihiyon ay mahika ng mga kaparian, at ang mahika ay relihiyon ng mga
salamangkero”. Nang tanggalin ni G. Leeds ang tela ay nakita ng mga
manonood ang tatlong paa ng mesa at nagkakaroon sila ng ilusyon na ito
ay bakante. Binigkas niya ang salitang ‘Deremof’ at lumabas ang isang ulo.
Pinagpakilala niya ang espinghe hanggang sa nagkuwento na ito ng
kanyang naging buhay.
Sa sobrang takot ay nahimatay at bumagsak sa lupa si Padre Salvi. Nasabi
ni Padre Salvi na buhay SIYA at tuluyan nang nahimatay. Sa kabilang dako
ay bumalik na sa pagiging abo si Imuthis, tinakpan na ang mesa at
nagpasalamat na si Ginoong Leeds.
Siniyasat muli ni Ben Zayb ang lamesa ngunit wala pa rin siyang nakitang
salamin. Dahilan sa walang nakitang salamin si Ben-Zayb, nakisama siya
kay Padre Camorra na ito ay gawa ng demonyo upang ilibre ang kaniyang
sarili sa kahihiyan.
Nang sumunod na araw ay ipinag-utos kaagad ang pagbabawal sa
ganitong mga palabas sa tulong ng manunulat na si Ben Zayb. Subalit si
Ginoong Leeds ay nakaalis na patungong Hong Kong na dala ang kanyang
mga lihim.

Talagang kakaiba ang kwento ng buhay ni Imuthis kaya tuklasin na natin


ang simbolismo sa kabanatang ito
Ang salitang pinangtawag ni G. Leeds sa ulo ay Deremof. Kung iibahin ang
ayos ng mga letra, mabubuo nito ang salitang FREEDOM. Ito ang
nagpagising kay Imuthis na maihahambing kay Ibarrang nagnanais ng
kalayaan sa pamumuno ng Kastila.
Kung napansin niyo kanina, ang kwento ng buhay ni Imuthis ay
sumasalamin sa buhay ni Ibarra dahil nga mismong si Ibarra o Simoun ang
nagkwento nito. Nagtago siya sa ilalim ng mesa gamit ang isang trick na
nilikha ng isang taga London na si Thomas Tobin noong 1865. Tandaan na
si Rizal ay naninirahan sa London sa panahon na sinusulat niya ang
malaking bahagi ng nobelang ito. Gayundin, si Rizal ay isa sa mga
masusugid na mambabasa ng mga aklat sa mahika.

Narito ang larawan kung paano isinagawa ang mahika. Ang tatlong paa ng
mesa ay may ukit na dinadaanan ng mga salaming natatago sa ilalim ng
tuntungan na hindi napapansin dahil sa mga guhit na pari-parisukat ng
alpombra.
Pagbalik sa kwento, ang buhay ni Imuthis ay parang sinopsis na ng Noli
Me Tangere. Pareho silang nag-aral sa ibang bansa at sa kanilang
pagbalik ay may natuklasang mapanganib na lihim. Naging kaagaw niya sa
nobya ang isang prayle na si Padre Salvi na pinagbintangan siya sa
paghihimagsik. Ipinagutos na siya’y patayin ngunit ang tunay na nabaril ay
si Elias. Pawang bumalik ang dalawa upang maghiganti at bigyang
hustisiya ang mga naapi. Sa kanilang pagbalik sila’y nagbalatkayo, si
Imuthis ay naging Espinghe, habang si Ibarra ay naging Simoun.Kung
kaya’t natakot si Padre Salvi dahil tila ang taong akala niya labintatlong
taon nang patay ay muling nabuhay. Ang kaniyang pagkahimatay ay
pagsuko at pagtanggap sa kanyang kasamaan at ng ibang prayle.
Bago tuluyang hinimatay, sinabi niyang buhay SIYA. 2 ang maaaring
tinutukoy dito, una si Maria Clara na sinabi ni Simoun bilang Imuthis na
ginahasa at pinahirapan ni Padre Salvi. Pangalawa, si Ibarra na akala
niyang patay na. Kapansin pansin din ang pagiiba ng opinyon ni Ben Zayb
sa pagtatanghal. Sa una ay tama siya na ito ay ginamitan ng salamin
ngunit nang hindi mahanap ang salamin ay naniwala na lang siyang
kagagawan ito ng demonyo. Nabanggit niya sa kabanata na madaling
lokohin ang mga Indio ngunit kalaunan niloko niya lang din ang kaniyang
sarili dahil hindi siya nanindigan sa kaniyang paniniwala.
“Ang relihiyon ay mahika ng mga kaparian, at ang mahika ay relihiyon ng
mga salamangkero”. Alam ni Padre Irene ang nagaganap sa palabas.
Ipinapakita rito ni Rizal na ang relihiyon at mahika ay iisa lamang ng
katuturan o saysay subalit nasa kamay lamang ng magkaibang uri ng tao.
Tunghayan naman natin ang pagkakaugnay nito sa kasalukuyan
Ang palabas ni G. Leeds ay maihahalintulad sa katiwaliang nagaganap sa
gobyerno na kung saan ang ginawang kamalian ay nadadala na lang sa
libingan nang hindi nailalantad sa mga tao. May iilang tao may ideya sa
nangyayari tulad ni Ben Zayb ngunit hindi nalaman ang buong
katotohanan. At ilan namang tulad ni Padre Irene na alam ang lahat ngunit
piniling manahimik.
Tulad sa naganap sa unang kabanata, may diskriminasyon din sa
kabanatang ito dahil walang Inidyong nakanood at maimpluwensiya lang
ang nakapasok. At panghuli, mapapansin na agad-agad ipinagbawal ang
mga palabas tulad ng ginawa ni Ginoong Leeds ngunit ang mga
makabuluhan at mas importanteng bagay tulad ng pagpapatayo ng
Akademiya ng Wikang Kastila ay pinagpapaliban. Napabilis ang
pagpapabawal dahil sa maling impormasyon ikinalat na gawa raw ito ng
demonyo. Makikita pa rin ang ganitong bulok na sistema sa kasalukuyan
na kung saan mabilis lang sila kumilos sa pagpapatahimik sa mga
bumabatikos sa administrayon. Maihahalintulad ang mga sabi-sabi sa
tsismis na walang pruweba at fake news na umiikot sa bansa.

Bilang panapos, nakakatuwang isipin na sa pamamagitan ng pagtatanghal


na puno ng kadayaan o trickery ay nagawa ni Rizal na maitanghal ang
pandaraya ng mga alagad ng kolonyal na simbahan sa kaniyang
kapanahunan.

Iyon lamang po at maraming salamat sa pakikinig!

Pagpalain
Mo kami O Panginoon sa lahat ng biyayang aming matatanggap na
nagmula sa iyo sa pamamagitan ng Iyong anak na si Hesus.

You might also like