You are on page 1of 30

ANG SUKATAN NG

TAGUMPAY
Pagganyak
Ang bawat tao ay may mga pangarap na gusting
marating sa buhay at ito’y mapagtagumpayan.
Magtala ng limang pangarap sa buhay na gustong
makamit at magmungkahi ng paraan kung paano ito
mapagtatagumpayan.
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
Basahin
Ang Sukatan ng Tagumpay
Ni Gemiliano Pineda
Isang guro sa Pamantasan ang
kamakailan ay nagpahayag ng ganito
sa kanyang tinuturuan:
“Ako’y hindi mayaman. Hindi ako tanyag.
Ngunit sa ngayon ay ipinalalagay ko na ako’y
isang tagumpay. Itinuturing kong ang aking
sarili’y isang tagumpay , sapagkat kumikita
ako ng ikabubuhay at ng ikatutustos sa aking
kaanak sa pamamagitan ng sarili kong
pagsisikap sa isang paraang marangal at
malinis.
Napag – aaral ko ang aking mga anak.
Kami’y kumakain nang hindi sumasala
sa oras. Nakapagdaramit kami nang
katamtaman. At nakadadalo rin kami sa
mga kasayahan.
Oo, sa kabila ng kawalan naming mag – anak
ng isang magarang tahanan, ng isang sariling
sasakyan, ay itinuturing kong ako’y isang
tagumpay, sapagkat ako’y tahimik sa sariling
pamamahay. Wala akong kaaway. Ngunit
marami akong kaibigan. Kaya para sa akin
ako’y isang tagumpay.
Sa palagay ko’y walang makatutol sa sinabi
ng gurong yaon. Isa nga siyang tagumpay. At
dahil sa pahayag na iyan ay napag – isip kong
ang tagumpay ay maraming sukatan. Ang
tagumpay ay hindi isang bagay na may isang
sukatan lamang, yao’y nag – iiba ang anyo.
Nagugunita ko tuloy ang panahon noong
ako’y nag – aaral pa lamang sa mataas na
paaralan. Noon, ayon sa aking pagkamalas sa
buhay, ang aming guro ay isang sagisag ng
tagumpay. Isa siyang halimbawang dapat
tularan.
At kung ako lamang ay makatutulad sa
kanya ay masasabi kong sumapit na ako
sa tugatog ng aking mga pangarap.
Datapwat, napatunayan kong ang tao,
habang tumatanda na nararagdagan ng
karanasan ay nagbabago rin ang
nilalayon.
Kaya naman, yaong bagay na lubhang kaakit –
akit para sa akin nang panahon ng kamusmusan
ay nawalan ng dating ningning nang
mapagmalas buhat sa paninging nakarating sa
iba’t ibang paligid.
Dahil diyan, ang sukatan ng tagumpay ay pabago –
bago, hindi palagian sa habang panahon sa buhay ng tao.
May mga tagumpay na nagiging sanhi ng lalong
paghahangad ng ibayong tagumpay, ayon sa sariling
kalooban. At sa pagiging tao natin ay taglay ang
makataong kahinaan: ang di kasiyahan sa mga bagay na
nasa ating mga palad at paghahangad pang lalo ng
ibayong biyaya.
Kung talagang tutuusin, hindi lamang yaong
naging dakila, nabantog, yumaman, o
nangaging bayani ang masasabing
nagsipagtagumpay sa buhay. Hindi
itinadhanang ang lahat ng nilalang ay magiging
tanyag o dakila.
Mangyari pang may mga tao – ang malaking
bahagi ng sangkatauhan- na mananatiling lingid at
di-kilala ngunit patuloy na nabubuhay sa paraang
ikinasisiya nila. At para sa akin, ang taoong
nabubuhay nang mapayapa ay tagumpay rin
kaipala’y higit pa kaysa mga mamamayan at mga
bantog na ang mga buhay ay lubhang magusot at
puno ng alalahanin.
Sa gayon, hindi natin dapat pakahangarin ang
lubos na kadakilaan o kabantugan. Sapat nang
sa ating sarili ay nalalaman nating tayo’y
marangal at may malinis na kalooban, at tayo’y
nabubuhay sa pamamagitan ng sariling
pagsisikap, upang tayo’y masiyahan sa
idinudulot ng buhay at ipalagay na sa buhay na
ito. Ay ganap tayong nagtagumpay.
Ang mga magsasakang tahimik na nagbubungkal ng
lupa at nag – aani, ang mga manggagawang sa araw –
araw ay nagbabanat ng buto upang pagdating ng hapon
ay umuwi sa kani – kanilang mga tahanan na may dalang
pasalubong sa mga anak, ang mga kawaning
nagsisipaglingkod sa pamahalaan at sa mga bahay –
kalakal, at ang iba pang mga bahagi ng ating lipunan, ay
para- parang mga tagumpay sa buhay na ito, sapagkat
ginagawa nila ang kanilang tungkulin sa abot ng kaya.
Hangga’t ang bawat isa sa atin ay nag –
uukol ng pagsisikap at nagpapakapagod
upang matupad ang mga tungkuling
nakaatang sa ating mga balikat ay walang
makasusumbat na tayo’y hindi ganap na
tagumpay sa buhay na ito.
Saka lamang maaaring sabihing tayo ay
mga bigo kung sa ating paggawa’y
maging pabaya, kung ang ipinagagawa sa
atin ay hindi natupad.
Ngunit habang ang ating mga gawain ay
natutupad, habang sa ating tungkulin ay
ipinakikita nating tayo’y buong – pusong
nagsusumikap sa ikauunlad ng gawain at ng
ating sarili, ay naniniwala akong taas- noong
masasabi nating tayo’y para-parang mga
tagumpay sa daigdig na ito.
Ang bawat isa sa atin ay may kanya- kanyang
tungkulin sa buhay. Ang tadhana’y may
inilalaang landas sa bawat isa. Hindi maaaring
magkasama-sama ang lahat sa isang landas
patungo sa pagyaman, sa pagkadakila o sa
pagkabantog.
Ngunit ang mahalaga’y ang tayo’y
tumatalunton at patuloy na lumalakad sa
landas na nakalaan para sa atin. Habang
tayo’y humahakbang, habang ang ating
mga paa’y kumikilos, ang bawat isa sa
atin ay tumutupad ng tungkulin at sa
gayo’y nagiging tagumpay.
Ang mag – aaral sa paaralan, bagama’t bago
pa lamang sa daigdig, ay maituturing na ring
mga tagumpay kung sa kanilang pag – aaral ay
iniuukol ang pagsisikap na kinakailangan.
Maging ang bata- kung ganap na tutupad sa
papel ng pagiging bata- ay maituturing na
tagumpay.
Kaya naman, yaong mga matatandang
nagpipilit na maging bata, ay itinuturing
na mga bigo sa buhay na ito, sapagkat
lumalabag sila sa kanilang tungkulin –
ang pagiging matanda – at sila’y kakatwa.
Sa pamamagitan ng sukatang iyan ng tagumpay-
na pansarili ko lamang at hindi ipinaaangkin sa iba
pa – ay walang dapat ikainggit ang sino man sa
kanyang kapwa. Kung tayo lamang ay magtataglay
ng ganyang pagkaunawa sa tagumpay, hindi
magaganap ang pang – araw – araw na
pagtutunggalian ng marami at pagsisikap na ang
isa’y makahigit sa isa.
At kung mawawala na nga ang palaluan na
siyang sanhi ng maraming sigalot at katiwalian
sa ating lipunan, ay saka lamang nating
masasabing ang tagumpay ay hindi isang
salitang iniuukol sa ilan kundi sa isang
katawagang maiuukol sa lahat, na gaya ng
hangin, at liwanag ng araw at buwan.
Pagtalakay sa Nilalaman
1. Sino – sino ang mga nabanggit sa akda na
itinuturing na matagumpay sa buhay?

2. Ayon sa may – akda, ano ang tunay na


tagumpay ng mga Pilipino?
3. Paano mo mapangangatwiran na ang
simpleng pamumuhay ay maituturing na
matagumpay sa buhay?

4. Kung ikaw ay tatanungin bilang isang mag


– aaral, masasabi mo bang ikaw ay
matagumpay? Pangatwiran.
5. Anong aral ang nakapaloob sa sanaysay na
binasa? Sang – ayon ka ba sa nilalaman nito?
Paggawa

Katuparan ng pangarap ng mga magulang sa anak ay


ang pagtatapos ng pag – aaral. Sa mga
pangkaraniwang magulang, ito lamang ang
maipamamana nila sa mga anak. Mula sa mga titik ng
salitang TAGUMPAY, bumuo ng akrostik na
paglalahad ng iyong mga gagawing hakbang upang
makapagtapos ng pag – aaral.
T- _______________________________________________
A- ______________________________________________
G- ______________________________________________
U - ______________________________________________
M - _____________________________________________
P - ______________________________________________
A - ______________________________________________
Y - ______________________________________________

You might also like