You are on page 1of 9

Kaligirang

Pangkasaysayan ng Noli
M e Ta n g e r e
 Ito ang kauna-unahang nobelang isinulat
ni Rizal
 Inihandog sa Inang Bayan
 Nobelang Panlipunan
 Magdadalawanpu't apat na taon pa
lamang siya nang isinulat niya ito.
 Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me
Tangere dahil sa tatlong aklat na
nagbigay sa kaniya ng inspirasyon:

(1.) The Wandering Jew, (2.) Uncle


Tom's Cabin, (3.) Biblia
 Nang mabasa ni Rizal ang aklat
na The Wandering Jew ( Ang
Hudyong Lagalag) ay nabuo
sa kanyang puso na sumulat ng
isang nobelang gigising sa
natutulog na damdamin ng mga
Pilipino at magsisiwalat sa
kabuktutan at pagmamalupit ng
mga Espanyol.
 Ang The Wandering Jew ay
tungkol sa isang lalaking kumutya
kay Hesus habang siya ay
patungo sa Golgota. Ang lalaking
ito ngayon ay pinarusahan na
maglakad sa buong mundo nang
walang tigil.
 Uncle Tom's Cabin -
Tungkol ito sa pagmamalupit
ng mga puting Amerikano sa
mga Negro. Tumindi ang
pagnanais ni Rizal na
makabuo ng aklat na
tumatalakay sa
pagmamalupit ng Kastila sa
mga Pilipino.
 Ang pamagat na " Noli Me Tangere " ay salitang latin na ang
ibig sabihin sa wikang Filipino ay "huwag mo akong salingin" na
hango sa Bibliya sa Ebang helyo nu San Juan 20: 13-17.
 Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong dalawampu't anim
na taong gulang siya.
 Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay
ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakakabatid sa uri ng
lipunan sa Pilipinas at yaon pagsasama-samahi niya upang
maging nobela . Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan , kaya
sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang
walang katulong .
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa
Madrid at doo'y natapos niya ang kalahati ng nobela.
Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa paris noong 1885 at
natapos ang sangkapat . Natapos naman niyang sulatin ang
huling ikaapat na bahagi ng nobela sa alemanya noong
Pebrero 21, 1887.
 Natapos niya ang Nole Me Tangere ngunit wala aiyang
sapat na halaga upang maipalimbag ito . Mabuti na
lamang at dumalaw sa kanya si Maximo Viola na
nagpahiram sa kanya ng salapi na naging daan upang
makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa imprenta.
 Si rizal mismo ang nagdesinyo ng pabalat ng nobela.
 Ang nobela ay sumasalamin sa kalagayang panlipunan
ng mamayang Pilipino sa panahon ng mga Kastila.
Inilarawan dito ang mga pang-aapi at pang-aabusong
higit na nagpalala sa kanser ng lipunang napakahirap
hanapan ng lunas at lalong nagpapatindi ng pagkauhaw
sa diwa ng kalayaan.
 Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa kanyang
matalik na kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt
ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang
nobela.
1. Matugonan ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga
Pilipino at sa bansa.
2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga
paniniwala, pag-asa, miyhiin o adhikain , karaingan at kalungkutan .
3. Mahihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginawang dahilan o
sangkalan sa paggawa ng masama .
4. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa di-tunay na relihiyon . Ang
huli ay gumagamit ng pamahiin at banal na salita upang makuha ang
salapi at mapaniwala ang mga tao sa mga bagay-bagay na mahirap
matanggap.
5. Mailantad ang kasamaang nakukubli sa karingalan ng pamahalaan.
6. Mailarawan ang mga kamalian , masasamang hilig , kapintasan at
kahirapan sa buhay.

You might also like