You are on page 1of 10

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong


Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-
anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere.
Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang
mga magsasaka ng Calamba. Sa tindi ng kanilang dinaranas na mga
paninikil mula sa kamay ng Espanya, ang suliraning ito ay kanila
agad inilapit kay Rizal na nahaharap din sa isang kaso ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga pagbabanta ang natanggap ni Rizal at maging
ang kaligtasan at kabuhayan ng kanyang pamilya ay nangaganib.
Sa mga pangyayaring ito sinimulan ni Rizal ang kaniyang
ikalawang nobela ang El Filibusterismo. Tuwiran at di-tuwiran,
napektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga
kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng pagpapayaman sa kanilang
asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo at paninikil sa mga
Pilipino lalong higit sa mga mahihirap na magsasaka.
Muling nilisan ni Rizal ang Pilipinas sa takot niyang
mapahamak ang kaniyang pamilya at malagay sa piligro ang kanilang
buhay. Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang
kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-
Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-
anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang
mapalibing sa libingang Katoliko. Isa pang nagdulot sa kanya na
labis na kalungkutan ay ang pagtataksil ni Leonor Rivera na malaon
na niyang iniibig.
Ang mga pangyayaring ito ay dala-dala lahat ng ating bayani
sa kanyang dibdib habang isinusulat niya ang kanyang ikalawang
nobela, ang El Filibusterismo. Masigasig at malarawan ang
ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi
maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi
maipagkakamali, kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa
pag-ibig.
Ang nobelang El Filibusterismo na literal na “Ang
Pilibusterismo” o Ang Paghahari ng Kasakiman ay karugtong ng Noli
Me Tangere. Ito ay kaniyang inialay sa tatlong paring Martir ang
Gomburza at ang pagkakahandog na ito sa tatlong paring martir ay
ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang
nobelang politikal. Tulad sa Noli, bago ito mailimbag, nagdanas
muna si Rizal ng maraming hirap at ang nobelang ito ay nakasulat
sa wikang kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887
habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa
plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni
Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan
sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso
29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Ghent.
Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng
maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama,
nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan. Hindi tulad
ng Noli na puno ng romansa, pag-ibig at komedya.
Introduksyon

Napakahalaga ng papel na ginampanan ng mga tauhan sa


El Filibusterismo. Makikita sa bawat tauhan ang iba’t ibang ugali
na kumakatawan hindi lamang noong panahon ni Rizal kundi maging sa
ngayon ay talamak at maaari pa ring makita. Ang kalagayan ng bansa
ay maaari nating salaminin sa pamamagitan ng dalawang nobelang
nailathala ni Rizal. Maaaring sabihin natin na tapos na ang
pananakop sa ating bansa at wala na tayong pakialam doon.
Nagkakamali tayo sapagkat hindi pa tayo nakakalaya sa sarili nating
pang-aalipin sa ating inang bayan. Pilipino laban sa kapwa
pilipino.
Tama nga si Heneral Antonio Luna na may isa pa tayong higit
na kalaban liban sa mga dayuhan at iyon ay ang ating mga sarili.
Malaki ang naging katulungan ng Noli lalong higit ng El
Filibusterismo sa pagpapamulat sa kamalayan ng mga pilipino.
Ang papel na ito ay maglalahad ng dalawang tauhan mula sa
El Filibusterismo sina Ben Zayb at si Mr. Leeds. Masasabi nating
sila ay laman lamang ng kaisipan ni Rizal ngunit malaki ang naging
impluwensya sa mga mambabasa. Malaki ang pinagkaiba ni Benzayb at
ni Mr. Leeds at napakaganda ng mga papel na kanilang ginampanan sa
nobelang El Fili.
Si Ben Zayb ay isang mamamahayag (journalist) na pawang
kabalintunaanan lamang ang mga inilalathala niya. Malimit niyang
siraan ang mga pilipino. Natutuwa siya kapag nakakarinig ng mga
pangyayaring masasama o mga krimen. Magaling siyang magbago at
magtahi ng mga kwento. Ang maliit ay kanyang pinapalala.
Samantala sa kabilang dako, si Mr. Leeds, isang mahikero na
laging nakasuot ng Amerikanang itim at magaling magsalita ng wikang
kastila. Siya ay kaibigan ni Simuon. Isa sa mga katangian niya ay
ang pagiging malihim sa mga bagay na dapat lamang isatago para sa
ikabubuti ng nakararami. Hindi tulad ni Ben Zayb na walang inatupag
kundi magbunyag ng kahit ano kahit hindi totoo.
Ang mga ugaling ganito ay patuloy paring umiiral sa ating
kapanahunan. Makikita natin sila kahit saan lalong higit sa mga
nakaluklok sa ating lipunan. Kaya napakagaling ni Rizal sapagkat
ang mga tauhan ng kanyang nobela ay patuloy paring nabubuhay ngayon
at ang El Felibusterismo ay hindi na para sa paglaban sa maling
pamamalakad ng Espanya bagkus ito ay ang pagtatama na sa sistema
ng ating bansa. Ito ay magsisilbing salamin sa bansang Pilipinas
na malaon ng dinungisan ng mananakop at maging ng sariling nitong
mamamayan.
Ben Zayb

Si Ben Zayb ay isang mamamahayag at manunulat sa sarili niyang


pahayagan na tinatawag na El Grito de la Integridad. Sumusulat
siya sa ilalim na panulat na Ibanez. Malimit siyang tawagin ng mga
tao na Padre Ybanez dahil kahawig niya ang mga prayle at may
kabigatan ng katawan, pero hindi niya ito pinapansin. Madalas
niyang purihin ang Kapitan-Heneral, sina Padre Irene at Padre
Salvi, si Don Timoteo Pelaez, at may malaki rin siyang paghanga
kay Don Costudio.
Tunay na siya ay isang manunulat, isang uri ng manunulat na
laging sinasabi sa mga tao kung saan patungkol ang susunod na
artikulo na kaniyang gagawin. Makikita sa kaniyang mga gawa ang
kaniyang katalinuhan sa anumang kanyang lathalain lalo na at kung
may kaugnayan sa siyensya na pawang sinasarili na niya lahat.
Siya ay isang uri ng tao na hindi marunong tumanggap ng
sariling kamalian. Isang taong walang pakialam at may
pagkaignorante lalo na sa kalagayan ng mga mahihirap na tao.
Palagay niya sa kanyang sarili na isa siya sa iilang matatalinong
tao sa Pilipinas at naniniwala siyang ang pagkakaroon ng ganoong
karunungan ay nararapat lamang sa isang mamamahayag (journalist)
na katulad niya.
Medyo naiireta siya kapag wala siyang maisulat na artikulo at
lagi niyang hiling na may krimen sanang mangyari nang sa gayon ay
may maisulat siya tungkol dito.
Pero kahit na may ganoon siyang ugali tapat naman siya sa
kaniyang mga kaibigan lalo na at laging pinupuri niya ang mga ito.
Itinatrato niya ng may pagrespeto ang kaniyang mga kaibigan at
lagi niyang sinasang-ayunan ang mga argumento ng mga ito kahit
siya ay tila hindi napapansin.
Karibal niya sa pagsusulat si Horatius na laging
pinapatamaaan at tinitira ang kaniyang mga gawa at ideya. Hindi
siya nagpapadaig lalo na sa usaping pahayagan at sa pagalingan ng
ideya.
Si Ben Zayb ay unang ipinakilala sa unang kabanata sa may
Bapor Tabo. Nakaupo kasama ang mga prayle, sina Doña Victorina,
Don Custodio at si Simuon. Pinagtatalunan nila doon kasama si Padre
Camorra ang tungkol sa ilog, patubig o irigasyon at ang mga Indio.
Minsang naitanong din ni Ben Zayb kung saan namatay si Ibarra
habang sila ay nasa Bapor Tabo. Sinabi naman ni Padre Sibyla na
napasama na sa bangkay ni Don Rafael ang ama ni Ibarra. Bigla na
lamang nakita ni Ben Zayb na si Simuon ay biglang nanahimik kaya
ipinalagay nito na siya ay may sakit.
Siya ay isang tao ring mapagduda lalo na nang sabihin ni
Juanito ang tungkol sa mahika ni Mr. Leeds. Hindi naniwala si Ben
Zayb at sinabi pa niyang may daya ang palabas. Siya ay isang taong
punong puno ng kuryosidad sa buhay.
Pumunta si Ben Zayb sa Quiapo upang masaksihan ang nasabing
pandaraya ngunit siya ay namutla sa hiya dahil wala siyang nakita
kahit anong ebidensya ng kadayaan. Mula sa kanyang napanood sumulat
siya tungkol sa sikreto ng siyensya.
Sa mga pahayagan lagi niyang ibinibilang si Don Custodio,
isang mayaman at kilalang kilala tao, dahil sa paniniwala nitong
ang bawat sabihin ng Don ay pawang tunay lalo na at kung ito ay
tungkol sa pagpapayo at pagbibigay ng impormasyon.
Kung may natutuwa man sa hindi pagpapatupad ng isang paaralan
para sa mga mag-aaral ay isa na rito si Ben Zayb. Sinabi niya sa
isa sa mga artikulo niya na kanyang naisulat na ang edukasyon ay
masama para sa Pilipinas.
Siya rin ang nagbigay ng suhestiyon kay Simuon na mas mainam
na siya ang bumili ng bahay ni Kapitan Tiyago sa halip na si Don
Timoteo Pelaez. Ito ang naging dahilan ni Simuon kung kaya’t
napalapit siya sa bahay ng huli.
Sinasabing si Ben Zayb at si Padre Camorra ay mabuting
magkaibigan kahit na sila ay laging nagtatalo sa kadahilanang si
Ben Zayb sa bawat pagtatalo ay gumagamit ng siyensya samantalang
si Padre Camorra naman ay relihiyon.
May isa paring katangian si Ben Zayb, nang hindi niya
maipalimbag ang kanyang isinulat na balita dahil sa pagbabawal ng
Kapitan-Heneral, siya ay naghimutok at tila nagtampo.
Mr. Leeds

Si Mr. Leeds ay isang Amerikanong mahikero na laging nagsusuot


ng Amerikanang itim at magaling magsalita ng kastila. Marami na
siyang mga narating na lugar na kung saan natuto siya ng iba’t
ibang linggwahe.
Siya ay isang mabait na tao, may paggalang sa nakakarami at
isang mabuting kaibigan ni Simuon. Sinasabing siya ay isang
misteryosong tao, matangkad, may mapuputing balat, itim na buhok
at may matipunong pangangatawan.
Si Mr. Leeds ay nabanggit sa ilang kabanata ng El
Felibusterismo, particular sa mga kabanata 16, 17 at 18. Siya ang
tagapamahala ng isang perya sa Quiapo na sikat dahil sa
pagtatanghal niyang kasama ang isang ulong nakakapagsalita. Ang
ulong ito ay tinatawag na Imuthis na may buhay na maiihalintulad
kay Ibarra.
Ayon sa kabanata 18, nang magtanghal si Mr. Leeds kasama ang
ulong si Imuthis. Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds at lumabas
ang ulo ni Imuthis. Nagsalita ang ulo at nagsalaysay na siya ay
umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang
paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nasabi niya ang
isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon
kundi si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala
sa tulong ng pandaraya. Siya at umibig sa isang anak ng pari at
naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari
ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit,
tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ipahayag
ang gayong kataksilan. Biglang hinimatay si Padre Salvi dahil sa
sobrang takot. Binanggit dito na habang nagsasalita ang espinghe,
nakatitig ito sa prayle. Ang espingheng ito ay si Simuon.
Kinabukasan, ipinag-utos ng gobernador ang pagbabawal kay Mr.
Leeds na magtanghal sa Quiapo. Ngunit bago pa ito, siya at tumungo
na sa Hongkong dala na ang sikreto nila ni Simuon.
Napakagaling ni Mr. Leeds. Siya ay isang taong magaling
maglihim sa mga bagay na dapat lamang isatago para sa ikabubuti ng
nakararami. Siya rin ay napakabuti sa mga taong nakapaligid sa
kanya. Itinatrato niya ang lahat sa kanyang tanghalan ng may
pagrespeto at paggalang.
Mga Gabay na Katanungan…
Anu-ano ang mga katangian nila na mamasid at umiiral parin
ngayon sa ating lipunan? Bakit? Patunayan.
Hindi pa natatapos hanggang ngayon ang papel na ginampanan ng
bawat tauhan sa El Filibusterismo. Sila ay nanatiling buhay pa rin
ngayon na maaari nating Makita sa ating lipunan, pamahalaan,
paaralan at maging sa ating simbahan.
Ang dalawang tauhan na sina Ben Zayb at Mr. Leeds ay ilan
lamang sa mga tauhan ng El Felibusterismo na maaari pa ring Makita
hanggang sa ngayon.

Mga Katangian ni Ben Zayb


Una, si Ben Zayb, siya ay isang magaling na manunulat
(journalist) kung ihahalintulad sa kapanahunan natin ngayon.
Sinasabing kaya niyang baguhin ang bawat detalyeng kaniyang
isinusulat at naniniwala siyang kaya niyang paniwalain ang
sinumang makababasa nito maging ang mga Indio. Mahilig magsulat ng
sariling bersyon ng mga pangyayari o balita. Ipagsasawalang bahala
ang lahat maging ang katotohanan alang-alang sa Espanya.
Siya ay isang mamamahayag na may kinikilingan tulad na lamang
sa pag-ayon niya kay Don Custodio na isang sikat at mayaman na
tao. Magaling siyang pumuri ng mga tao kaya’t ang hangad niya’y
papuri rin mula sa kanila.
Walang hinangad si Ben Zayb kundi ang magkaroon sana ng krimen
araw-araw para siya ay may maisulat sa kanyang pahayagan. Lagi rin
siyang umaayon sa bawat sabihin ng mga prayle at ng kaniyang mga
kaibigan at ni kailanman ay hindi siya tumutol sa panukala ng mga
ito.
Malimit niyang ibilang ang kaniyang sarili sa iilang taong
matalino kuno at naniniwala siyang ang talino niya ay karapatdapat
lamang sa manunulat, mamamahayag na tulad niya.
Ang mga artikulo na kaniyang isusulat pa lamang ay sinasabi
na niya agad at ipinapahayag sa publiko at taumbayan, kung baga
advance siyang mag-isip.
Sa bawat argumento niya ay lagi niyang hinahaluan ng siyensya
lalo na sa pakikipagtalo sa relihiyon. Si Ben Zayb ay isang taong
punong-puno ng pagdududa. Lagi niyang tinatanong ang mga
bagay-bagay isa na rito ang tungkol sa mahika ni Mr. Leeds.
Siya rin ay isang taong palaban at mahilig sa kumpetensya.
Nagpupuyat siya sa paggawa ng kaniyang balita at ginagawa niyang
pinakamaganda ito. Kaya nga naiinsulto at nagagalit siya kay
Horatius sa tuwing nilalait nito ang kaniyang artikulong isinulat.

Si Ben Zayb Ngayon


Sa ating kapanahunan ngayon sila ay yaong mga taong
mamamahayag (journalist) o reporter ng balita. May mga ilan sa
kanila na maaaring katulad ni Ben Zayb ngayon. Ilan sa kanila ay
may kinikilingan na laging ang front liner ng kanilang mga article
ay yaong mga sikat at mga kilalang tao lamang nang sa gayon ay
mapapalapit sila sa mga ito at upang sila ay makikilala rin ng mga
tao. Hindi sila padadaig kanino man maisulat lamang ang kanilang
pinakamagaling at pinakamagandang balita. Magaling silang gumamit
ng mga mapalamuting salita upang mas mapaganda ang kanilang
artikulo kahit ito ay pawang walang kalamanlaman. Ang masakit pa
nito ay pili lamang ang mga balitang kanilang ilalahathala at pilit
na itatago ang mga balitang dapat na malaman ng taumbayan.
Tulad ni Ben Zayb tuwangtuwa din sila kapag may krimen at
isyu silang mapag-uusapan sa kanilang mga isusulat o ipapahayag.
Magaling din silang maglagay ng mga scientific feature sa mga
article na siyang ginagamit ni Ben Zayb sa bawat diskusyon niya.
Ibig nilang malaman ang lahat at malimit din nilang pagdudahan ang
mga bagay-bagay at kapag nalaman naman ang totoo ay kanila namang
itatago.
Malaki ang impluwensya ng mga mamamahayag at tagapagbalita
ngayon sapagkat madali nilang napapaniwala ang mga mamamayan sa
mga bagay-bagay.

Mga Katangian ni Mr. Leeds


Si Mr. Leeds ay isang napakabait na tao at napakagalang sa
lahat ng nakapaligid sa kanya. Hinahayaan niya ang lahat na
siyasatin ang mga bagay-bagay bago at pagkatapos ng kaniyang
pagtatanghal, ngunit nakikiusap siya na manahimik ang lahat kapag
nagtatanghal na siya. Kaibigan ni Simuon. Napakamisteryosong tao
at magaling magtago ng lihim na alam niya kung kailan, saan at
kanino lamang sasabihin ang mga ito. Sinasabi pa na siya ay
napakaagap na tao. Para hindi siya maimbistigahan ng gobernador ay
bigla siyang lumipad patungong Hongkong dala ang lahat nilang
sikreto ni Simuon.

Si Mr. Leeds Ngayon

You might also like