You are on page 1of 8

Filipino 9

Ikaapat na Markahan
Modyul 1 at Modyul 2

Ang Noli Me Tangere ang kauna unahang nobelang isinulat ni Rizal. Magdadalawampu’t apat na taon pa
lamang siya nang isulat niya ito. Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere dahil sa tatlong aklat na
nagbigay sa kaniya ng inspirasyon: The Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin, at ang Bibliya.

Nang mabasa ni Rizal ang aklat na The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso
na sumulat ng isang nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan
at pagmamalupit ng mga Espanyol. Ang The Wandering Jew ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus
habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang
walang tigil.

Ang Uncle Tom’s Cabin ay tungkol sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang
pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino.

Ang pamagat na “Noli Me Tangere’’ ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay ‘’huwag mo
akong salingin’’ na hango sa Bibliya sa Ebanghelyo ni San Juan. Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong
dalawampu’t anim na taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo
ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na
nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging nobela. Ngunit hindi
ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.

Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo’y natapos niya ang kalahati
ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat. Natapos naman
niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.8

Natapos niya ang Noli Me Tangere, ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na
lamang at dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na nagpahiram sa kaniya ng salapi na naging daan upang
makapagpalimbag ng dalawang libong (2,000) sipi nito sa Imprenta Lette.

Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela. Pinili ni Rizal ang mga elemento na ipaloloob niya
rito, hindi lamang ang aspektong astetiko ang kaniyang naging konsiderasyon – higit sa lahat ay ang aspekto ng
simbolismo.

Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang kaniyang pamilya na baka siya’y mapahamak,
inibig pa rin niyang makabalik sa Pilipinas dahil: Una, hangarin niyang maoperahan ang kaniyang ina dahil sa
lumalalang panlalabo ng mata. Pangalawa, upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor
Rivera ang kaniyang mga sulat mula taong 1884-1887. Panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng
kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga kababayan.

Ang nobela ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya.
Binabatikos din ng nobela ang mga kaugalian na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng
simbahang Katoliko na nahihigitan pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde. Bumuo ng kontrobersya ang
nobelang ito, kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni
Gobernador Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli Me Tangere.
Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal na Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang
magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.

Ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt, ang mga layunin niya ay ang sumusunod:

1. Matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.

2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga karaingan at kalungkutan.

3. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama.

4. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa ‘di tunay na relihiyon.

5. Mailantad ang kasamaang nakakubli sa karaingan ng pamahalaan.

6. Mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig, kapintasan at kahirapan sa buhay.

Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na
nangyayari sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Gawain 1. #KaalamanKo,IlalahadKo

Panuto: Tukuyin ang mga layunin ng may-akda sa pagsulat ng kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere.
Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat ang iyong sagot.

Performance task
Panuto: Gumuhit ng isang poster o bumuo ng islogan na nailalarawan at napatutunayan na ang mga
kondisyong panlipunan ay umiiral sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere. Sumulat ng maikling
pagpapaliwanag tungkol dito na nakapaloob ang layunin ng may-akda at ibigay ang epekto nito matapos
maisulat hanggang sa kasalukuyan. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na
papel.

1. Anong nobela ang gumising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at nagsiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol?

A. The Wandering Jew C. Noli Me Tangere

B. El Filbusterismo D. Uncle Tom’s Cabin

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang na layunin ni Dr. Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere?

A. maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga karaingan at kalungkutan

B. matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa

C. mahikayat ang mga kabataan na maging bukas ang isip sa mga pangyayari sa pamahalaan

D. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama

3. Mula sa layunin na, “mailarawan ang mga kamalian, masasamanghilig, kapintasan at kahirapan sa buhay”, ano
ang nais ipahayag nito?

A. pagmamalupit ng mga Kastila

B. pagmamalupit ng mga Pilipino

C. pagiging sakim ng mga dayuhan

D. pagpapakita ng lakas sa kapangyarihan

4. Ano ang nais ipakahulugan ng layuning ito? “Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa ‘di tunay na relihiyon”.

A. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon

B. bawat relihiyon ay may iba’t ibang paniniwala

C. mas makapangyarihan ang simbahan kaysa pamahalaan

D. may pagkakaiba ang bawat relihiyon batay sa kanilang pinaniniwalaan

5. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kondisyong panlipunan na nangibabaw sa nobela?

A. pagsasamantala ng mga makapangyarihan

B. makataong pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino

C. pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Hapones at Amerikano

D. pantay na karapatan sa larangan ng pag-aaral ng mga Kastila at mga Pilipino

6. Ano ang maaaring pagpapaliwanag sa kondisyong panlipunang kawalan ng kalayaan sa pananalita at panulat?

A. Limitado ang kalayaang kumilos ng mga Pilipino.


B. Hindi maaaring magsulat o magsalita ang mga Pilipino.

C. May busal ang bibig at putol ang kamay ng mga Pilipino.

D. Walang karapatan ang mga Pilipino na magbahagi ng kanilang saloobin.

7. Ano ang nais ipakahulugan ni Rizal sa kondisyong panlipunang ito: ang mga kaugalian na nakasanayan ng mga
Pilipino?

A. pagiging duwag ng mga Pilipino

B. walang boses upang ipahayag ang kanilang hinaing

C. hindi marunong lumaban sa pang-aapi ang mga Pilipino

D. pinanatili ng mga Pilipino sa kanilang isip ang pagiging mangmang

8. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino ng pagmamalupit ng mga Espanyol?

A. nanatiling tagasunod na lamang

B. naging mabuti pa silang mamamayan

C. nawalan na sila ng tiwala sa kanilang sarili

D. nawalan ng kalayaan, katarungan at karapatang pantao

9. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino nang mabuo ang nobelang Noli Me Tangere?

A. Nagkaroon ng pag-ibig sa bansa ang mga Pilipino.

B. Nabigyang-linaw ang isip ng mga Pilipino sa mga pang-aalipin ng mga Kastila.

C. Nakatulong ito upang imulat ang mata ng mga Pilipino nalumaban sa Kastila.

D. Naging instrumento ito upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan

10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsakop ng mga Kastila sa bansa?

A. pagtuturo ng wikang Kastila

B. pagkakaroon ng edukasyon sa bansa

C. pang-aalipin sa mga Pilipino sa sariling bayan

D. pagmumulat sa isipan ng mga Pilipino sa mga maling kaugalian


2
Ang nobela ay isang genre o uri ng panitikan ng modernong panahonSa literal na pagpapakahulugan,
ang ibig sabihin ng nobela ay “bago” (nove or new sa Ingles). Ito ay isang mahabang kuwento na hinati-hati sa
mgakabanata. Ito ay kathang-salaysay ng mga pangyayaring pinagsusunodsunod upang makalikha ng isahang
epekto. Ito ay madalas na sumusunod sa pag-unlad ng katauhan ng isang karakter.

Subalit hindi lahat ng mga nobela ay nababasa, ang iba ay maaarin mapanood sa telebisyon. Ito ay
tinatawag naman na telenobela. Ito aynagmula sa dalawang salita; ang telebisyon at nobela. Ito ay isang uri ng
panoorin na ineere sa telebisyon na nakaaanyaya sa mga manonood. Ang nobela at telenobela ay parehong
sumasalamin sa mga pangyayari sa lipunan.

Sa tuwing tayo ay nagbabasa ng mga nobela o mga babasahin, hind maiiwasang may malalalim na
salitang nakikita. Para ba itong balong malalim at mahirap abutin subalit sa tulong ng mga kontekstuwal na
pahiwatig, mapadadali ang pag-unawa sa mga salitang may malalim na kahulugan.

Kontekstuwal na Pahiwatig Ito ay mga kahulugang nakabatay sa pahiwatig ng mga pahayag na


ginagamit sa pakikipagtalastasan. Nababatay ang kahulugan nito sa konteksto o gamit sa isang pahayag. Kaugnay
nito, nagkakaroon ng hindi iisang kahulugan ang isang salita. Mula rito, ang pahiwatig na kontekstuwal ay may
anyong:

1. Depinisyon – ang kahulugan ay mababasa sa ibang bahagi ng pangungusap.


Halimbawa: Hindi niya masikmura at nakabababa ng pagkatao ang mahahayap na salitang binigkas ng
kaniyang kaaway sa pulitika.

2. Salungatan – bukod sa kasingkahulugan, higit na mabuting malaman din ang kahulugan sa pamamagitan ng
kasalungat din nito.

Halimbawa: Ang kabuktutan ay hindi dapat na magkubli sa anino ng kabayanihan.

Sa mga nobelang isinulat ni Jose Rizal, inilahad ang kaniyang mga sariling pananaw o kongklusyon tungkol sa
ginawang pangmamaltrato ng mga Espanyol noong panahong iyon. Ngunit hindi lamang sa pagsulat ng nobela
maipahahayag ang iyong sariling pananaw, sa pagsulat ng sanaysay ay maaari mo rin itong magawa. Ang
sanaysay ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga pananaw ng may-akda.
Ipinahahayag ng may-akda ang kaniyang damdamin sa mga mambabasa. Ito ay essay sa Ingles.

Dalawang Uri ng Sanaysay

1. Pormal – tinatalakay ang mga seryosong paksa na nagtataglay ngmasusi at mapanuring pananaliksik.

2. Di-pormal – tinatalakay naman nito ang mga paksang karaniwangpersonal at pang-araw-araw na mapang-aliw
sa mambabasa.

Mga angkop na salita o ekspresyon sa…


• Paglalarawan
Halimbawa: dambuhala, maganda mahusay
• Paglalahad ng sariling pananaw
Halimbawa: Sa aking palagay… Sa tingin ko ay… Para sa akin…
Ang paniniwala ko ay……. Hindi ako sumasang-ayon dahil…
• Pag-iisa-isa
Halimbawa: Pagkatapos , Saka , Sa dakong huli , Sumunod na araw
• Pagpapatunay
Halimbawa: Ayon sa nabasa kong datos… Batay sa… Pinatutunayan ni…
Tinutukoy sa/ni/ng … Sang-ayon sa…
Gawain 3. Pananaw, Ilalahad

Panuto: Gamitin ang mga angkop na salita o ekspresyon sa paglalahad ng iyong pananaw tungkol sa mga isyu sa inyong
baranggay sa salitang nakasulat sa kahon. Gayahin ang pormat sa ibaba at isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

Ayon sa… Sa palagay ko… Sa kabilang banda…


Batay sa… Sa ganang akin… Sa kabilang dako…
Sang-ayon sa… Sa tingin ko… Samantala…

TAYAHIN 2: Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay
na papel.
Para sa bilang 1-2

“Mamamatay ako na ‘di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong makamamalas sa kaniya, batiin ninyo
siya at huwag kalimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.”

1. Ano ang kontekstuwal na pahiwatig ng pahayag na, “ang pagbubukangliwayway sa aking bayan”?
A. kuwentong-bayan C. kaluwagan ng bayan
B. kalayaan ng bayan D. kinabukasan ng bayan
2. Ano ang kontekstuwal na pahiwatig ng pahayag na, “nangabulid sadilim ng gabi”?
A. kabataan C. mga bayani
B. matatanda D. mga sundalo
3. Ano ang patunay na ang nobela at telenobela ay may pagkakaiba?
A. Magkaiba ang nobela at telenobela pagdating sa haba nito.
B. Ang mga tauhan sa nobela ay mas marami kaysa telenobela.
C. Mas matapang ang mga tauhan sa telenobela kaysa sa nobela.
D. Ang telenobela ay ineere sa telebisyon samantalang ang nobela ay nababasa lamang.
4. Alin sa sumusunod ang patunay ng pagkakatulad ng telenobelang napanood sa mga nobelang nabasa?
A. mga lalaki ang pangunahing tauhan
B. sumasalamin sa mga pangyayari sa lipunan
C. parehong ineere at napanonood sa telebisyon
D. tinatalakay ang paksa tungkol sa mga bayani
5. Anong angkop na salita o ekspresyon ang bubuo sa pahayag? ________________ Jose Rizal, “Ang hindi
magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda.”
A. Ayon kay C. Sa palagay ko
B. Batay sa D. Pinatutunayan na
6. Alin sa sumusunod na salita o ekspresyon ang bubuo sa pahayag?________________ sabay na natapos ni Rizal
ang medisina at pilosopiyasa Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid.
A. Batay sa C. Pinatutunayan ng
B. Tinutukoy sa D. Ayon sa nabasa kong datos
7. Anong salita o ekspresyon ang angkop sa pahayag? _______________ talambuhay ni Rizal, binaril siya noong
Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan na kilala na ngayon bilang Rizal Park.
A. Batay sa C. Sang-ayon sa
B. Para sa akin D. Pinaniniwalaan ko
8. Anong angkop na salita o ekspresyon ang bubuo sa pahayag?_______________ Rizal na hindi kinakailangang
gumamit ng dahas upang makamit ang inaasam na kalayaan.
A. Ayon sa C. Pinatutunayan ni
B. Batay sa D. Pinaniniwalaan ko
9. Alin ang angkop na salita o ekspresyon na dapat gamitin sa pahayag? _______________, malaki ang naging
ambag ni Rizal sa ating bayan kaya nararapat lamang na siya ang kilalaning pambansang bayani.
A. Ayon kay C. Para sa akin
B. Sang-ayon sa D. Tinutukoy ng
10. Anong angkop na salita o ekspresyon ang bubuo sa pahayag?_______________ si Jose Rizal ay nahatulan ng
kamatayan dahilnapagbintangang nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
A. Batay sa C. Tinutukoy ng
B. Sang-ayon sa D. Ayon sa nabasa kong datos

You might also like