You are on page 1of 7

Interactionist Perspective

Pakikisalamuha ang ugat ng pagkatuto. Sa mundo


nating ginagalawan mahalaga na mayroon kang alam sa nakaraan sapagkat
napakamakapangyarihan nito. Dahil sa makapangyarihan ang kaalaman dapat
marunong kang humusga kung ito ba ay nararapat tanggapin o paniwalaan
sapagkat kaya kang manipulahin ng maling kaalaman lalo na at kontolado ito ng
mga taong makapangyarihan. Nakakalungkot ang panahon na kinakaharap natin
dahil ang katotohanan ay nagiging kasinungalingan at ang nakaraan ay napapalitan
ng bago upang pagtakpan ang mga bagay na dapat malaman ng sinuman sa
lipunan. Marami tayong pagkakaiba-iba mga klasipikasyon ng mga pagkatao
subalit hindi ito ang basihan ng pagiging isang mabuting tao o mamamayan. Ang
bawat isa ay mayroong kakayahan na maaring ipagmalaki sapagkat ay hindi lahat
ay nabiyayaan ng ganitong talento. Kung ang kaalaman at kakayahan ang
gagawing basihan upang kilanlin ang mga taong nakapaligid s aiyo maaring ito ay
maging mahirap at hindi makatao sapagkat kung tanging panlabas na anyo lamang
ang titingnan sa isang tao at hindi ang kakayahan at karunungan nito ito’y
maaaring makaapekto sa iyo maging sa kanya at maging hudyat ng hindi
pagkakaunawaan. Dapat alam natin kung paano makisalamuha sa kapwa
makipagkapwa tao at kung paano ituring na tao ang mga ito. Kung ayaw mong
gawin sa iyo ay huwag mo ding gagawin sa iba, mga katagang lagi kong
isinasabuhay sapagkat masakit ang haplit kapag binalikan ka. Bilang isang mag-
aaral ito ang kinakailangan mong paghusayan ang pakikisalamuha sa kapwa dahil
malali ang epekto nito sa iyo maaaring ito ang maging sus isa pagkakaroon mo ng
maraming koneksyon upang mapag-ingatan ang mga mahahalagang kaalaman na
makakatulong sa iyong bayan sa hinaharap. Bilang isang kabataan kailangan mong
aralin ang iba’t-ibang uri o pamamaraan ng pakikisalamuha saang lugar ka man
naroroon. Hindi natin ipagkakaila na ang pakikisalamuha ay isang instrument
upang lumago ang isang tao. Dito natin makikita kung saang kapaligiran ba tayo
babagay sapagkat ang bawat isa ay mayroong angking kaugalian at nais sa buhay
na mas mainam ay ibagay sa kapligaran na kung saan ka nabibilang dahil dito mas
magagawa mo o maipapakita mo ang iyong sarili maging ang angking kakayahan
at mas mapapaunlad mo pa ito. Hindi mo kailangang ilagay ang sarili mo sa
posisyon o lugar na hindi ka matuto. Iwasan ang mga bagay na makakapagpabagal
o makakaubos ng oras mo dahil bagkus na makatulong ito s aiyo ay isa pa ito sa
nagiging rason kung bakit ka bumabagal, kung bakit ka napipigilang lumago. May
mga bagay na minsan kailangan mong iwanan hindi dahil sa hindi ito mahalaga sa
iyo bagkus gusto mo pang lumago dahil alam naman natin na dito sa mundo nating
ginagalawan mas lamang ang mayroong talion at diskarte sa nag-iinarte lamang.
Ito ay labanan ng pinakamatibay kaya kung pahina-hina ka mas mahihirapan kang
makibaka sa hamon ng buhay. Lgi mong tatandaan ang bawat Segundo, minuto at
oras ay dapat pahalagahan dahil ang mga ito ay lumilipas at may mga bagay tayo
na na nagawa at magagawa pa na hindi na natin kaya pang ibalik kapag nagkataon
kaya magsumikap pa tayo.

Functionalist Perspective
Bilang isang tao o mamamayan alam mo ang dapat
mong gampanin sa iyong bansa dahil wala sa pwesto o katayuan ng isang
indibidwal ang kakayahan upang tumulong sa pagbabago at maging isang
instrument sap arran ng pagpapakita ng magandang ehemplo sa kapwa maging sa
bayan. Mahalaga ang edukasyon hindi dahil ito ang gusto ng ating magulang
bagkus ito ay kailangan natin. Nakakalungkot ang panahon ngayon, panahon na
kung saan kapag nagsasabi ka ng totoo madami ang magagalit sa iyo. Kapag
normal na mamayan ka kahit gaanong kadaming katotoohanan ang nalalaman at
sinasabi mo at wala kang pagkakilanlan walang maniniwala sa iyo bagkus maari ka
pang gawing mangmang ng mmga makapangyarihan. Kaya mahalaga ang
edukasyon. Mayabong ang layunin nito sa atin. Walang madali na landas patungo
sap ag unlad ngunit kailangan natin itong pagdaanan upang makamit ang ninanais
na pagkakaisa at pag-angat ng bansa.Sinasabing ang edukasyon daw ang susi ng sa
paghubog ng kakayahan ng isang tao, nagiging isang instrument rin ito upang mas
mapalawak ang pang-unawa ng bawat isa at higit sa lahat isa ito sa paraan ng
pagkilatis sa mga katangian ng bawat isa. Dito natin masusukat kung sino ang
nangangailangan ng pagtutok at ano ang mga bagay na kanilang pang mga
kailangan upang mas umunlad ang kanilang kaalaman. Sa usaping ito dahil tayo
ang mga naghahangad na maging susunod na mga taga pagturo sa hinaharap dapat
nating alamin kung ano ang ating gampanin. Gampanin na kung saan kahit kapalit
ay pawis at dugo maging ng ating buhay ay sulit at walang pagsisisihan sapagkat
bilang isang guro ikaw mismo sa sarili moa lam mo dapat na ang kasaysayan ay
hindi nagbabago at binabago. Kailangan mong imulat ang ang mga kabataan sa
kaalamang walang halong dagdag o kulang. Huwag mong hayaan na paniwalain
mo ang sarili mo sa makabagong kasaysayan na nangmamanipula ng tao. Kaya
nandyan ang mga paaralan mga gusali na kung saan matatagpuan ang mga
kaalaman na dapat ay ipinamamahagi kahit kanino man. Minsan na tayong
pinagkaitan ng kaalaman maging ng buhay na dapat tinatamasa natin sana mayroon
tayong natutunan sa paaralan na laging paala ng mga guro huwag kang
magsisinungaling magsabi ka ng totoo at nararapat. Ilang taon tayong nag-aral
maraming beses sinu ok ng pagkakataon, umiyak dahil hindi na kaya subalit
patuloy na lumalaban. Huwag mong hayaan na kainin ka ng Sistema ng
kasinungalingan sapagkat kaya tayo pinag-aral upang matuto tayong ipag tanggol
ang ating sarili upang maiwasan na ang pang-gagamit sa atin. Kaya nais ko lamang
sabihin tayo bilang susunod na mga tagapagturo huwag tayong matakot
manindigan lao na kung tama at makatotoohanan ang ating sinasabi. Hindi
kasalanan ang ang magsabi ng totoo kahit na minsan ang kalaban na natin ay ang
gobyerno mismo. Hidi natin makakaila na lubos na uhaw ang ating bansa sa
kaalaman kung kaya sana isa tayo sa maging instrument upang punan at maiwasto
ang mga maling gawi at paniniwala ng mga nakakarami. Kaakibat ng paaraan ating
ipalaganap ang mabuti at tamang proseso ng kasaysayan para sa bayan.

Conflict Perspective
Hindi natin ito maitatanggi lalo na dito sa ating lugar
ang bansang Pilipinas. Marahil normal na nga sa mga nakakarami ang mga
kaliwa’t kanang patayan, bombahan at higit sa lahat nakawan ng pondo ng taong
bayan hindi ito maikakaila kompitisyon sa paramihan pera ng mga namumuno sa
bansa. Alitan,siraan at walang tigil na parinigan ang iyong maririnig sa lipunan na
siyang nagbubunga ng hindi pagkakaunawaan dahil sa kakulangan sa kaalaman ng
bawat isa.Nakakalungkot mang isipin subalit imbis na umunlad ang ating bansa ay
bagkus itong nalulubog sa utang s kadahilanang hindi wasto ang pag gamit ng mga
nakalaang pondo dahil walang koneksyon ang nakaupo sa kanilang gampanin kung
kaya’t madaling mamanipula ang mga tao . Mhala ang pagkakaroong ng kaalaman
sa bawat gampanin at gawain na iniaatang sa atin dahil mas madali at maayos natin
itong magagawa lalo na kung may patnubay ito ng siyensya. Mahirap manirahan sa
isang bansa lalo na at magkaiba ang perspektiba ng namumuno at ng mamamayan.
Lantaran na din ang paggamit ng social media sa pagpapakalat ng maling
impormasyon na siyang nakakasira sa pananaw ng bawat isa kung kaya’t
nagkakaroon ng away o gulo. Mahalagang malaman natin ang mga salik na
nakapgbibigay ng kalituhan sa bawat isa. Ito ay magiging isang paraan upang
maiwasan ang hindi magandang samahan na maaring magdulot ng pagkakawatak-
watak ng mamayan.Kaya bilang isang tagapagtaguyod ng edukasyon sa darating na
panahon sisisguraduhin kong sa aking sarili mismo magsisimula ang tamang
layunin at gampanin para sa aking landas na tatahakin. Pagsusumikapan kong
alamin ang mga bagay na aking kahinaan upang aking mahanapan ito ng solusyon
ng hindi ito makaapaekto sa aking gampanin at mas papatatagin ko naman ang mga
bagay na mga nakakatulong sa aking pagkatao upang mas maging kapaki-
pakinabang na mamayan. Simulan natin sa sariling atin tayo na mismo ang
magpakita ng kung ano ang mga dapat gawin sa hindi. Sa halip na makipag away
bakit hindi natin hanapan ng solusyon ang problema upang mas maagap itong
matapos at makausad ang bawat isa ng sa gayon hindi tayo nananatili sa iisnag
lugar o posisyon.Mahalaga ang pagabante lalo na kung edukasyon ang pag-
uusapan. Marami ang mga nagnanais makapag-aral subalit salungat naman sa
buhay na kanilang tinatamasa. Hindi lahat nabibiyayaan ng oportunidad kung
kaya’t ating pahalagahan ang edukasyon na ating tinatamasa ngayon. Akala ko dati
mas mahalaga ang pera kaysa edukasyon na hindi naman talaga natin maikakkaila
sapagkat mayroon ngang nagiging presidente na hindi nakapagtapos pero
mayaman ito ang masakit na katotohanan na kayang tapalan ng pera ang dati mong
sitwasyon pero kahit pagbali-baliktarin man ang mundo hindi mo maiialis sa isipan
ng tao na kahit kailan man hindi mapapantayan ang papel na ang nakasulat ay ang
degree ng tinapos mo at mismong pangalan mo na may kaakibat na pangalan ng
paaralan na iyong pinanggalingan. Palaging piliin ang pagiwas sa anumang
diskursyong magbibigay hindi pagkakaunawaan ng bawat isa, isabuhay ang mga
ipinagaralan at ang pagkatuto sa paaralan ng hindi ito masayang at ipakita na angat
ang ugali ng may pinagaraalan.

Correspondence Principle
Sa paaralan isinasagawa ang pormal na pagtuturo ng mga aralin.
Ito ang lugar kung saan nag-aaral ang isang mag-aaral. Ang mga mag-aaral sa
bawat baitang ay may kanya-kanyang silid-aralan sa paaralan. Maliban sa silid-
aklatan makakakita din tayo dito ng silid-aklatan, hardin, opisina ng punong-guro
at ang iba pa nga ay may simbahan . Dito natin makikita ang iba’t-ibang sektor ng
edukasyon na siyang naglalayong makapagbigay ng wastong kaalaman para sa
ikauunlad ng ating pamayanan maging ng ating bansa. Ang mga asignatura ay
napapalitan o nadaragdagan sa bawat taon ng pag-aaral. Magkakaiba ang mga
asignaturang tinuturo sa elementarya, sekondarya, at kolehiyo. Sa bawat asignatura
maaaring magbigay ang mga guro ng mga takdang- aralin o mga proyekto sa mga
mag-aaral upang lalong madagdagan o mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga
asignaturang pinag-aaralan. Kaya bilang isang mag-aaral mas kailangan nating
pagtunan ng pansin ang mga bagay na kinakailangan sa ating pang-akademikong
gawain upang mas maunawaan natin kung ano-ano ng aba ang bawat gampanin ng
mga sektor na ating kinabibilangan. Kailangan nating maisabuhay ang mga
kaalamang natutunan natin sa mga nakalipas na panahon sapagkat ito ang
pinakamahalaga ngayon ang pagkakaroon ng tamang konsensiya sa lahat ng
aspekto. Malinis at may dignidad na pagpapalaganap ng wastong kaalaman ang
kailangan ng ating bansa. Mabibilang mo sa iyong daliri ang mga taong may
busilak na puso para sa kapwa at madali mo ding makikita ang taong ang nais
lamang ay mapansin at sumikat kaya tumutulong. Ito ang masakit na haplit ng
katotohanan marami sa atin ang nakapagtapos , nangaling sa magandang paaralan
subalit kapos sa pagsasatao ng mga values na natutunan sa paaralan. Madaming
pagkakataon na susubukin tayo kung paano maging isang mabuting tao kung paano
mo masasabuhay ang mga aral na tinapos mo sa mundong ito at doon ang bawat
isa nagkakatalo sa aplikasyon nito. Mas masarap gumawa ng isang bagay kung
may alam kana nga tapos sinamahan mo pa ng diskarte. Dito mo talaga makikita
ang taong may puso sa ginagawa at yung taong nagbabalat sibuyas lang makuha
lang ang para sa kanya. Itinuturo sa atin sa paaralan ang mga bagay na mas
mamumulat tayo na ang buhay hindi mo madaaan sap ag iinarte lang bagkus
walang madaling daan dito ipinapakita nag importansya ng edukasyon sa bawat
antas ng pamumuhay natin. Marami ang nagsusumikap na makapagtapos ngunit
ang tanging hiling ko lamang sa mga susunod na mamumuno o mangangasiwa ng
isang grupo lagi sanang isa buhay ang mga kaalaman na kanilang tinalakay simula
noong una hanggang sa makatapak sila sa inaasam nilang pwesto. Bigyan ng
kabuluhan ang mahigit labing anim na taon na pag-aaral sapagkat hindi ito biro.
Madaming pawis at dugo ang inilaan dito at huwag sanang masayang ang mga per
ana ibinabayad mo sulitin ito sapagkat nakakahiya kung may nagpaparal s aiyo
tapos wala ka man lang maayos na ginagawa. Ugaliin ang tamang paggamit ng
kaalaman upang hindi ka maging kahiya-hiya pagdating ng panahon para kapag
nagsalita ka ikaw ay pakikinggan at titingalain ka dahil sa aking pagkatao at
karunungan na mayroon ka.

Critical Perspective
Paano natin masasabi na ang isang bansa ay pilit binubuklod
upang magkaisa kung ang mga nakaupo mismo ang mga nagiging dahilan ng
pagbagsak ng ekonomiya nito? Paano natin maipapakita ang pantay-pantay na
pagtingin sa mayaman at mahirap kung ang batas na mismo ang nagsasabi na
kapag wala kang pera ay hindi ka maaring manalo. Paaano natin masasabing
maunlad ang isang bansa kung ang mga umuunlad lamang dito ay yung mayroong
magandang katayuan at ang mga mahihirap ay basta na lamang ang pakikisama
hindi man lang mabigyan ng tamang pakikisalamuha at pantay na karapatang
pantao? Ito ang isa sa pinakamatinding suliranin natin sa bansa marami ang
nagsasabi nan ais nilang maging pantay pantay subalit sa paanong paraan? May
mga nasa posisyon na wala ng ginawa kung hindi gipitin ang mga magsasaka kung
kaya’t napipilitan ang mga ito na ipagbili ang kanilang mga lupang sakahan sa
maliit na halaga at matapos mabili ay gagawing isang villa na kung saan ang maari
lamang tumira ay ang mga mayayaman lamang. Nasaan ang pagkakapantay
pantay? Pilit ipinagbubuklod bagkus ay pasasama-samahin ang mga may kaya sa
wala. Masakit man pero ito ng nangyayari sa ating bans ana para bang hindi na
alam ng mga nasa laylayan kung saan sila pupunta, kung sino pa ba talaga ang mga
taong may pagmamahal at pagkalinga sa kanila. Bilang isang kaanib ng Apostolate
ng simbahan marami ng engkwentro sa aking patuloy na pakikibaka sa hamon
buhay ang nagbibigay ng lakas sa akin upang magpatuloy at magtapos kahit hindi
ako ganon kagaling sapagkat para sa akin mas arami akong matutulungan kapag
may pangalan akong magagawa at higit sa lahat may pera. Pera ay mahalaga lalo
na kung ang nasa puso mo ay pagtulong. Maraming tao na ang hindi naniniwala sa
gobyerno, eleksiyon at sa kanilang kapwa tao dahil ang lagi nilang sinasabi ay
pare-parehas lang ang mga ito.Dahil dito mas napilitan akong magtapos ng pag-
aaral upang makatulong sa aking pamilya mas higit sa nasa mga laylayan. Iba ang
pakiramdam kapag pantay pantay ang pagtingin sapagkat dito nararamdaman ng
mga nasa paligid mo na sila pala ay kabahagi , may importansya at higit sa lahat
may lugar sa mundong ito. Hindi mahalaga kung ano ang natapos mo ang
mahalaga ay kung paano ka makapaghahayag ng saloobin mo na siyang
makapagbibigay ng lakas ng loob sa mga kababayan mo upang mas magpatuloy at
makibaka sa hamon ng buhay dahil iyon ang kailangan.

You might also like