You are on page 1of 15

Gawain 11:

Hawiin Natin Ang Ulap

Pangkat Tatlo
•1.) Ibigay ang buod ng
Parabula ng Banga.
Palaging sinabihan ng inang banga ang kanyang anak
na dapat niyang tandaan na siya ay hindi dapat
makisalamuha sa hindi kauring banga dahil siya ay
banga na gawa mula sa lupa. Tinandaan niya ito
hanggang siya'y tumanda at nakakita ng iba't ibang uri
ng banga. Tinanggap niya na sila ay magkakaiba.
Isang araw, inimbitahan siyang maligo sa lawa ng
napakakakisig na porselanang banga. Tumanggi siya
noong una pero kalaunan naisip niya na pantay-pantay
ang lahat ng banga kaya siya ay pumayag . Naakit siya
sa magagandang disenyo at matitingkad na pintura ng
porselanang banga.
Naisip niya na hindi masamang makisalamuha sa iba at
wala naman silang masamang gagawin kaya sumama siya
nito. Sabay silang lumundag sa lawa at nakadama ng
kaginhawaan. Ngunit nakalikha ito ng alon na naging sanhi
ng kanilang malakas na banggaan. Nanatiling buo at
kompleto ang porselanang banga samantalang ang bangang
gawa sa lupa ay unti-unting nabiyak. Habang siya'y unti-
unting nabiyak ay naisip niya ang sinabi ng kanyang ina.
2.) Magbigay ng kaugnay na mga
salitang banga at pagkatapos ay
ipaliwanag ang sagot.
galong paso

katingan
tapayan
gusi
Gawain 12 :
Sa Antas ng Iyong Pag-
unawa
1.) Ihambing ang katangian
ng bangang yari sa lupa at
yari sa porselana.
• Ang bangang yari sa lupa ay hindi matibay. Ito ay
madaling masira, madaling magkalamat at mabasag
sapagkat nang nag salpukan silang dalawa'y ang bangang
yari sa lupa ay nagkalamat at lumubog sa tubig.
• Samantalang ang bangang yari sa porselana ay matibay,
matatag, at makinis kung kaya ito ay hindi lumubog sa
tubig nang sila'y nagsalpukan sa bangang yari sa lupa.
2.) Sino ang kinakatawan ng bangang
yari sa lupa? ng bangang yari sa
porselana?
Ang kumakatawan sa bangang yari sa lupa ay ang mga
taong mababa ang kalagayan sa buhay habang sa
porselanang banga naman ay kumakatawan sa mga
mayayaman.
3.) Nagtagumpay ba ang
pangunahing tauhan sa
kaniyang layunin?
Hindi dahil hindi siya nakinig sa
payo ng kaniyang ina kaya siya
nabasag.
4.) Anong aral o mensahe
tungkol sa realidad ng
buhay ang nais ipahatid ng
parabula?
Lahat tayo ay pantay-pantay, mayaman man
o mahirap dahil iisa lamang ang may gawa
sa atin, ang Diyos. Ngunit, napagtanto ko na
hindi lahat ng tao ay pwedeng magsama
dahil may mga taong gigiba sa atin sinadya
man o hindi.
5.) Anong uri ng teksto ang
binasang akda? Ipaliwanag.
Pasalaysay, dahil ito'y
nagsasalaysay sa pangyayari.

You might also like