You are on page 1of 9

KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas
ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga
panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang
inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa
pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis
din ng maraming mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya
kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na
mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang
pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga
asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng
mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang
dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala
niya kay Blumetritt habang naglalakbay.

Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo

Noli Me Tangere

Nobelang

Panlipunan

Banghay ng Nobela bilang Akdang Pampanitikan

Si Rizal ay:

Dumaranas ng kagipitan sa pananalapi

Ginipit ang pamilya at kamaganakan sa pilipinas

Nangungulila sa larangan ng pagibig

Kabi-kabila ang panunuligsang tinatanggap mula ng lumabas ang Noli Me Tangere


Namatayan ng dalawang kaibigan

Mababa ang pagkakilala ng mga kasama sa Kilusang Propaganda

Ang Paghahari ng Kasakiman

Ang El Filibusterismo (1891) ay and pangalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal. Ito ang karugtong ng
kanyang nobelang Noli Me Tangere. Inilalantad ng El Filibusterismo ang higit na madilim na larawan ng
mga dekada ng ika-19 na siglo sa Pilipinas na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na
lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me
Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito
sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa
Calamba.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw
upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na
nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y
naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang
kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…

Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito
hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha
na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman,
ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa
lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan
niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna
ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya
kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay
Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan
siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang
Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang
paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:

“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging
mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at
pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking
mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran
upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa
aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may
mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”

Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni
Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos
mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela
sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan
kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang
pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema
sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran,
masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng
nobela.

Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi
maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama na pati
ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.

Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga
kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris,
Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring
iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa
kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa


maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Ano ba ang pinagkaiba ng Noli me Tangere at El Filibusterismo?

Noli Me Tangere

El Filibusterismo
Nailimbag sa Alemanya

Maximo Viola ang kaibigang nagpahiram

kay Rizal ng pera upang mapalimbag ang

nobela

Alay sa inang bayan

Nailimbag sa Gante, Belhika

Valentin Ventura ang kaibigang nagpahiram

kay Rizal ng pera upang mapalimbag ang

nobela

Alay sa Gomburza

Dahil ito ay tumatalakay sa pamumuhay, paguugali at mga sakit ng mamamayan noon

Dahil ito ay tumatalakay sa pamamahala ng kastila (sibil at simbahan)

Nobelang

Pampulitika

Bakit binitay ang Gomburza?

1. Pinaratangan sila na kasama sa aklasan sa Cavite noong 1872

2. Ang paratang ay bunga ng pagsasangkot ng mga prayleng regular na nagpanggap na Padre Burgos

3, Isinangkot sila sapagkat sila ay Paring maka Pilipino

4. Ang inspirasyon idinulot ng tatlong paring martir sa buhay ni Rizal ay mula sa kwentong ibinahagi sa
kanya ng kapatid na si Paciano

Ang simula ay

kalimitang nagpapakilala

sa pangunahing

at napipintong

suliranin
Ang tumitindig na galaw ay naglalahad ng mga pangyayaring aakay sa mambabasa tungi sa pagigting na
pagtingin sa kuwento

Ang kasukdulan ang pinakamaigting na bahagi o pangyayaring nakapaloob sa nobela

Ang kakalasan ang unti unting pagbabang ng takbo ng pangyayari

Ang wakas na sumusunod matapos ang panyayaring pinagbuhol-buhol sa nobela

Kapitan Tiyago

Simbolo siya ng lipunang Pilipino sapagkat kagaya niya, ang pagpapabaya sa sarili kaya't nagpapatuloy
lamang ang

kabulukan

BaporTabo

Simbolo ito ng lipunang walang direksyon

sapagkat kagaya ng bansang Pilipinas noong panahon ng kastila, wala itong tiyak na

direksyon dahil sa maling pamamalakad

Perya sa Quiapo

Simbolo ito ng mga tau-tauhang lipunan sapagkat kagaya ng anumang peryahan, lahat ng mga uri ng tao
ay nangagtipon dito, mataas o mababang uri ng perya

Simbolismo

sa Nobela

"Ang kalayaan ay katambay ng tao at gayundin ng talino ang karunungan"

Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

• Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli Me Tangere,
ay sinimulan niyang isulat sa kaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887, sa kaparehong taon
kung kailan natapos ang manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang nobela. Makalipas ang halos
isang taon, 1888, nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela.
Gayunman, may mangilan-ilang sanggunian ang nagsasabing nasimulan niyang isulat ito sa London
habang tinatapos pa niya ang pagsusulat ng Noli Me Tangere. Kung pagbabatayan naman ang
talambuhay ni Dr. Rizal, tumataliwas ang pahayag na ito dahil hindi man lamang nabanggit ang London
sa mga bayang pinuntahan ni Dr. Rizal habang sinusulat pa niya ang kaniyang unang nobela. Ayon sa
aklat na “Rizal’s Life, Works, and Writings” ni G. Gregorio F. Zaide, sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang
unang mga kabanata ng Noli Me Tangere sa Madrid, Espanya noong 1884; ipinagpatuloy niya ito sa
Paris, Pransiya; maging sa Wilhelmsfeld, Alemanya sa mga buwang Abril–Hunyo; at tinapos sa Berlin,
Alemanya sa huling mga buwan ng 1886 at ipinalimbag sa Berliner Buchcdrukrei Actien Gesselchaft
noong 29 Marso 1887 sa halagang Php300 para sa 2,000 kopya. Samantala, ipinagpatuloy naman niya
ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, Madrid, at Biarritz, Pransiya. Mapapansing iba-ibang lugar
ang napuntahan ni Dr. Rizal habang sinusulat pa niya ang kaniyang mga nobela. Para sa Noli Me Tangere,
ang mga dahilan ay may kinalaman sa kaniyang pamamasyal sa iba’t ibang bansa at sa kaniyang
propesyon. Samantala, mula sa Biarritz, Pransiya kung saan niya tinapos ang pagsusulat ng ikalawang
nobela ay lumipat naman siya sa Ghent, Belgium dahil sa dalawang bagay: (1) makaiwas kay Suzanne
Jacoby na kaniyang sinisinta nang mga oras na iyon, at (2) higit na mababa ang halaga ng palimbagan sa
nasabing lugar. Tanong: Bakit niya iniiwasan si Suzanne Jacoby sa mga sandaling iyon kung tunay niya
itong sinisinta? Sa kabila ng silakbo ng pagmamahal, kinailangan niyang pigilin ang kaniyang damdamin
kay Suzanne Jacoby alang-alang sa maalab niyang pag-ibig sa Filipinas. Isinakripisyo ni Dr. Rizal ang
kaniyang nararamdaman sa isang babae―ang kaniyang personal na pangangailangan―dahil higit na
kailangan siya ng kaniyang mga kababayang patuloy na nagtitiis sa panlalapastangan ng mga Espanyol.
Dahil na rin sa nagsilbing aral para sa kaniya ang masaklap na mga karanasan sa pagpalalathala ng Noli
Me Tangere, nanirahan siya sa masikip na kuwarto ng kaniyang kaibigang si Jose Alejandrino para
lamang maipalimbag ang kaniyang El Filibusterismo sa F. Meyer-Van Loo Press, No. 66 Viaanderen
Street, Ghent, Belgium. Ayon sa isa sa mga anekdota ni Jose Alejandrino para kay Dr. Rizal, labis-labis
ang pagtitipid na ginawa niya para lamang maging matagumpay ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo.
Ayon kay G. Alejandrino, sang-ayon sa aklat muli na “Rizal’s Life, Works, and Writings” ni G. Gregorio F.
Zaide, ang tinutuluyan nilang apartment ay may sariling canteen pero sa halip na kumain doon, dahil sa
mas mapapamahal sila, ay bumili na lamang si Rizal ng isang latang biskuwit at ilang kape para sa mga
almusal nilang dalawa sa loob ng isang buwan. Ang ginawa pa ni Dr. Rizal, hinati niya nang pantay para
sa kanilang dalawa ang mga biskuwit. Si G. Alejandrino, dahil sa hindi nakasusunod sa kaniyang rasyon o
kung ilang biskuwit lamang ang kaniyang kailangang kainin sa isang araw, ay halos maubos na ang
kaniyang mga biskuwit sa loob lamang ng kalahating buwan. Samantala, si Dr. Rizal ay nagawa mismong
tipirin ang sarili sa pagkain para lamang maipalimbag ang kaniyang nobela. Subalit sa hindi magandang
palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya habang ipinapalathala ang unang nobela, muli na namang
kinapos sa salapi si Dr. Rizal. Naubos na ang perang nakuha mula sa pagsangla niya sa kaniyang mga
alahas. [Hindi lamang malinaw kung may kinita siya mula sa mga pinagbilhan ng kaniyang unang nobela.]
Muli na naman siyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit natalagan bago dumating kaya
noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang paglilimbag sa nobela na noo’y nasa ika-112 pahina na. Hindi
nagtagal, tulad muli sa mga nangyari habang ipinapalimbag ang Noli Me Tangere, ay dumating ang
salaping kailangan ni Dr. Rizal mula sa isa sa kaniyang mga kaibigan na si Valentin Ventura na noo’y nasa
Paris. Sa tulong ng sugo ng Diyos, ang ikalawang nobela ni Dr. Rizal ay natapos sa pagpapalimbag noong
18 Setyembre 1891.
• Ang El Filibusterismo ay binigyan ng iba’t ibang saling-pamagat. Sa wikang Ingles, ito ay isinalin bilang
“The Filibustering”. May salin din ito sa wikang Ingles na ang pamagat ay “The Reign of Greed” na
tinumbasan naman sa wikang Tagalog ng “Ang Paghahari ng Kasakiman”. Sa ibang aklat sa wikang Ingles,
ito ay “The Subversive” na ang salin naman sa wikang Filipino ay “Ang Subersibo”. Anuman ang
pamagat, ang salitang filibusterismo ay nanggaling sa salitang Kastila na “filibustero” na hiniram naman
sa salitang Pranses na “flibustier” na tumutukoy sa sumusunod na mga kahulugan: pirata (pirate), isang
taong mangingikil ng buwis o pag-aari ng iba (plunderer), at isang taong may kinalaman sa rebolusyon o
pumupunta pa sa ibang bayan para suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter). Ayon mismo kay Dr.
Jose Rizal, na mababasa rin sa ginawang introduksiyon ng kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt para
sa kaniyang ikalawang nobela, ang “filibustero” ay nangangahulugang “mapanganib na taong
(makabayan) mamamatay kahit na anong oras”. Ito ang kontekstuwal na pagpapakahulugan ng mga
Espanyol at ilang Filipino noon na nakaaalam ng salitang ito. Unang pagkakataon na narinig ito ni Dr.
Rizal ay noong binitay ang tatlong paring martir dahil sa pagkakadawit sa Cavite Munity. Labis-labis na
pagkabalisa ang idinulot ng salitang ito sa mga Pilipino maging sa mga nakapag-aral dahil ito ay parang
parusang bigla na lamang ipapataw ng mga Espanyol sa kung sinumang Pilipinong nais nilang mamatay.
Dahil dito, ipinagbawal mismo ni Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal, ang pagbanggit ng mapanganib na
salitang ito, maging ng mga salitang “Cavite” at “Burgos” (isa sa tatlong paring martir na kaibigan ng
kapatid ni Dr. Rizal na si Paciano), dahilan para kakaunti lamang ang nakaaalam ng salitang ito.

• Labing-isang taong gulang pa lamang noon si Dr. Rizal nang masaksihan niya ang kalunos-lunos na
pagbitay sa tatlong paring martir, ang GOMBURZA, na sina Mariano Gomez de los Angeles, Jose
Apolonio Burgos y Garcia, at Jacinto Zamora y del Rosario. Marami ang nalungkot at marami ang nagalit
dahil pinatay ang tatlong paring inosente na dinawit lamang sa Cavite Mutiny. Ang Cavite Mutiny ay ang
pag-aaklas noon sa Cavite ng tinatayang 200 pinagsama-samang manggagawang Pilipino at lokal na mga
sundalo dahil sa sapilitang paggawa o polo y servicio at pagkakaltas ng buwis ng mga Espanyol sa
natatanggap nilang bayad. Gayunman, ang pag-aaklas na ito ay hindi naging matagumpay dahil lahat ng
nagsipag-aklas ay hinuli, pinarusahan, at pinatay. Sinuman ang sumubok na sumuporta at tumulong sa
pag-aaklas ay parehong kapalaran ang sinasapit. Dahil sa maraming Espanyol lalong-lalo na ang mga
prayle ang galit at naiinggit sa GOMBURZA, idinawit nila ang mga pangalan ng tatlong pari bilang mga
filibustero. Sila ay binitay sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta Park) noong 17
Pebrero 1872. Ang karumal-dumal na pangyayaring iyon, kahit maraming taon na ang lumipas, ay
kumintal sa isipan at bumiyak sa puso ni Dr. Rizal kaya ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng
pagsusulat ng nobelang El Filibusterismo. Ano’t anuman, nang isulat ni Dr. Rizal ang dedikasyon sa
nobela ay nagkaroon ng kaunting pagkakamali ang bayani. Sa kaniyang orihinal na sipi, naisulat niya na
binitay ang GOMBURZA noong 22 Pebrero 1872 at hindi 17 Pebrero 1872 na siyang talang
pangkasaysayan. Maging sa pagsasama ng edad ng tatlong paring martir ay nagkaroon ng dalumat: si
Mariano Gomez na namatay sa edad na 72 ay nailahad ni Dr. Rizal ng 85 taong gulang; si Jose Burgos,
ayon sa bayani ay namatay sa edad na 30 pero ayon naman sa mga historyador ay 35 taong gulang; at si
Jacinto Zamora naman ay namatay sa edad na 36 pero ayon kay Dr. Rizal ay 35 taong gulang.
• Tulad sa nabanggit sa unang bahagi ng tekstong ito: nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos lahat ng
naisulat na niya sa ikalawang nobela noong 1888. Ito ay may kinalaman mismo sa kaniyang naging mga
inspirasyon sa pagsusulat; ngunit naiiba sa mga inspirasyon ng ibang manunulat―ang kaniyang
masasakit na karanasan sa totoong buhay―dahilan para maging mabigat ang mga emosyon at mga
pangyayaring mayroon sa El Filibusterismo. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: (1) ang pagmamalupit
ng mga paring Dominiko sa mga magsasaka ng Calamba at sa kanyang pamilya―matutunghayan sa
Kabanata 4; (2) ang pagkamatay ng dalawang Filipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang
kaibigan niyang si Jose Maria Panganiban; (3) ang away nilang dalawa ni [Heneral] Antonio Luna dahil sa
isang babae, si Nelly Bousted; (4) ang tunggalian sa pagitan nila ni Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng
samahan ng mga Kastila at mga Filipino sa Espanya―mababasa sa unang mga bahagi ng nobela ukol sa
pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila; at (5) ang pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor
Rivera sa isang inhinyerong Ingles na si Henry C. Kipping―matutunghayan sa huling mga bahagi ng
nobela, sa kabanata kung saan nagpakasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.

• Tulad sa Noli Me Tangere, ang ilang tauhan sa nobelang ito ay hinango mismo ni Dr. Rizal sa tunay na
buhay: (1) ang ginagalang na paring Pilipino na si Padre Florentino ay walang iba kundi si Padre Leoncio
Lopez na malapit na kaibigang pari ni Dr. Rizal; si Isagani ay si Vicente Ilustre na isang makata; si Paulita
Gomez ay si Leonor Rivera, ang pinsan ni Dr. Rizal na naging kasintahan niya, si Leonor Rivera din si
Maria Clara sa Noli Me Tangere, mapapansin na magkaiba ang mga katangian nina Maria Clara at Paulita
Gomez pero pareho lamang hinalaw sa iisang tao; si Simoun, ang pangunahing tauhan, ay walang iba
kundi si Simon Bolivar, ang tagapagpalaya ng Katimugang Amerika mula sa pananakop ng Espanya; si
Padre Salvi ay si Padre Antonio Piernavieja; si Donya Victorina ay si Donya Agustina Medel; at si Kapitan
Tiago ay si Kapitan Hilario Sunico.

• Para sa inyo, alin nga ba ang superyor o mas nakaaangat: ang Noli Me Tangere ba o ang El
Filibusterismo? Sa bagay na ito, nahati ang mga opinyon ng mga kaibigan ni Dr. Jose Rizal. Para kina
Ferdinand Blumentritt, Graciano Lopez-Jaena, Dr. Rafael Palma (kapatid ni Jose Palma na siyang
nagsatitik ng “Lupang Hinirang”), at marami pang iba, ang higit na nakaaangat ay ang El Filibusterismo.
Para naman kina Marcelo H. del Pilar, Wenceslao Retana (hindi siya kaibigan ni Dr. Rizal, sa katunayan ay
isa siya sa mga Espanyol na bumatikos ng Noli Me Tangere at nakaaway mismo ng bayani pero nang
mamatay si Dr. Rizal ay doon siya labis na humanga rito at siya ang kauna-unahang gumawa ng
talambuhay ni Dr. Jose Rizal), maging kay Dr. Jose Rizal, ang superyor ay ang Noli Me Tangere. Sang-ayon
mismo kay Dr. Rizal, siya ay nakaramdam ng tabang (grain of salt) o tampo sa mga nagsabing mas
nakaaangat ang kaniyang ikalawang nobela. Sa kabila ng kaniya-kaniyang opinyon, dumating naman ang
pinakamagandang reaksiyon mula sa isa sa mga kaibigan ng bayani―si Mariano Ponce― “It is, indeed,
excellent. I can say nothing of your book, but this: it is really marvelous like all the brilliant productions
of your pen. It is a true twin of the Noli.”
Noong Hunyo 26, 1892, bumalik si Jose Rizal sa Pilipina dahil sa pangakong hindi na siya gagambalain ng
mga Espanyol. Itinatag niya ang LA LIGA FILIPINA noong Hulyo 3, 1892 sa bahay ni Doroteo Ong-Juco sa
Calle Ilaya sa Tondo, Maynila. Ang kapisanan ay binuo ng mga Pilipinong maykaya sa buhay at may
mataas na pinag-aralan. Sinasabing naroroon din si Bonifacio bilang tagamasid sa una at huling pulong
nito.

Mga layunin ng La Liga Filipina :

1. Pagbuklurin ang buong kapuluan ng Pilipinas upang magkaroon ng pagkakaisa.

2. Proteksyon para sa lahat.

3. Pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at komersiyo.

4. Paghingi o pagpapatupad sa mga reporma sa pamahalaan.

You might also like