You are on page 1of 21

ELIHIYA SA

KAMATAYAN NI
KUYA
Pamukaw - sigla
Pag – isipan ang mga sumusnod na tanong:
• Ano para sa iyo ang kamatayan?
• Marapat ba itong katakutan? Bakit?
• Bakit namamatay ang tao?
• Marapat bang paghandaan ng tao ang
kaniyang kamatayan?

• Ano – anong mga paniniwala ang


narinig/alam mo kaugnay ng kamatayan?
Pangkaalaman
Ang Timog Asya ay nagkakanlong sa mga
bansa tulad ng Afghanistan, Bangladesh, Bhutan,
India, Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka.
Isa sa mga bansang ito na may makulay na
panitikan ay ang Bhutan. Druk Yul ang local na
pangalan ng Bhutan.
Ito ay tinatawag ding Druk Tsendhen (Lupain ng
dragong kulog) dahil sinasabing ang mga kulog
doon ay katulad ng tunog ng ungal ng dragon.
Budismo ang pangunahing relihiyon sa bansang
ito. Mayaman sa kultura, paniniwala, at
tradisyon ang mga Bhutanese.
Binibigyang pagpaparangal at pag-
aalala ang mga mahal sa buhay na
pumanaw na sapagkat nais pa rin nilang
ipaabot ang kanilang paggalang at
pagmamahal sa kanilang mga yumaong
mahal sa buhay.
Basahin Natin

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


(Bhutan)
Isinalin ni Pat V. Villafuerte
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na
matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang ‘di-mabigkas na
pangarap
‘Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong guhit, poster, at larawan,
Aklat, talaarawan, at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi.
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha, naglandas ang hangganan,
gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig,
Ang halakhak, at ang ligayang ‘di – malilimutan.
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot,luha, at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag – aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay Nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na Nawala.
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba,
Ang bukid ay nadaanan ng unos.
Malungkot na lumisan ang tag – araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
Pagtalakay
1. Ano ang mensahe ng tulang binasa? Para
kanino ito?
2. Ano ang damdamin ng sumulat nito?
3. Kailan at saan niya kaya ito isinulat? Bakit?
4. Ano kaya ang relasyon niya sa taong namayapa?
Ipaliwanag.
5. Paano ipinakita ng sumulat ang kanyang matinding
pagmamahal sa namayapa?
6. Bakit mahalaga na ipadama sa mga taong namatay
ang ating pagmamahal sa kanila?
7. Kung ikaw ang taong namayapa at may kakayahan
kang kausapin ang iyong kapamilya, ano ang iyong
sasabihin? Bakit?
ELEHIYA

Ang elehiya ay isang tulang liriko o


pandamdamin na nagpapahayag ng
masidhing emosyon tungkol sa
mahal sa buhay na yumao na.
Ang bawat kabuuang paksa ng elehiya ay hinggil
sa kalungkutan at kasawian. Binibigyang
parangal at sinasariwang muli rito ang iba’t
ibang nagawa, particular ang mga mabubuting
katangian ng isang yumao. Ito ay may himig na
mapagtimpi at mapagmuni.
Mga Elemento ng Elehiya
1. Tema
- Ito ay ang pangkalahatang kaisipan na
nakapaloob sa isang elehiya.
2. Tauhan
- Ito ay ang taong kasangkot sa tula.
3. Tagpuan
- Ito ay ang panahon at lugar na pinangyarihan
ng eksena o ganap.

4. Kaugalian at Tradisyon
- Ito ay tumutukoy sa mga kaugalian at tradisyon
na sinasalamin sa elehiya.
5. Simbolismo
- Ito ay ang mga bagay na nagsasaad ng mga
pahiwatig.
6. Damdamin – ito ay tumutukoy sa emosyon na
nagingibabaw sa elehiya.
7. Wikang ginagamit – ito ay nagsasaad kung
pormal o di – pormal ang mga pananalitang
ginamit.
GAWAIN 1
Pakinggan ang awiting “Hindi Kita Malilimutan”
ni Basil Valdez. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos itong pakinggan.
Hindi Kita Malilimutan (I'll never forget you) - Basil Valdez [With Pilipino & English translation].webm
1. Ano ang iyong naramdaman habang
pinapakinggang ang awitin?
2. Sino – sino ang iyong naaalala? Ano ang
kaugnayan nila sa iyong buhay?

3. Nakikita mo rin ba ang iyong sarili sa nag –


alay ng awiting ito? Paano?

You might also like